Liane Point of View
Kinuha ko ang shades ni Hellix at ipinasuot kay Benj, kanina pa siya nakatingin ng masama sa akin at naaalibadbaran ako, pero tinabig lang ni Benj ang kamay ko.
"Ano bang problema mo, bakla?" bato ko ng tanong sa kanya.
"Ikaw ang may problema, gaga!" Literal na binato niya ako ng steamed buns ng loka! Sayang at hindi ko nasalo para makain ko na lang.
Tumikhim si Hellix kung kaya't natigil kami sa pag-aaway. Baklang 'to talaga pahamak kahit kailan!
"Mag-concentrate ka na nga lang sa laro!" Dagdag ko pa pero lalong uminit ang ulo niya na para nag mumurang kamatis na ang buong mukha niya sa sobrang pula.
Nasa gymnasium kami ngayon at nanunuod ng practice ng mga varsity players. Tapos na rin pasok ngayong hapon. Hindi ko rin naman inaasahan na pupunta si Hellix dito sa gymnasium at tatabi pa sa bleachers kung nasaan kami ni Benj.
"Hindi tuloy ako makatili ng maayos! Asar! Bakit mo ba dinala 'yan hanggang dito?" Napa-roll eyes nalang ako nang marinig ko ang kinaiinisan mula kanina ni bakla. Kahit naman ako ay walang ideya kung anong nakain nitong Hellix na ito para lumabas siya sa lungga niya.
"Reserve mo nalang sa finals." Mahinang sagot ko baka mag-react na naman ang katabi namin at magkaroon pa kami ng exclusive ticket papuntang detention room kapag nagkalat kami ngayon.
Bakit kasi nandito ang isang 'to? Ang alam ko hindi naman mahilig lumabas at makihalubilo sa ibang estudyante. Balot na balot nga siya mula sa pangmalakasan niyang jacket at shades. Isa pa, ngayon ko nga lang siyang nakita na nandito sa gym. Madalas ay nasa loob siya madilim at tahimik na detention room.
"Galingan mo chupapi Yuri!" Mahina pero may diing sabi ni Benj. Napatingin ako sa may court at nakita ko na may ilang players na pumasok at pinalitan ang ilang players.
"Huh? Basketball player pala siya—Aray! Ano ba!" Sinamaan ko ng tingin si Hellix nang pitikin niya ang noo ko, nawala tuloy ang atensyon ko sa court kung nasaan si Yuri.
Ngumuso si Hellix at tinuro ang mga folders na hawak-hawak ko, mga letseng research papers at portfolio.
"Gagawin ko sila mamaya sa bahay! Atat na atat, bakit kasi hindi ikaw ang gumawa nito." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Lagi niya iyong ginawa kaya wala akong ibang magawa kundi at matahimik nalang sabay tikom ng bibig.
"Dadagdagan ko 'yan kapag hindi mo natapos ang mga pinapagawa ko sayo. Remember, you have an offense that you must pay for."
Umayos na ako sa pagkakaupo at napansin ko ma nakatingin sa akin si Benj kaya nilingon ko na siya.
"Putangna. Kadiri ka!" Kumuha ako ng papel at pinunasan ang tumulong laway sa bibig niya, wala rin naman kasi akong panyo para pampunas para ro'n.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...