Warning: She The Devil 65

14 1 0
                                    

Liane Point of View



 
   
    Sa tingin ko ay wala pa sa isang kilometro ang nalakad ko. Halos manlabo na ang flashlight mula sa cellphone ko. Gusto ko pa naman na huwag na munang gamitin ang cellphone ko para mayroon akong contact kay Yuri. Wala naman akong pagpipilian pa kundi gamitin ito dahil napakadilim sa loob mg gubat.
   
    "Walangya!" Naluhod ako dahil sa kagat ng lamok sa binti ko. Pakiramdam ko ay magmamanhid na ito sa tadtad na kagat mula sa mga lamok.
   
    Inilawan kong muli ang daan na sinusundan ko at inida ang mga kagat ng insekto sa katawan ko. At makalipas ang limang minuto ay namalayan ko na wala na ang bakas ng daan na sinusundan ko mula kanina. Nakapagtataka lang kung bakit nigla nalang itong natigil sa tapat ng malaki at matandang puno. Nang sinubukan kong maglakad patungo sa kabilang parte nito ay halos balot na ng dilim ang tumambad sa akin.
   
    "11:44 pm. Dito nalang siguro ako magpapahinga." Ngunit nang lumingon muli ako sa likod ng malaking puno upang sana ay magpatuloy ay nanghihina akong tumuloy.
   
    "Gigilitan ko talaga ng leeg ang Hellix na iyon kapag nakita ko siya." Naupo na ako sa lupa. Isinandal ko sa katawan ng puno ang likod ko upang kahit papaano ay makaramdam ako ng ginhawa. Sa isip ko ay hindi pa ko pa nakakalahati ang gubat ngunit ramdam na ramdam ko na ang sobrang pagod.
   
    Habang nagpapahinga ay sinubukan kong kumain kahit papaano. Pumasok sa isip ko na kung paano nakakaya ni Hellix ang matili sa lugar na tulad nito?
   
    Hindi ba siya natatakot na baka saktan siya ng mga mababangis na hayop na naninirahan dito?
   
    Ang lakas talaga ng loob ng lalaki na iyon. Wala siyang pakialam sa mga taong nag-aalala sa kanya. Hindi niya iniisip na may naghihintay sa kanya at kung ano na ang nangyari.
   
    Kinuha ko ang ilang kutsilyo sa tagiliran ko. Ito ang mga ibinigay ni Hellix sa akin noon bilang proteksyon sa mga katulad nilang hindi ordinaryong nilalang. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko iyon gagamitin pero nandito ako ngayon ginagawang pain ang sarili.
   
    "Handa ka talagang gawin para sa kaibigan mo?" Naalala kong tanong sa akin ni Yuri.
   
   
    Ito rin marahil ang gagamitin ko sa kanya para lang mapasunod ko siyang umuwi na. Kailangan kong mailigtas si Benj, ayoko nang mawalan pa. 
   
    Ngunit ang pag-asa na siyang pinanghahawakan ko ay unti-unting nauubos. Hindi ako natatakot sa dilim ngayon sa gubat. Ang nagbibigay sa akin ngayon ng takot ay ang mga mapupulang ilaw sa hindi kalayuan. Malayo ito sa kinauupuan ko ngunit matingkad ang mga kulay nito na tila mula sa mababangis na hayop ngayon sa kagubatan. Nakamasid lamang sa aking direksyon na tila anumang oras ay susugod na upang lapain ako.
   
    #

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon