Warning: She The Devil 84

4 0 0
                                    

Liane Point of View




Sa wakas tumingala na ito at nagtagpo ang aming mga paningin.

 

  Sa huling pagkakataon ay nakita ko ang mga mata niya na kahit pulang pula ito na tulad ng buwan ngayong gabi.

 

  "Kakausapin ko si Devon. Hihingi tayo ng tulong sa kanya. Kung nagawa kang pagtaksilan ng mga kasamahan mo..." Napatigil ako sa pagsasalita nang ipahawak sa akin ni Hellix ang kutsilyo.

 

 

  Napakabigat nito at malamig na halos bitawan ko dahil sa kakaibang pakiramdam na aking nararamdaman sa bagay na iyon.

 

  "Umalis na kayo rito. Makakapante ako na makalabas kayo ng kaibigan mo sa gubat na ito, Liane." Humihina na ang boses nito na tila nawawalan na siya ng paghinga.

 

  "Ayos ka lang? May problema ba?" Tiningnan ko ang mukha at katawan niya ngunit wala akong makitang kakaiba rito. Maliban nalang sa pagiging malamig ng kanyang balat. Alam ko na ang pakiramdam na ito noon, pero kakaiba ang lamig sa kanyang katawan.

 

  "Hellix? Anong nangyayari sayo?"

 

 

  Ang dugo niya ang papatay sa aming pinuno!

Kailangan niyang malagutan ng buhay bago matapos ang gabi na ito.

 

  Nabaling ang paningin ko sa aking braso na balot na ng aking sariling dugo. Hindi na mapigil ang pagtulo ng dugo sa aking sugat sa aking marahas na pagkilos kanina.

 

  "Kung tama nga sila...Lalayo ako sa'yo. Marahil ang paglayo ko ang paraan para hindi ka na mahirapan. Tama ka, hindi na sana ako pumunta pa rito. Mali na makipagkita pa ako sa'yo." Tinalikuran ko na siya at hinanap si Devon.

 

  Hanggang sa mapagtanto ko na nasa ibang parte kami ng gubat. Sinubukan kong tumakbo para makabilk kung saan ko huling nakita si Devon ngunit balot ng dilim ang paligid. Sumigaw man ako ay wala akong marinig na tugon mula kay Devon. Natigilan ako sa pagsigaw nang may marinig ako sa aking likuran.

 

  "Pasensiya na at natagalan. May kalakasan din pala ang kaibigan mo...Devon ba ang pangalan ng lalaki na iyon?" Mula sa malaking aso ay naghugis tao si Axel at halos mabalutan ng dugo ang buo niyang katawan.

 

 

  "Huwag kang lalapit!" Malakas kong sigaw at itinapat sa kanya ang kutsilyo. Ngunit tumawa lang ito at dahan-dahang lumalapit sa akin.

 

  "Hindi mo ako matatakot sa pipitsuging kutsilyo na iyan." Hinawi pa niya ang kamay ko at naramdaman ko na lang ang paghaplos ng kanyang palad sa aking pisngi.

 

 

  Bago man lang ako bawian ng buhay ngayon ay gusto kong makita siya, ngunit imposible. Ang pulang buwan ang nakita ko, katulad iton ng mga mata ni Hellix. Sa madilim na kagubatan kung nasaan ako ay may nagbibigay ng kaunting liwanag dito at ito ay ang buwan. Nanlalabo na ang aking paningin at tinanggap ko na ang aking huling sandali.

 

  "Choose, Axel. Lalayuan mo ang babae na iyan or you die tonight?"

 

  Bitawan na ako ni Axel at ako naman ay walang tigil sa paghahabol sa aking hininga. Kumapit ako sa magkabilang tuhod ko dahil sa nararamdamang hilo. Inalalayan ako ni Hellix na bigla na lamang nasa aking tabi.

 

  "These are the last words I will say to you. Get out of here. Pakiusap."

 

 

  #

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon