Warning: She The Devil 18

18 0 0
                                    

Liane Point of View

    Nasa tapat ko si Benj habang masama ang tingin nito sa akin. Umalis muna si Hellix at nagpunta ng counter. Hindi ko na makita sila Ate Zanchi, mukhang umuwi na sila kasama sila Rheinlander at Zyren.
   



   "Ba't kayo magkasama? Kahit Sabado magkasama kayo para sa research paper? Baka iba na 'yang nire-research niyo."

  
    Ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo ko kahit na full air-conditioned ang lugar.

  
    "Ano kase..."
   

    "Hindi bale, kapag naging closes na kayo baka pwede mong i-suggest na magkaroon ng pageant ng mga bakla sa darating ng University days?  Nakakamiss kaya rumampa, lagi nalang mga—"
   

   Nakabalik na si Niall na may dalang pagkain. May nakasunod pa sa kanyang isang lalaki na may hawak rin na tray at puno iyon ng pagkain.
   

   "May kailangan pa ba kayo, Manager?" Tanong nung lalaki kay Niall. Umiling lang si Niall matapos niyang ayusin ang mga plato sa mesa namin ay inabot niya ang tray sa lalaki at naupo sa tabi ko.
   
   
    "Enjoy your meal." Masayang sabi nung lalaki, nahagip ng lente ng mata ko ang name plate na mayroon ito sa kanang dibdib niya. Nakasulat ang pangalan "Frank"

  
    "Tama ba yung dinig ko? Manager ka sa restaurant na toh?" Namilog ang mga mata ni Benj habang nakatingin kay Niall.
 

 
    "Is there anything wrong with that?"

  
    Palihim akong tinignan ni Benj at inirapan pa. Mabuti nalang sanay na ako sa pagiging masungit ng katabi ko, ang problema hindi ko alam kung darating pa ang panahon na magkakasundo ang dalawang ito. Parang mga aso't-pusa.
   

   "Wala naman ho! Kayo naman, nagulat lang ako hehe." Kumuha nalang ng kutsara si Benj. Pumikit muna ito upang magdasal pagkatapos nagsimula ng kumain.
   
 

  Napilingon ako kay Niall na naglagay ng pagkain sa plato ko.
 

 
    "Salamat." Nasabi ko nalang.
  

    "Kumain ka na, are you waiting for something?"
    Napalingon ako sa paligid pero wala parin si Nico.

   "Yung kaibigan namim, si Nico. Hindi pa siya dumarating."
 

    "Maybe he's busy today." Kumain na lang din ako. Sayang naman, napakaraming pagkain... sobra-sobra ang pagkain namin ngayon sa mesa!

Sino magbabayad nito?

Kahit itong nasa tapat ko na pasta ay parang hindi ko magawang maubos paano pa ang ibang putahe?
 

 
    "Bakit ang daming pagkain nito? Sana kahit itong pasta nalang ang in-order mo. Tatlong daan lang nadala kong pera." Pag-amin ko sa kanila. Napatigil sa pagkain si Benj, na-realize na niya siguro ang mga nangyayari. Lamon kasi ng lamon ang bakla.
   
  

"Ako ang nag-order. I'll take care of it." Pareho kaming napatingin kay Niall na nagpupunas ng gilid ng labi. Ang hinhin nga n'yang kumain. Nahiya naman kami ni Benj na parang nasa bahay lang kami kung kumain.
 

 
    "Bakla! Kahit maging masungit 'yang si Niall sa akin araw-araw, ayos lang! Ang daming pagkain nito!" Bulong niya kahit nasa tabi lang namin ang tinutukoy niya.
   

   "Nga pala, ate mo pala si Ma'am Zanchi? Tapos ikaw pa pala ang Manager nitong restaurant?" Sunod-sunod ko na tanong sa kanya na tahimik na umiinom ng wine.
   
 

  "Baka naman pwede mo raw siyang ipasok dito? Alam mo na dagdag income hehe," sabat ni Benj na kumakain naman ngayon ng salad.
 

 
    "I'll think about it," tipid na sagot ni Niall.
 

 
    "Kailan namin malalaman ang pagpayag mo? Huwag naman sanang umabot ng isang taon ang pag-iisip mo tungkol do'n." Pinandilatan ko ng mata si Benj, puno pa nga ang bibig niya kung ano pa lumalabas doon.
   

  
    "WHAT?!" Inis na sabi ni Niall. Muntik ko nang malamon ang tinidor na hawak ko.
   

  
    "Tsarot lang po, Mr. Vice President slash Manager." Nag-peace sign pa si Benj at nagpatuloy sa pagkain. Dabil libre hindi na siya nagpaawat pa. Sabagay sino bang tatanggi sa blessings na ito?
   
    #
   

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon