Liane Point of View
Tanaw ko na ang kubo kung saan ako unang dinala ni Niall at dito ko rin huling nakita si Gavin. Malakas ang kutob ko na nandito ito, kailangan ko siyang iligtas.
Naitakip ko ang palad ko sa aking bibig nang may narinig akong mga yapak. Nagtago ako sa malapad na dingding na gawa sa pawid at sinilip kung sino ang paparating.
"Nakahanda naman akong tulungan si Ruce para narin mabilis kaming makabalik dito sa gubat. Alam kong may ideya ka na mamaya na ang kabilugan ng buwan." Paliwanag ni Alliyah kay Hellix na seryoso sa pagtingin sa paligid.
Paano ako nito makakapasok sa loob?
Hindi ako pupwedeng magtagal at baka magalit si Ruce sa pagtakas ko!
"I know you're worried about Liane, but don't think about that girl." Kahit na malayo ako ng ilang metro sa kanila ay ramdam ko ang sakit ng mga salita na binitiwan ni Hellix.
"Hanggang kailan mo kayang panindigan yang ginagawa mo. Don't fool me because I know you have feelings for Liane!" Lumakas ang tono ng pananalita ni Alliyah. Hindi na siguro kayang pigilan ang sarili para sa kaibigan niya.
Bakit ba ang laking pagbabago ang nangyari kay Hellix?
"Mabuti pa nga na sundan mo si Ruce than you argue with me here about useless things." Naglakad palayo si Hellix ngunit humarang si Alliyah sa daraanan nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon para makalapit sa pinto ng kubo pero napatigil ako sa mga sumunod na eksena.
"Are you letting go of Liane that easily? Parang kailan lang nang ikwento mo sa akin na natagpuan mo na ang babaeng matagal mo nang hinahanap." Diretso at seryoso na rin ang mga tingin ni Alliyah sa kanyang kaibigan. Si Hellix naman ay nagpakawala ng mabigat na paghinga at tumingin na rin ng diretso sa kanyang kausap.
"You are right, I spent my life trying to find her pero nagkamali ako. Do you want to know why I'm walking away? Because I don't want to use her anymore para punan ang mga alaala namin ni Leona noon."
Ito ang pakiramdam na kanina ko pa nararamdaman, ang pakiramdam na tila nawawala ang sarili kong pandinig sa hindi ko malamang dahilan. Kumapit akong mabuti sa mga tuhod ko dahil sa kawalan ko ng lakas para makatayo ng maayos.
"Sinong Leona? For the nth time, Niall. Kailan ka pa naging makakalimutin para makalimutan mo ang pangalang 'Liane', ipaliwanag mo-"
"You heard right, Alliyah."
Natuod sa kinatatayuan nito si Alliyah. Habang si Niall naman ay nagpahinga ng malalim at seryosong nakatingin ng deretso sa mata ng kaibigan.
"May kondisyon na ibinigay sa akin ang may-ari ng university kung saan ako papasok para makapag-aral. His condition is that I find the woman in the photo and that it is Leona. I have studied for a long time kung bakit magkamukha sila ni Liane."
Huli na para kumilos ako para pahirin ang mga luha kong hindi ko kayang pigilan pa sa pagkawala sa mga mata ko. Isa-isang bumalik sa alaala ko ang mga tagpong nangyari sa pagitan namin ni Hellix. Hindi ko kayang tanggapin na ginamit niya lang pala talaga ako dahil sa babaeng nauna sa akin, si Leona.
"You're kidding me, aren't you?" Nagawa pang tumawa ni Alliyah sa mga narinig niya sa kanyang kaibigan. Sana ay kaya ko ring makatawa sa mga naririnig ko.
"Pinilit kong pakisamahan siya so I could confirm that she was Leona pero nagkamali ako because she was not the girl I loved before."
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Alliyah. Samantalang ako ay halos mapaluhod na sa lupa sa sakit na nararamdaman ko. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha kong walang balak huminto sa pagpatak.
"I gathered all Liane's information. Kung ano man ang kailangan kong ipakita sa may ari ng university ay ibibigay ko. I don't care what they want from Liane. All I want is for them not to mess with Leona."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...