Someone's Pov
Nanatiling nakatayo sa ilalim ng matandang puno si Niall habang nakatingin sa malawak na hardin. Mas piniling ubusin ng lalaki ang oras nito sa pagtayo doon at panuorin ang mga ibang tao na masayang naglalaro sa malawak na lupain ng parke. Malamig ang pag-ihip ng hangin ngayon sa paligid at hindi mapapansin ang mainit na sikat ng araw dahil narin sa nakakalt na ulap sa himpapawid.
"Why are you just standing there? Approach your child." Siniko ni Devon si Niall na natuod na sa kanyang kinakatayuan.
"Hindi ba galit sa akin si Raytheon?" Pakiramdam ni Hellix ay halos kumawala na sa lalamunan nito ang kanyang puso nang banggitin niya ang pangalan ng kanyang anak.
"Bakit mo naman naiisip ang bagay na 'yon? Ako ang magagalit sa'yo kapag hindi mo pa kinausap ang pamangkin ko! Gusto mo ba umalis na kami ng bansa para talagang makaiwas na talaga si LA sayo? Tutal matagal na niyang plano na layuan ka— HOY!!!"
Napasigaw nalang si Devon ng malakas dahil sa nawala sa kanyang tabi si Hellix na ngayon ay nilalapitan na ang batang si Raytheon na masayang naglalaro sa damuhan kasama ang ilang bata.
***
Makailang ulit na tumingin sa touchscreen cellphone si Liane dahil kanina pa ito naghihintay ng update sa kanyang kuya. Ilang oras na rin itong hindi tumutugon sa mga text nito. Nag-aalala ito na baka may nangyaring masama sa kanyang anak.
"May lakad ka ba ngayon? Parang hindi ka mapakali. Mukhang hindi ka sanay dito sa bagong titirhan ng aking asawa na si Leona."
Napaayos ng tayo si Liane at hinarap si Asuncion na nasa kanyang tapat. May hawak itong babasaging baso na may lamang alak na kulay pula.
"Hindi naman. Nag-alala lang ako dahil hindi ako sinasagot ni Devon. Oras na rin baka hindi pa sila nakakauwi ng anak kong si Raytheon sa bahay." Pilit ito ngumiti kay Asunsion ngunit nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki.
"Sige, lalabas muna ako." Paalam nito ngunit hindi pa ito nakakahakbang paalis sa kanyang kinakatayuan ay narinig niya na nagsalita ang huli.
"The only thing you can do for him is to die."
Pakiramdam ni Liane ay tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig niya ang sinabi ni Asuncion.
"Gusto mong mabuhay ang anak mo at maging si Niall, hindi ba? Bakit pinapahirapan mo ang sarili mo? May paraan naman para hindi kana mag-alala. Mabubuhay ng matagal si Raytheon at si Niall kung mamamatay ka."
Hinarap ni Liane si Asuncion. Nahuli niya itong umiinom ng alak. Inisip lamang ni Liane na lasing na ito kung kaya't hindi na batid ng lalaki ang kanyang mga sinabi.
"Hindi ka diyos para magdesisyon kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Iniisip ko nga na napakaduwag ng demonyo na nasa isip ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya magawa na patumbahin ako at tuluyang patayin, sa salita lang siya magaling , tulad mo."
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...