Warning: She The Devil 43

7 1 0
                                    

  Liane Point of View

   

     Oversized hoodie, black jeans at white shoes. Isang back pack lang ang dala ko, ipinagkasya ko na ang mga ilang damit na pamalit ko  at ang mga personal hygiene kit. Kumpara sa ibang mga estudyante na kasama sa outing ay naka maleta pa sila na malaki samantalang ako ay parang papasok lang sa school sa konti ng dala ko. Halatang hindi ako interesado sa outing na pinangunahan daw ni Hellix, and speaking of that guy.

   

    Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at umikot pa nga para tingnan ang nasa likuran ko na tila may hinahanap.

   

    "Iyan lang dala mo?" Itinuro pa nito ang bag na nasa kanang balikat ko lang nakasabit.

   

    "Kasya ba ang bahay namin sa bag na toh? Imposible naman 'yon kaya, yeah ito lang."

Kapansin-pansin talaga ang pormahan niya, mukha siyang pupunta ng Korea, lagi ba siyang giniginaw?

Ang init kaya sa Pinas!

   

    "Kompleto na kaya ang gamit nito? Baka nakalimutan pa niya ang passport niya. Hindi siya makaalis niyan ng bansa." Pinasadahan ko rin siya ng tingin mula paa hanggang sa ulo.

   

    Akala niya siya lang kayang tingnan ako ng ganu'n na paraan!

   

    "Ano sa tingin mo sa akin? Pupunta ng ibang bansa?" Imortal nga, nababasa nga niya ang nasa isip ko. Pambihira.

   

    "Bakit ganyan kasi ang suot mo? Makapal pa sa mukha ko itong coat mo. May sakit ka ba? Giniginaw ka lagi, eh?"

   

    Tuluyan na niyang binura ang nasa pagitan namin hanggang sa bumangga na nga ang mukha ko sa mismong dibdib niya. Sumuot kaagad ang gamit niyang pabango sa ilong ko.

   

    "Hug me then. Give me warmth."

    Kumilos kaagad ako para ilayo siya sa akin, masyado siyang malapit pero mali pa ata na kumilos ako dahil naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam ng katawan nito. Hinayaan ko ang mga palad ko sa katawan niya.

   

    "SECURITY! SECURITY!" Napaatras ako dahil sa pagsigaw na narinig ko. Sa tono palang ng boses nito alam kong gigil na gigil na siyang sabunutan ako.

   

    "Ang liwanag, Liane! Ginagawa niyo ha!?" Naramdaman ko ang hapdi sa tagiliran ko nang kurutin iyon ni Benj. Napaiwas na ako kay Hellix at ang huli naman ay umayos lang ng tayo.

   

    "Sumakay na nga tayo sa bus! Haharot eh ang aga-aga! Hala sige! Lakad!" Wala na akong nagawa kundi ang nayuko at sinundan si Benj. Ngayon lang din nag-sink sa akin ang ikinilos ko. Nakalimutan ko na nasa may university parin kami at nasa paligid pa ang ibang estudyante! Kaasar!

   

    "Obsessed?" Natigilan ako sa paglalagay ng bag ko sa upuan sa malapit sa bintana ng bus.

   

    "Huh?" Tumama pa sa upuan ang likod ko nang lingunin ko ang nag may-ari ng boses.

   

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon