Warning: She the Devil 42

9 1 0
                                    

Liane Point of View

Napatakip ako ng magkabilang tenga sa pagsigaw ng mga kaklase ko. Halos may ilang pagkalabog pa nga ang narinig ko sa kabilang mga kwarto na tila may nangyari hindi maganda.

Nakalimutan ba nilang mga teacher sa harapan?

O sadyang hindi ko lang maproseso pa ang sinabi nito?

"Hindi ka ba masaya?" Tanong ni Gavin na nasa gilid ko. Ilang beses pa niya akong tinanong pero wala akong mahanap na salita para sagutin pa siya.

"Sigurado ako na maraming sasama sa outing. Nakaka-excite!"

Mukhang sila lang nga ang masaya sa announcement na sinabi ng teacher.

Outing?

Out of nowhere, bakit naman may ganoon na klase ng announcement?

Ilang linggo pa akong nawala sa klase?


Eh tatlong araw lang naman akong absent tapos may ganitong balita?

"Nakita mo ba si Hellix? I mean si Niall?" Napahawak namam si Gavin sa kanyang bandang dibdib, na tila may matalim na kutsilyo na sumaksak sa parte na iyon.

"Nandito naman ako, kung sino-sino pa ang hinahanap mo." Umayos nalang ako ng upo at tumingin sa may bintana.

Hindi ko parin maintindihan, noong mga nakaraang buwan ay kabilaan ang faculty meeting kung kaya't naiiwan ang klase namin at ang ilang ay halos self study nalang dahil puro hard copys nalang ang naiiwan sa amin. Ang iba nga ay nahuhuli na sa mga lessons. Kung kailan naman naging maayos na ang klase makraan ay may umeksena naman ang mga Sangreal dahilan para manatili ako sa bahay dahil sa hindi maipaliwanag na nangyayari sa katawan ko.

Ngayon naman madadatnan ko ang balitang may outing ang department namin?

Seryoso ba sila?




"Hinahanap mo raw ako?"

Muntik ko na ngang makagat ang sarili kong dila nang marinig ko ang boses ni Hellix. Naramdaman ko rin ang pagkikos nito upang makupo sa bakanteng upuan sa kaliwang banda ko.

"Base sa emosyon na nasa mukha mo, wala kang balak sumama." Dagdaga pa nito. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon para lang iwasan ang mga tingin niya, pero napalingon muli ako sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Ako na ang bahala sa mga gamit na kakailanganin mo."

"Pwede ba? Hindi ako sasama sa outing na sinasabi niyo!" Napahina ang pagsigaw ko sa kanya dahil hindi parin siya nagpaawat sa mga gusto niyang sabihin.

"That will be the last regarding to your punishment, if you could still remember."

"Sasama ka na!?" Hinawakan ni Gavin ang magkabilang balikat ko, upang iharap ako sa kanya.

"Stop meddling with other business, Mr. Gavin Cadellion." Bigla namang napabitaw si Gavin sa pagkakahawak sa akin. Kahit naman ako ay matatakot kapag kumpleto ang pangalan na babanggitin sa akin ni Hellix.

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon