Liane Point of View
Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng instant bodyguard. Bawat kilos ko ay may mga matang nakatingin sa akin na tila isang surveillance camera lang at hindi ako komportable doon.
Ayokong tanggapin ang katotohanan na isa nga silang mga hindi ordinaryong nilalang. Ayon sa mga napapansin ko ay halata na totoo at maging ang lalaking nasa tabi ko na walang sawang umiinom ng iced tea.
"Wala akong pambayad sa service mo, kaya ko sarili ko. Kaya pupwede ba?" Inirapan ko pa siya para iparamdam na sobrang naiirita ako sa kanya. At ang loko sinamaan pa ako ng tingin. Attitude talaga kahit kailan.
"Bakit? Hindi naman ako humihingi ng pera o kapalit sa'yo. Just let me, let me protect you." Natampal ko nalang ang noo ko sa narinig ko kay Hellix.
"Tigilan mo na nga yang iced tea na 'yan, nalalasing ka eh!" Hinarap ko siya at pilit iniabot ang hawak niyang plastic cup.
"Stop woman! I'm not drunk!" Inilayo niya ang hawak niyang cup at umayos ng upo sa sofa.
"Tsk!" For the second time ay inirapan ko siya. Umayos na rin ako ng upo at lumayo ng kaunti sa kanya. Nasa loob kami ng student council room, at tanging tunog ng electric fan ang naghahari ngayon sa buong kwarto.
Kahit papaano ay natatapos ko na ang mga research paper na naging punishment ko noon sa masungit na katabi ko. Gusto ko na rin talagang makawala sa kanya lalo na at may naririnig akong mga issue tungkol sa aming dalawa ng vice president na toh.
Noong nakaraan ay patungkol kay Yuri ang kumakalat na tsismis na hinaharot ko raw siya para sa pera.
Ako?
Mukhang pera?
Putangna!
Dahil narin sa ginawa ni Hellix na paghila sa akin palayo kay Yuri at sa mga ibang tao, sabay kulong sa akin sa may detention room at dito sa SC room ay nabawasan kahit papaano ay masamang balita patungkol sa amin ni Yuri.
Ngayon naman, ayokong mangyari na may masabi na naman sila sa amin ni Hellix kaya gusto ko na talagang matapos ang gawain ko sa pagitan namin ng suplado na ito.
"Narinig...I mean nabasa ko ang nasa isip mo." Napalingon ako kay Hellix na binabasa naman ngayon ang mga papel na kakatapos lang mai-print na nasa mesa.
"Mind reader, huh?" Ang tanong ko sa kanya.
"We can say that. So be careful what you think-the fuck!" Napatayo ako dahil sa biglang pagmura niya.
" I want to die."
Matalim na tingin ang ibinato niya sa akin at napansin ko na halos malukot na ang papel na hawak-hawak na sa kanyang palad.
"Seriously? Nababasa mo nga ang nasa isip ko? Hindi ka naman bastos n'yan?" Nag-cross arms pa ako. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang basahin ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...