Warning: She The Devil 25

17 0 0
                                    

Yuri Inagawa Pov


 The smell of freshly brewed coffee wore on as soon as we entered the cafe shop. Liane just followed me almost hiding behind me. I gently pulled him and placed him in front of me.
   
 

  "Dito ka magtatarabaho. Bakit ka nahihiya r'yan?" Nanatili parin siyang nakayuko. Ano kayang problema nito? Kung nahihiya man siya, bakit pa? Wala naman siya no'n?
   

   "Umayos ka nga ng tayo." Naiirita ko na sabi sa kanya. Dahan-dahan na niyang inaangat ang ulo nito hanggang sa magtama na ang paningin naming dalawa.
  

    "Sa kaibigan ko itong cafe. Nakausap ko na siya tungkol sa pag-part time mo rito. Kung may ayaw ka man dito, magsumbong ka sa akin." Paliwanag ko na may kasama pang pagkumpas ng kamay para naman kahit papaano ay maniwala siya sa pinagsasabi ko.

  
    "Salamat." Maikling sabi niya at nayukong muli.
   
 

 
     My eyes are looking for a man. In fact, I was left out because some customers were already looking at us inside. It looks like Liane and I  we're having a lovers quarrel, I keep looking at a distance like I'm the one to blame for both of us.

Bullshit!
  

    "Boss! Nandito pala kayo—aray!" Sinamaan ko ng tingin si Vince, pahamak talaga kahit kailan.
   

   "Magandang araw, Sir and ma'am?" Alam  kong nananakit ang kaliwang paa niya dahil sa pagtapak ko ro'n kanina. Nakalimutan na ba niya kaagad ang napag-usapan namin kahapon?
   
 

  "Gusto mo bang mawalan ng trabaho?" Inirapan ko siya para malaman niya ang ginagawa niya.
   
   
 

  "Ah! Mukhang kayo po yung bagong staff dito sa cafe. Ako nga pala yung Manager dito. Nice meeting you." Dinig ko ang paglulon niya ng laway dahil sa kabang nararamdaman niya sa kanyang loob.
   
   

   Iginiya niya kami sa isang table at inasikaso si Liane tungkol sa mga gagawin. Tahimik ko lang silang tinititigan dahil sa oras na magkamali ang Vince na ito, malilintikan talaga ito sa akin.
   
   
    ***

  
    Hapon na rin at minabuti na naming umuwi na. Inabot ko sa kanya ang dalawang paper bag na nasa backseat ng kotse ko.
   
 

  "Ito nga pala yung uniform na gagamitin mo, binilhan na rin kita ng sapatos na susuotin mo." Hindi ko matagalan ang pagtingin sa mga mata niya kung kaya't lumabas nalang ako ng kotse at pinagbuksan ko siya ng pinto ng passenger seat.
   
   

   "Alam ko na hindi gaanong kalaki ang sweldo mo ro'n para mabayaran mo si Gavin." Umiling siya at tumayo ng maayos.

.  
    "Ayos lang, salamat parin sa tulong." Napakunot ako ng noo dahil sa pagsasalita niya. Halatang may problema itong gumugulo sa isip niya.
   

  
    "Diretsahin mo nga ako? Matatanggap ko naman kung ayaw mo sa inlaok kong trabaho—" Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa buong katawan.
   
 

  "Kita nalang tayo sa school bukas. Good night." Kumawala na siya sa pagyakap niya sa akin at pumasok na siya sa bahay nila.

  
    "Kumusta na kaya ang mukha no'n?" Masyado kasing matigas itong dibdib ko para yakapin.
   

    "Ibang klase." Sumakay na akong muli sa kotse at umalis na.
   
   
   
    ***
   
   
 

  Unti-unti nang bumabalot ang makapal na usok sa paligid. Mabuti nalang at sana'y na ang ilong ko sa amoy ng mga usok na iyon. Mga tao na walang pakialam kung mawalan sila ng ulirat sa sobrang kalasingan. Mga usok na halos ilabas nila sa kanilang mga ilong at lalamunan. Mga tao na inaabuso ang katawan at hindi na iniisip ang kanilang kinabukasan.
 

 
    Napatingin ako sa wristwatch ko na suot sa kaliwang kamay. Masyado pang maaga para sa oras na napag-usapan namin.  Napaatras ako nang akmang bubuksan ko ang pinto ng isang VIP room sa dulo ng hallway. Tatlong naka-black suit ang lumabas doon at nakasunod ang isang batang lalaki.

  
    Kinapa ko ang manipis kong cellphone sa kanang bulsa ng pantalon na suot ko. Walang tigil ito sa pag-vibrate.

  
    "Nasaan ka na? Nandito kami sa parking lot ng school—" Pinutol ko na ang sasabihin nito sa kabilang linya
   
 

  "Nandito na ako sa Bar, bilisan niyo na at mukhang wala sa timpla si Devon." Ibinaba ko na ang tawag at pumasok na sa kwarto.

  
    Madilim ang paligid kahit na may mga maliit na ilaw na tila kandila sa bawat sulok ng kwarto.
   
 

 
    "Nasaan sila Dancel?" Bungad na tanong sa akin ni Devon. Kumuha ako ng alak at nagsalin sa babasaging baso at naupo sa sofa hindi kalayuan sa kanyang kinauupuan.
   

   "Parating na raw sila." Inilapag ko ang cellphone ko sa mesa at ipinagpatuloy ang pag-inom sa alak. Ewan ko rin ba kung bakit hanggang ngayon ay nasa school pa sila. Sa pagkakaalam ko ay may urgent meeting ang buong faculty kaya wala kaming pasok kanina. May ginawa na namang sigurong katarantaduhan ang mga iyon.
   
 

  "May mga bisita ka nga pala? Ngayon ko lang nakita ang isang bata rito. Sino siya?" Ibinuga ni Devon ang usok na nahithit niya sa nakasindi niyang sigarilyo. Nakapagtataka lang na may batang nakapasok sa Bar, samantalang ang pinapasok lang dito ay mga nasa legal age na.
 

 
    "A friend." Matipid niyang tugon at humithit muli sa sigarilyo.
   
  

"A friend? Isang bata?" Tanong ko sa sarili ko. Napaka-imposible naman. Ayokong isipin na anak niya iyon dahil kung mangyayari iyon ay matagal na naming nalaman nila Gavin.
   

   "Hindi ako batang ama, Yuri. Mabuti pang hintayin natin sila Dancel para maliwanagan ka."
   

   Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-inom ko kaysa mabasa niya pa kung ano ang umiikot sa isip ko.
   
   
   
    ***

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon