Liane Point of View
Napaiwas ako nang ilagay ni Ruce ang halamang gamot sa pisngi ko. Kanina pa siya nasa tabi ko para gamutin ang sugat sa mukha at braso ko.
"Pumirmi ka nga! Problema sayo ang tigas ng ulo mo!"
"Ano bang ginawa ko sayo at ang init ng ulo mo sa akin!?" Pinilit kong abutin ang hawak niyang panggamot pero iniwas niya ito.
"Sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha ang kutsilyo na ito?" Muli ay ipinakita niya sa akin ang kutsilyo. Umayos nalang ako ng upo sa papag at sinamaan ko siya ng tingin.
"Sa tingin mo ba maniniwala ka kapag sinabi ko kung sino ang nagbigay sa akin niyan?"
"Syempre! Gulgulpihin ko lang naman -"
"Si Hellix, siya ang nagbigay sa akin niyan." Kumunot ang noo nito nang lumingon siya sa akin. Pakiramdam ko ay wala siyang ideya sa pangalang binanggit ko.
"Hellix? Pinagloloko mo ba ako?"
"Hindi mo ba kilala si Hellix? Hina mo naman." Bato ko sa kanya na lalong nagpagulo sa kanya.
"What the! Imposible yang sinasabi mo. Bakit bibigyan ka ni Niall ng ganyang bagay?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka habang nakatuon sa kutsilyo ang atensyon niya. Gawa sa silver ang kutsilyo na bigay sa akin ni Hellix. Marahil ang bagay na iyon ay isa sa mga magiging dahilan ng kanilang kahinaan.
"Kilala mo naman pala. At itanong mo sa kaibigan mo. Ikaw na kumausap sa kanya dahil hindi ko siya makausap ng maayos."
"Sus! Umayos ka! Seryoso ako." Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakatingala ako para salubungin ang tingin niya.
"Mawalang galang na, mister. Isipin mo, pagod ako at nagagawa ko pang sagutin ang walang kwentang mga tanong mo. Kung gusto mong malaman kung sino ang nagbigay sa akin n'yan ay walang iba kundi ang kaibigan mo."
Muntik na itong magmura ngunit na itakip niya kaagad ang palad nito sa kanyang bibig. Bumukas ang pinto kung saan ako nagpapahinga at iniluwa iyon si Hellix.
"Nandito ka lang pala."
Kumilos ako para makatakyo kung saan pareho silang napatingin sa akin.
"Maiwan ko muna kayo, mukhang kailangan niyong mag-usap ng maayos." Napasinghap ako nang hawakan ni Ruce ang braso ko.
"I want to know if totoo ba ang mga sinasabi ng babae na ito."
Binawi ko ang braso ko kahit na namamanhid na ito sa sakit dahil sa paraan ng paghawak niya. Malabong gumaling ito kaagad dahil sa patuloy na paggalaw ko. Idagdag pa na hindi biro ang lalim ng pagkakabaon ng mga galos mula sa itim na aso na nanakit sa akin noon.
"Is this yours?" Ipinakita ni Ruce ang kutsilyo.
Walang sinayang na segundo at sumagot naman si Hellix.
"Yes." Narinig ko ang pagtawa ni Ruce na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Alam mo ba? That knife almost killed me!" Itinaas niya ang suot na tshirt at lumantad sa paningin ni Hellix ang sariwang sugat nito sa tyan. Marahil isa siya sa mga nasugatan ko noon sa gubat na hindi ko namalayan dahil sa takot na aking nararamdaman. Wala akong ideya kung paano pero ginawa ko lang ang dapat para depensahan ang sarili ko.
Natahimik si Hellix na tila nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay napakasariwa ng sugat na iniwan ng kutsilyo hawak ni Ruce ngayon.
"Sorry kung iyon ang gusto mo. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ka-"
Tila putok ng baril ang tama ng pagkakasabi ni Ruce sa akin na halos mabingi ako. Gusto ko lang humingi ng tawad pero mukhang malabo.
"Shut up!"
Pumagitna si Hellix sa aming dalawa ni Ruce. Napaatras ako dahil pakiramdam ko ay sumisikip nag lugar kung nasaan kami at nahihirapan akong lumanghap ng hangin. Tuluyan na akong nanghina dahil sa mga binitawang salita ni Hellix.
"I give you permission to suck her."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...