Liane Point of View
Kahit na sarili kong boses ay hindi ko marinig dahil sa emosyon na naghahari sa sistema ko.
Dahan-dahan nitong pinupunasan ang nga kumawala kong luha na walang awat sa pagkawala sa aking mata.
"I ordered Devon to use his ability to erase your memory. Masakit para sa amin na masaktan ka dahil sa mga nangyari sa atin sa gubat noon." Napatingala ako nang makita ko si Devon na nasa aming tabi.
"At hindi ako magsasawang protektahan kayong dalawa ngayon. Malaki ang kasalanan na nagawa ko sa inyo at hayaan niyong makabawi ako sa mga maling nagawa ko." Inalalayan kami ni Devon na makatayo at niyakap.
"Patawad kung lumayo ako. Hindi ko nakayanan ang mga nagawa kong kasalanan sa inyong dalawa.Until I realized that I shouldn't have left you. Now that we are together, I will do everything para makabawi ako sa mga pagkukulang ko."
Humiwalay na ako sa yakap nito dahil may gusto akong sabihin sa kanya.
"Are you sure you will protect us yourself? Baka naman utusan mo pa ang mga Sangreal." Nakapamaywang pa ako na parang isang nanay na sinermunan ang makulit na anak.
"I'm sorry for what happened while you were with the Sangreals. I really didn't have the courage to face you then so I ordered them to protect you. I promise, I will protect you and your sister myself." Humawak muli si Devon sa ulo ko at ginulo iyon.
Napansin ko ma natahimik si ate Leona sa tabi ko.
"Bakit malungkot ang bagong kasal?" Pagtatanong ni Devon.
"I just can't imagine us being together again." Pinunasan nito ang luha niya pero siniko ko lang siya dahilan para harapin niya kami.
"Bakit sa reception mo kami dinala kaagad? Hindi man lang ako naging flower girl sa wedding niyo." Natawa tuloy si Ate Leona.
"Let me and Asuncion plan a church wedding next month. We also didn't think that Devon would find us so it was too late to stop the civil ceremony wedding."
Napalingon si Devon sa akin dahil sa seryosong tingin ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso nito at bahagyang lumapit sa kanya para maabot ko ang tenga nito.
"Paano si Yuri? Diba sila ang may relasyon dati?" Sunod-sunod kong tanong pero ngumisi ito bago siya sumagot.
"Akala ko pa naman ang tungkol kay Niall at sayo ang itatanong mo." Nagtago kaagad ito sa likod ni Leona.
"KUYA!!!" Sigaw ko sa kanya pero tawa lang ito ng tawa . Umawat si Leona sa amin.
"I had committed a great sin against Yuri before. I don't want to have a connection with him again. Huli na para malaman kong magkaibigan pala sila ni Devon. I know it's sudden but maybe it's better that we stay away from each other. I am married, kasal na ako kay Asuncion at kontento na ako sa napili kong buhay."
Nanatiling nakatago si Devon sa likuran ni ate Leona. Nakatingin ito sa akin ma parang may kalokohan na naman siyang sasabihin.
"Ikwento mo naman ang tungkol kay LA at Niall." Mabilis itong tumakbo papasok sa loob ng bahay nang kumilos ako para ibato sa kanya ang sapatos ko.
"WALANGYA KA!!! KUYA DEVON!!!"
"It looks like you still have a story to know about your past, LA." Natawa nalang si Leona sa huli at hinayaan nalang niya kaming maghabulan sa loob ng kanyang bahay.
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...