Warning: She the Devil 81

6 0 0
                                    

Liane Point of View

May gusto akong sabihin pero hindi ko kayang bigkasin. Nilingon ko si Hellix na ngayon ay naglalakad na palayo. Saan siya pupunta? Susundan niya ba ang mga kaibigan niya at sasamahan para ako ay hanapin? Pero hindi mangyayari iton dahil wala naman akong halaga sa kanya.



"Come to your senses, Liane. Sa lahat ng narinig mo nagawa mo pa siyang tingnan." Matagal na katahimikan bago ko hinarap si Yuri at diretso ko siyang tiningnan sa kanyang mata.



"What more does Hellix have to do to make you hate him forever?"


Hinawakan ko ang magkabilang palad ni Yuri at hinigpitan ko pa ang pagkapit dito.



"Ayoko na, Yuri. Pwede bang burahin mo ang mga alaala ko kasama si Hellix. I don't want to get hurt anymore, it's so painful that I feel like it's going to kill me."


"Kaya naming basahin ang mga isip ninyong mga tao but only a few of our kind are capable of erasing someone's memory." Hinayaan na lang ako ni Yuri na mapaluhod sa lupa sa sobrang panghihina. Wala akong ibang alam na paraan para hindi ko na maalala pa ang mga nangyari sa amin ni Hellix. Imposible na isipin kong panaginip ang lahat.



Mahigpit kong pinanghahawakan ang mga sinabi ni Ruce. Magsisinungaling si Hellix para magalit ako sa kanya at ako na mismo ang kusang layuan siya.




***


Madilim ang lugar kung saan ako dinala ni Yuri. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Muli ay narinig ko ang mariing daing mula sa boses ng isang lalaki. Ang akala ko ay guni-guni ko lang iyon kanina. Bumangon na ako at nakita ko ang paligid. Nasa loob kami ngayon ng isang kuweba.



"Let's wait for Devon to come back before we leave this place." Patuloy sa pagbuhos ng tubig si Yuri sa katawan ni Gavin na nababalot ng sariling niyang dugo. Ang ilang dugo ay natuyo na at pinupunasan ni Dancel upang maalis sa balat ng kaibigan.



"Paano kung hindi naman kayang makabawi ng lakas si Gavin bago makabalik si Devon?" Tanong ni Dancel na napatingin sa akin. May ideya ito tungkol sa kakaibang dugo na mayroon ako. Sigurado akong iisa lang ang naiisip namin.



"We're all going to die tonight." Matigas na sabi ni Gavin na nagpupumilit bumangon kahit na nahihirapan ito dahil sa malaking hiwa sa kanyang katawan. Tatlong hiwa iyon na halos makita ko na ang laman nito. Nagtataka ako kung anong bagay ang ginamit nila para sugatan nila si Gavin ng ganito.

Kung hindi ako nagkakamali ng dinig, nasa gubat ngayon si Devon at naghahanap ng biktima upang makuha ang dugo ng mga ito. Napatingin ako kay Gavin na hinang-hina na ang kalagayan.



"Hindi ka namin iiwan dito. Kailangan mong makabawi ng lakas. I give you permission to suck my blood. Please, Gavin."



"Stop it, Liane! Kami na ang bahala ni Dancel dito." Hinila ako ni Yuri palayo sa hinihigaan ni Gavin.



"Maililigtas ko si Gavin. Maraming nagsabi na may kakaiba sa dugo ko. At naniniwala ako na may kapangyarihan ito para lumakas siya." Seryoso kong paliwanag kay Yuri ngunit sinamaan niya ako ng tingin.



"Are you joking? Nakikita mo ba ang sugat sa braso mo? Sarili mo mismo ay hindi kayang pagalingin ng dugo na sinasabi mo. I know you want to help but what about yourself? Hindi ka ba natatakot na maubos ang dugo mo at mamatay ka?"



Ang mga huling salita na narinig ko sa kanya ang nagbigay sa akin ng paraan para tuluyan kong makalimutan ang isang tao. Marahil iyon nga ang mabisang solusyon para hindi ko na siya maalala pa.




"You are thinking of useless things again," dagdag ni Yuri at tinalikuran na ako.



#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon