Liane Point of View
"Umpisa na ang games! Tara mga boys, sali kayo." Hinila na ako ni Benj at sa kanang kamay niya ay hila-hila niya rin si Gavin. Dahil narin siguro nasa klase namin si Gavin ay hindi nahihiya ang bakla maliban sa tatlo na si Devon, Dancel at Yuri.
Nang lingunin ko si Yuri ay napaiwas kaagad ito ng tingin. Nahuli ko ba siya? Teka bakit siya nakatingin sa akin?
Gustong-gusto ko siyang makausap pero parang ayaw naman niya. Nirerespeto ko iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
***
Nasa isang hindi kalakihang tent kami ngayon. Ang mga malilit na bombilya sa paligid at bawat sulok ng mga poste. na mayroon ang tent ay may mga pailaw na siyang dahilan upang bigyan ng liwanag ang buong lugar. Mga katawan ng puno ng buko ang inuupuan namin ngayon. Ang ilam ay may nakaupo sa mga maliit na carpet. Sa kabilang dulong parte ng tent ay ang nga pagkain. Humahalo sa hangin ang bagong luto na mga barbeque, mga inihaw na isda at may ilang mga fruit salad din ang nasa mesa kasama narin ang mga inumin.
***
Wala sa palaro ang atensyon ko, walang ibang umiikot sa utak ko kundi ang mahiga sa kama. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ang pakiramdam ko.
"The heck!?" Malutong na mura ang narinig namin. Nang iangat ko ang paningin ko sa gitna kung saan may isang babae ang nag-a-announce ng mga rules sa mga laro na lalaruin ng buong section namin.
"Pwede bang mapalitan? Kahit naman ako ayoko ka-partner si Niall!" Kung kanina ay abot langit ang ngiti ng bakla na si Benj, ngayon naman ay halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya kung sino ang makakapareha niya.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay lalong naging puso ang mga mata ng ilang babae dahil sa pagmumura ni Hellix. Nakaka-cool ba 'yon?
"Don't use any abilities, Yuri." May lalaking tumayo mula sa gilid ko, si Devon at naupo naman siya sa ibang upuan kasama ang isang kaklase ko na babae. Ilang sandali lang ay nasa tabi ko na si Yuri, kung hindi ko pa siya tiningnan sa mukha ay hindi ko malalaman na siya ang katabi ko.
Kanina pa kasi ako nakayuko at halatang walang interes sa gagawin nila kaya wala akong ideya kung sino ang mga nasa gilid ko.
"How are you?" Ako na ang naunang nag-approach sa kanya kahit alam kong wala akong matatanggap na tugon. At hindi nga ako nagkamali dahil hindi nga siya sumagot. Mahina ba ang boses ko?
"Y-Yuri." Pakiramdam ko ay tumigil sandali ang pag-ikot ng mundo sa ginawa niya. Lahat ng mga mata ng mga kaklase ko ay napako sa kinauupuan namin. Hapon na rin at nagiging malamig na ang hangin sa paligid.
Hinubad na niya ng tuluyan ang damit nito at ipinatong sa magkabilang kong balikat.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...