Warning: She the Devil 86

7 0 0
                                    

Liane Point of View

After five years

Nasa hawak na cellphone ang atensyon ni Benj. Habang ako naman ay malayo ang tingin na parang may hinihintay dumating kahit wala naman. Nasa isang event kami ngayon at ginaganap ito sa dating school kung saan kami naka-graduate ng college.

"Subukan mo kayang makipag-usap sa iba? Malalim na naman ang iniisip mo." Itinapat sa akin ni Benj ang plato kung saan may mga pagkain.

"Hindi pa ba nagsisimula sila Devon?" Inilibot ko ang paningin ko at ibinalik na lang ang tingin ko kay Benj. Masyadong nakakasilaw ang mga nakakalat na pailaw ngayon sa quadrangle. Hindi gaanong malakas ang music mula sa sound system. Marahil ay kinukumpleto pa nila ang mga attendees bago mag- start.



"Wala pa sa kalahating oras nang makarating tayo. Hayaan mo tatawag ako sa bahay para sunduin ka na."

"Mamaya na. Nag-aalala lang ako." Napahawak ako sa kwintas ko at nakita iyon ni Benj.

"I'll inform the Sangreal. Hintayin nalang muna natin silang i-present ang banda nila sa stage."

Kung hindi lang sila inimbitahan ng director ng university para mag-perform ngayon araw ay hindi naman sila dadalo. Lalo ngayon at hindi ako pinapayagan ni Devon na umalis ng mansyon niya.

After the incident nagbalik ang lahat sa normal na para bang walng nangyari. Bumalik kami sa pagiging estudyante at naging sikat na mga performers ang Sangreal. Akalain ba naman namin na may talent at magaling pala sila sa larangan ng musika. Sa pagkakaalam ko ay si Devon lang ang nasaksihan kong tumugtog noon sa auditorium. Hindi ko alam ma lahat pala na nasa Sangreal ang marunong kumanta at tumugtog ng keyboard, drum at gitara.





Natunaw na ang yelo sa babasagin na baso na nasa tapat ko. Wala akong oras makipagkamustahan sa ibang alumni. Kung sabagay wala naman akong naging close sa kanila maliban kay Benj at Nico.

Malalim akong napahinga nang maalala ko na naman siya. Dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa nakaraan ay hindi ko napansin na nagsisimula na ang event.

"Let's welcome, the former President of Student Council, Ms. Leona Alfora and former Vice President, Mr. Niall Hellix. Come and join me here on stage!" Malakas na palakpakan at hiyawan ang bumasag sa buong paligid pagkatapos magsalita nung host. Inubos ko ang lamang wine ng baso na nasa aking tapat at inabot ko ang baso ni Benj na may laman ding wine.

"Leona." Wala sa sarili kong banggit sa isang pangalan. Napahawak ako sa aking pisngi nang maalala ko ang pangalan na aking narinig. Naramdaman ko ang peklat na natamo ko noon sa gubat.

"Totoo nga na magkasama na sila," dagdag ko at napangiti sa napagtanto.

Tumingin ako sa paligid para hanapin si Benj. Bakit ba bigla siyang nawala sa tabi ko? Hindi ko sinasadya na mapatingin sa stage at makita ang kanyang mukha.

Pumasok ang mga alaala na akala ko ay nabaon ko na sa dilim. Ang nakaraan na inakala kong panaginip lang pero malinaw na nakaukit ang bawat senaryo sa aking isip.

"Iligtas mo siya, Devon! Nagmamakaawa ako!" Halos lumuhod ako sa harapan niya nang mga oras na iyon. Imposible ang bagay na hinihiling ko sa kanya noon.

"Makinig ka sa akin, Liane. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigayan kita. Umalis na tayo rito." Akmang hahawakan na niya ako para hilahin ngunit mabilis akong kumilos para kunin ang kutsilyo sa lupa.

"Kung hindi niyo rin naman ako pagbibigayan. Mas mabuti pa na tapusin na natin ang kahibangan ko." Itinapat ko sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso at walang sabing ibinaon ang kustilyo.



"LA! Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Devon sa aking balikat.



"Ha?" Nagbalik ako sa reyalidad kung saan may malalakas na sounds sa paligid.



"Tinawag ako ni Benj. May problema ba? Nilalamig ka ba? Gusto mo na bang umuwi?" Akmang huhubarin pa nito ang coat niya para ipatong sa balikat ko.

"Hindi ako nilalamig. Isuot mo na 'yan."

May dumating sa malapit sa aming mesa. Nakita ko si Benj at may kasama ito. As usual ay mga naging kaibigan ni Benj ang mga ito noon.

"Restroom lang ako." Paalam ko kay Devon. Pakiramdam ko ang umiikot na ang lamang loob ko dahil sa nainom kong wine.

"Samahan na kita." Tinulungan pa niya ako na makaalis sa pwesto kung saan ang table namin.

"Hindi na." Nagkunwari akong ayos lang kahit na nanlalabo na ang paningin ko sa hilo na nararamdaman.

"You sure?" Panigurado nito at talagang tiningnan pa niya ako ng diretso sa mata.

"Umamin ka nga? Sinadya mo ba talaga na umattend ako rito para makita siya?" Hindi na ako nakapagpigil pa at diretsahan ko na sinabi ang kanina pa umiikot sa isip ko.

Walangya!

Lasing na nga siguro ako!

"Gusto mo naman eh!" Asar pa niya at siniko pa ako. Mabilis kong kinurot ang tagiliran niya.

"Goddamnit, Devon!" Iiwas pa siya pero hindi ko siya pinakawalan.

"Humanda ka pag-uwi sa mansyon!" Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang loko.

"Maiwan na kita. Tatapusin lang namin ang performance sa stage at para makauwi na tayo ng maaga." Hinawakan nito ang ulo ko sabay gulo sa aking buhok.

"Mapangasar!" Ngumuso siya at itinuro ang stage. Kusa naman akong lumingon at nakita kong muli si Leona at si Hellix. At ang nakapagtataka ay nahuli ko siyang nakatingin sa kinakatayuan namin ni Devon.

Yawa!




Kinausap ni Devon si Benj at tuluyan na itong umalis.


"Pupunta ka raw ng restroom? Tulungan na kita." Kinuha niya ang bag ko at tumabi sa akin at inabot iyon.



"Huwag na. Mabilis lang ako," kaagad ko sabad.

Itinaas nito ang cellphone niya. "LA! Tawag ka kapag may kailangan ka ah!"

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon