Warning: She The Devil 17

23 2 0
                                    


Liane Point of View

Bumitaw na si Hellix sa palad ni Aling Koring dahil nagmano pa ito sa matanda.

 
    "Mukhang may date pa kayong dalawa. Sige na, basta ihatid mo nalang pabalik si Liane kapag ginabi kayo." Itinulak pa ako ni Aling Koring palapit kay Hellix, saglit na nagdikit ang mga braso namin.
   

   "Pasensiya na." Narinig kong muli si Benj sa kabilang linya.
 

 
    "Teka lang bakla! Hindi ako makakapunta—ha?"
   
  

"Mauuna na po kami, nay. Ihahatid ko nalang po siya pabalik." 

Ano?

Teka!

May nakalimutan ba ako?

Anong pinagsasabi nito si Hellix?
   
 

 
    "Sige sige, ako na magsasabi kay Lolo Morris. Huwag kayong magpapagabi, Liane." Ngumiti si Aling Koring sa amin at pumasok na siya sa bahay namin.
 


    "You hop in the car." Nasa tapat ng passenger seat si Hellix, binuksan na niya ito.

  
    "Pero..." Tinaasan niya ako ng isang kilay. Pakiramdam ko tuloy isa akong maamong tuta na sinundan siya sa utos nito na lagi naman.

  
    Habang nasa byahe, matatagalan pa yata kami rito sa kalsada dahil trapik sa daan ngayong hapon, Sabado pa naman at ang ilang tao pauwi na rin sa kani-kanilang mga bahay galing trabaho.
   

    "Andyan na, bakit ba kasi ang aga mo r'yan?"
   

    "Loka! Ala-una ng tanghali ang usapan natin ni Nico aba'y hapon na! Anong oras na ba sa inyo? Alas dyes ng umaga? Isa pa yang Nico na 'yann Siya ang nag-imbita sa atin dito, tapos siya pa ang wala? Teka niloloko niyo ba ako? Nakailang abot na ng tubig sa akin yung mga staff dito kakahintay sa inyong dalawa. Pasalamat ka at guwapo ang nga staff nila rito."

Makailang ulit ko na naillunok ang sarili kong laway dahil sa sermon sa akin ni Benj. Nawala rin kasi sa isip ko ang lakad namin ngayon.
   
   

"Wala ka bang contact number no Nico?" Naitanong ko nalang dahil hindi ko alam ang idadahilan ko sa sermon niya sa akin.
   

  
    "Wow! Sa akin ka pa nagtanong?"
  

    "We're here." Napalingon ako kay Hellix na nagtatangal ng seatbelt. Nang tingnan ko ang labas. Nasa parking lot na pala kami ng restaurant. Hindi ko ma tuloy namalayan ang byahe dahil sa tawag ni Benj sa cellphone.
   
   

    "Hoy baklang toh! Sino yang kausap mo?? Nakipag-date ka ba? Tapos ako magmumukha na ako tanga rito?"
 

 
    "Sige na sige na, andyan na ako wait lang." Pinatay ko na ang tawag at nagmamadali inilagay iyon sa shoulder bag ko.
   

    "Salamat sa paghatid." Hindi ko na nilingon si Hellix dahil natataranta na ako baka tagala makatikim na ako ng sabunot kay Benj. Kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman ko ma ang init ng usok sa magkabilang ilong niya sa pagkainis. Ang kaso hindi ako makaalis sa inuupuan ko, pahamak ma seatbelt naman oh!

Tanga na ako,

nakita pa ng kasama ko katangahan ko!

Hays!
   
 

  "Your seatbelt." Napatingala tuloy ako sa nagsalita. Hindi ko inaasahan na nasa malapit ko na siya. Naitikom ko bigla ang bibig ko dahil sa sobrang lapit niya ay muntik ko na siyang mahalikan. Hindi ko magawang maialis ang paningin ko sa kanya dahil naaagaw ng atensyon ko ang magandang pares ng mata niya. Kahit kailan talaga kapag nakikita ko ang mga matang iyon hindi ko maipaliwanag ang mga namumunong emosyon sa loob ko. Naglulumikot ang mga ugat ko sa katawan, kakaiba ang nararamdaman ko at  unang beses ko iyon maramdaman sa isang tao.
 

 
    Iniwas ko na ang paningin ko sa ibang direksyon. Napako naman ako sa labi niya ngayon na may band aid. Nilinisan ko iyon kanina at nilagyan na rin ng ointment para gumaling na agad at hindi mag-iwan ng peklat.
   
   

*Click*

Narinig ko ang pagkakaalis ng seatbelt. Umayos na ako ng upo pero  nakalimutan ko na nasa malapit parin si Hellix at natagpuan ko ang sarili ko na nakahalik sa tungki ng ilong niya.

Bakit kasi ang lapit lapit niya!

Putangna naman!
   
   
    #
   
   
   
   

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon