Liane Point of View
Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Ngayon ko lang na-realize ang lahat. Masyadong inagaw ng mga bagay sa kwarto ang atensyon ko.
"Cravingsworth. Kayo po may-ari nung restaurant diba po?" Natagpuan ko ang sarili ko na nakahawak sa palad niya.
"Liane Figueroa po pangalan ko, pangarap ko pong makilala ang owner ng restaurant-" Marahan nitong inayos ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko.
"Gusto mo bang pumunta tayo ro'n. Get dress first." Pumasok na agad ako sa loob mg restroom para makapagpalit na.
***
Makailang beses ko ng sinampal ang sarili ko habang nakaharap sa lenght mirror sa kwarto kung nasaan ako.
"Anak ng tinapa! Wala nga ako sa panaginip." Umiiyak kong sabi hindi dahil sa hapdi ng pisngi ko, ang mga luhang kumakawala sa mata ako ay dahil sa mga nangyari...
Natulala ako nang mapatingin ako sa labi ko. Si Niall may nangyari sa kanya. Napalingon ako sa may pintuan nang makarinig ako ng ilang pagkatok doon.
"Tapos ka na ba?" Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa akin ang dalawang bata at si ma'am Zanchi.
"Hello po, ate!" Yumakap ang batang lalaki sa akin ang isa naman ay karga-karga ni Ma'am Zanchi.
"Anak niyo po sila?" Tanong ko at isinara ang pinto ng kwarto.
"Oo, pasensiya na makulit talaga yang panganay ko. Tara na sa baba, hold ate Liane hand, kuya Rheinlander." Masayang humawak ang batang lalaki sa palad ko at iginiya ako pababa sa hagdan.
"My mom didn't allow us to go at Cravingsworth, but because of you we can go there now! Sana nandito rin si Daddy para makita niyo rin po siya, Ate." Nasa lap ko si Zyren, ang baby girl ni Ma'am Zanchi, si Rheinlander naman ay nasa tabi ko at nakikipaglaro kay Zyren.
"Soon, mami-meet ko rin siya. Teka huwag kang malikot baka mahulog ka." Nasa driver seat na ngayon si Ma'am Zanchi, at papunta na kami ngayon sa restaurant.
Naguguluhan man ay inalis ko muna sa isip ko ang mga nangyari. Dah paglabas namin sa bahay ay mataas na ang sikat mg araw at nakita ko sa wall clock kanina na alas-nuwebe na ng umaga. Ibig lang sabihin nito dito ako natulog. Pero hindi ko maalala kung paano ako napunta sa lugar nila.
"May inasikaso lang ang Dad nila na si Lucien, pasensiya na kung naging babysitter ka ngayon-"
"Naku ma'am! Wala pong kaso sa akin toh! Kung pwede nga lang pong mag-apply bilang babysitter eh ginawa ko na."
"Ma'am?" Naguguluhan na tanong sa akin ni Ma'am Zanchi bago niya buhayin ang makina ng kotse ay nilingon niya ako.
"Ah? Ms. Zanchi?" Hindi ko siguradong tanong sa kanya. Napangiti tuloy siya.
"Zanchi, will do. Ma'am Zanchi is too formal, I don't like it." Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi niya, nakakahiya naman kung Zanchi lang ang tawag ko sa kanya eh ngayon lang naman kami nagkakakilala dalawa.
Habang nasa byahe ay hindi parin ako mapakali kung anong nangyari, lalo na kay Niall. Ngayon lang ako nakasaksi ng away na halos magpatayan na sila. Ano na nga kaya nangyari ngayon sa university? Isang araw lang naman iyon pero andami ng nangyari.
"Ma'am....ay...Ms. Zanchi, I mean Ate Zanchi?" Tumingin na lamang ito sa rear mirror. Hindi na ako nagdalawang isip na tanungin siya kahit na magmukha na akong desperado ngayon.
"Si Hellix po? Nasaan po siya? Kasama ko po kasi siya noong isang araw tapos...."
"Si Niall? Kasama siya ngayon ng asawa ko na si Lucien, may pinuntahan baka mamaya ay makakabalik na rin sila sa bahay." Nabawasan na ang pag-aalala na nararamdaman ko dahil don. Ibig sabihin ay ayos lang siya, mabuti naman.
Ang magkabilang kamay ko ay may bitbit na paper bags, may kalakihan nga ang mga ito at may iba-ibang tupperware na may lamang mga pagkain galing restaurant.
"Pakikamusta mo nalang kay Lolo." Yumakap ito sa akin, hindi pa gustong humiwalay ni Rheinlander na nakakapit sa baywang ko parang ayaw pa niyang akong pakawalan.
"I will tell Uncle Niall to fetch you everyday, Ate." Ginulo ko nalang ang buhok nito at sa wakas ay humiwalay na siya.
Sumakay na ako sa kotse at nagpaalam muli sa kanila. Ilang sandali lang ay nasa tapat na ako ng bahay. Nang tumingin ako kay Manong ay nakalabas na ito at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ma ang mga pagkain at bumaba na ng kotse. Paano nga pala niya nalaman ang address kung saan ako nakatira? Sa pag-alala ko wala akong maalala na nabanggit ko ang address ng bahay kay Ate Zanchi.
"Thank you po sa paghatid." Nag-bow pa ako ng ulo.
"Feeling well?" Napatingala agad ako sa boses na narinig ko.
Nagpalit-palit ang tingin ko sa kotse at sa lalaking nasa tapat ko.
"Paanong...ikaw yung...driver?"
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...