Niall Hellix Point of view
Dahil na rin sa kondisyon ni Devon kung kaya't nandito ako sa bahay nila. Sa kabilang banda ay gusto kong may mapatunayan muna kay Liane bago ko hingin ang kanyang kamay para magpakasal na. Pinapangarap ko na magkaroon na kami ng sariling bahay para hindi na siya makitira pa sa mansyon na mayroon ang kanyang kuya. Ngunit sa ngayon ay sabi ni Devon ay mas makakabuti na manatili muna si Liane sa mansyon bago ko maayos ang sarili ko.
Sa katunayan ay ginugulo parin ako ng konsensya ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maaalala ang mga bagay na nagawa ko kay Liane na nakasakit sa kanya. Ang sabi ni Devon ang kailangan kong bumawi para kahit papano sa mga mali ko sa kapatid niya.
"Nahihilo ako sayo, Niall." Napatigil ako sa pagkilos nang marinig ko si Devon mula sa sala ng mansyon niya. Tahimik itong nagbabasa ng libro kaya nagtataka ako kung bakit napansin pa niya ako?
"Kanina nasa may kusina ka. Ngayon naman nasa hagdan ka na naman? Saan ka ba pupunta?" Napakamot nalang ako sa ulo. Hinarap ko ito at kinalimutan kaagad ang pag-akyat ko sa second floor.
"Baka kasi makasalubong ko si Liane. Alam mo naman na masama parin pakikitungo niya sa akin." Pabagsak na isinara ni Devon ang libro na binabasa niya at sinamaan na niya ako ng tingin.
"Paano kayo magkakasundo kung nag-iiwasan kayo?" Napatingin si Devon sa may second floor kung kaya't lumingon din ako. Hanggang sa nakita ko si Liane na kasama si Raytheon, ang anak namin.
May puwersa na pumigil sa aking kumilos nang akmang aatras ako para lumabas ng bahay.
"Paano masusundan si Raytheon kung iniiwasan niyo ang isa't-isa?" Nilagpasan ako ni Devon at siya ang umakyat sa hagdan para lapitan si Liane na tila nakapako rin sa kanyang kinakatayuan.
"WHAT!!!" Sigaw naming dalawa ni Liane na hindi makapaniwala dahil sa narinig namin sa kanyang kuya.
"Kung maka-demand ka naman, kuya Devon!" Pang-aasar ni Liane kay Devon.
"Don't say bad words in front of my nephew, LA." Kinuha ni Devon si Raytheon at bigla nalang silang nawala sa paningin namin.
***
Mahihinang bulong ang aking naririnig. Gusto kong kumawala sa mahihigpit nilang hawak. Mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib. Pilit akong sumisigaw ngunit hindi ko marinig ang sarili ko sigaw.
"Hindi ka isang ganap na bampira. Ang paglipat ng kapangyarihan sa isang normal na tao ay isang malaking kapahamakan sa'yo. Ngunit may paraan upang ito'y iyong maaagapan, bago dumating ang pulang buwan kailangan mong sipsipin ang dugo ng babae hanggang siya ay matuyuan at matuluyan. Sa oras na hindi mo magawa ang bagay na iyon ay siya mismo ang kukuha sa iyong laman, papatayin ka at ika'y kanyang ihahatid kay kamatayan."
Sa mga panahong kasama ko si Liane ay hindi ko nakita sa kanya na siya ang papatay sa akin pagdating ng panahon. Sinubukan ko siyang mahalin at nagbakasakaling mabago ko ang tadhana. Simula nang mailigtas ko siya sa kagubatan ay nagkaroon ako ng lakas na mabuhay. Si Liane ang dahilan kung bakit gusto kong mabuhay. Hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman. Dahil ba sa pagpaparamdam niya na may halaga ako? Hindi ko alam, nagising na lang ako na gusto ko siyang makasama hanggang sa aking huling paghinga.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...