Liane Point of View
Nagmulat ako ng mata at puting kisame ang bumungad sa akin. Tanging pagtunog lamang ng ceiling fan ang nagbibigay ng ingay sa loob ng kwarto kung nasaan ako. Napabangon ako bigla at biglang nakaramdam ng pananakit ng tiyan. Napalunok ako ng sariling laway at nalasahan ang isang panis na lasa.
Napakapit ako sa bed sheet ng biglang humablot sa kamay ko.
"Loka ka! Bakit nasa Men's Cr ka?" Napairap nalang ako nang makita si Benj na naupo sa gilid ko na magkadikit ang magkabilang kilay.
Napahiga akong muli at inalala ang mga nangyari. Napabangon ako muli at nakipagtitigan kay Benj.
"Nakita ko si Hell...ix." Nag-cross arm pa si bakla at tiningnan ako mula sa dibdib hanggang sa mukha.
"Hindi lang kayo basta nagkita ni Vice President Hellix, Ms. Liane Aesha." Naging seryoso na si Benj sa pagsasalita, maging ang pares ng kanyang mata ay halos masugatan na ako sa pagiging matalim nito.
"Naabutan ko na yakap ka niya! Ngayon magpaliwanag ka kung bakit yakap ka ni Mr. Hellix!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mawawalan ng ulirat sa nalaman ko.
Hindi na ako nakasagot pa dahil nagsimulang mangatog ang lamang loob ko sa sobrang kaba. Hanggang sa napigilan naming lumanghap ng hangin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang lalaki. Makita ko lang ang itim nitong jacket ay naghahatid na iyon ng kilabot sa buo kong katawan. Unang pagtapak palang ng paa nito at halos mabasag na ang mga salamin sa loob ng clinic. Napapikit na lang ako at tahimik na nagdasal. Napatayo bigla si Benj, nakalimutan kong higitin ang braso nito para hindi niya ako iwan. Ayokong makulong kasama si Hellix.
"Liane Aesha." Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kakayahang makarinig nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Pinagsiklop ko ang magkabilang palad ko at yumuko. Gusto kong magtago sa ilalim ng kumot ko sa sobrang lamig ng boses nito.
"Detention room." Huling sinabi nito. Ilang segundo lang ang lumipas nang marinig namin ang pagsara ng pinto. Bigla akong sininok at nawalan na ako ng lakas para lingunin si Benj.
May iniabot siya sa akin, isang card na kulay dugo. Isa sa mga bagay na kinakatakutan na makuha at maibigay sa isang estudyante. May limang card na ibinibigay ang Student Council na may iba't-ibang kahulugan at may karapatang mga parusa kung saan malalaman lang ang mga ibig sabihin ng mga kulay na iyon sa loob ng detention room.
Base sa mga nabalitaan ko, hindi basta-basta ang mga parusa na ibibigay sa mga estudyanteng lumabag sa mga patakaran ng unibersidad. Kaya lahat ng estudyante ang maingat sa pagkilos sa unibersidad...
maliban sa akin.
Hindi ko magawang hawakan ang card na nasa tapat ko. Kitang-kita ko ang pangalan ko na nakaukit doon.
Walangya!
"Pesteng spaghetti kasi!" Naiiyak kong sabi.
Halos walong building ang nadaanan namin ni Benj bago makarating sa pinakadulong parte ng university. Sa dami ng punong kahoy sa lugar halos hindi na tumatagos ang sinag ng araw, dahilan para maging madilim ang buong paligid.
"Pakiramdam ko nasa gubat na tayo, nasa labas na ata tayo ng university." Mahigpit parin ang kapit ko sa braso ni Benj.
"Pumasok ka na sa loob, promise dito lang ako. Hihintayin kitang makalabas." Niyakap niya pa ako ng mahigpit.
Bahagya akong ngumiti sa kanya, kahit na sa loob ko ay gusto ko na lang ulit mawalan ng malay. Humarap na ako sa entrada ng building, mukha mang bagong gawa ang buong building ngunit dahil sa kapaligiran na mayroon ito nagmumukha itong hunted na lugar. Tila matutulad ito sa mga imprastraktura sa mga horror movies. Nababalitaan ko lang noon ang lugar na ito noon, pero ngayon isa na ako sa makakapasok dito.
Napakaswerte ko! Salamat po!
Maingat kong iniapak sa makintab na sahig ang mga paa ko. Hangga't maari ay pinipigilan kong makagawa ng inggay. Wala akong maramdaman sa paligid, wala akong marinig at wala akong makitang tao sa loob. Lalo akong nangatog sa takot dahil wala akong makitang kahit ano.
"Tao po?" Muntik pa akong masinok dahil sa kaba.
Lumapit ako sa isang corner, mukha itong information desk. Nagbabakasakali na mayroon tao na nagbabantay ro'n.
Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla nagpakita ang isang babae, may hawak itong ballpen at ngumiti sa akin nang makita ako.
"Hi! Magandang araw... mukhang hindi bagay na batiin kita ng magandang araw, diba? Sino bang sasaya na mapunta sa detention room." Tumayo ito at pinagpagan ang suot na damit. Mukhang nahulog sa sahig ang ballpen na hawak niya kung kaya't hindi ko siya nakita dahil pinulot niya iyon.
"Sakay ka sa elevator dito sa gilid. Press '3' tapos tatlong kwarto bago ang detention room. Stay safe." Kinindatan pa niya ako. Hindi ko pa nailalapag ang card na hawak ko sa mesa para ipakita na ito ang ipinunta ko rito sa building. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko siya iwan.
Naging maayos naman ang pagpasok ko sa loob ng elevator. Kahit na may pa-horror effect pa sa paligid ay tinatagan ko ang loob ko. Pagtunog ng elevator na nagsasabing nasa third floor na akonay dali-dali akong lumbas nang bumukas ang pinto. Mahaba at malinis ang pasilyo, sobrang tahimik rin at malamig ang paligid. Nakatatlong pintuan na ang nadaanan ko hanggang sa may nakita akong sign board, sa pang-apat na pinto. Kumatok muna ako at sabay hawak sa door knob. Marahan ko itong pinihit hanggang sa mabuksan ko na ito.
"Miss! Anong atin? Do you have an agenda here?"
Ipinakita ko ang card na hawak ko. Tanging pagtango nalang ang tugon niya at tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng kwarto.
Napalingon ang dalawang lalaking estudyante na nakaupo sa harapan. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at nakita ko ang isang babae, hindi ko pa siya nakikita sa campus marahil madalas ay dito siya sa detention room na-assign.
"G-good morning, ma'am." Itinapat ko kaagad sa mukha ko yung red card na ibinigay sa akin ni Hellix.
Pakiramdam ko ay abunutan ako ng karayom sa dibdib nang makita na wala siya ngayon sa detention room. Nawala ang kaba na kanina pa nakayakap sa akin. Feeling ko tuloy magiging maayos ang pagpunta ko rito sa detention room. Palihim akong napangiti dahil wala yung masungit na lalaki na iyon. Naupo na ako sa isang upuan sa harapan malapit sa mesa ni madam.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Balita ko ay sumakit ang tiyan mo. Nasaan si Mr. Hellix? Hindi mo ba siya kasabay?"
Para akong pinagbaksakan ng mabigat na bagay sa katawan nang marinig ko ang pangalan niya. Hindi ko na nakuhang sumagot dahil maging si Madam ay napalingon sa pintuan na pinasukan ko kani-kanilang.
#
![](https://img.wattpad.com/cover/295347873-288-k557083.jpg)
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...