Warning: She The Devil 10

48 2 4
                                    

Liane Point of View

   
    "Don't try to touch her, she's my property."

   
    Nang ilibot ko ang paningin ko ay isa-isang nagsialis ang nga estudyante habang sinasabi ang pangalang "Hellix."

   
   Sana ay may lakas din ako tulad nila na makaalis sa lugar na ito. Pakiramdam ko ipinako ang magkabilang paa ko at hindi ko magawang kumilos para tumakbo at lumayo.

   
    "Do I have to welcome you here to the university?" Malamig na ang pag-ihip ng hangin sa paligid ngunit naging doble ang lamig nang magsalita muli si Hellix.

   
    Ang akala ko absent siya? Sigurado naman ako na hindi nahuhuli sa balita si Benj tungkol sa mga crush niya rito sa school.
   
   
    "If it's against your will, salamat nalang." Hindi ko sinasadya na mapahawak sa coat ni Hellix nang biglang kumulog matapos magsalita nung isang lalaki.

   
    "Kung nakakaabala sayo, Mr. vice presidential. Ms. Taxi will take us on a tour here at the university. You know that we are just transferees."

   
    "You're old enough for that matter, you can handle yourselves." Walang sabing hinawakan ako sa kamay ni Hellix at kinaladkad paaalis sa lugar na iyon.
   

    Mukhang madadagdagan na naman ang atraso ko sa kanya. Hindi ko parin natatapos ang research paper nito tapos dadagdag pag ang nangyari kani-kanilang.

   
    Ang akala ko ay sa detention room ang punta namin pero nilagpasan lamg namin iyo at nagdirediretso siya sa paglalakad hanggang sa dulo ng hallway ay may pintuan. Nang hawakan niya ang doorknob at binuksan na ang pinto, sumunod lang ako sa kanya. Napatayo ang isang babae sa sofa nang makita niya kami ni Hellix na pumasok sa kuwarto. Base sa ambiance ng kuwarto, mukhang ito ang office ng mga student council.

   
    "Nice seeing you, Vice! Kumusta na? Matagal ka rin hindi pumapasok ah?" Tanong ng babae kay Hellix.

   
    "That's none of your concern.” Napakasungit talaga nitong tao na toh! Siya na nga ang kinakamusta, siya pa may ganang mag-attitude. Natahimik nalang tuloy ang babae, marahil sana'y na sila sa inuugali ng kasamahan nila.

   
    "Sakto lang ang dating mo, Vice President Niall! Ikaw muna dito sa office ah!" Sabi naman ng isang lalaki at tinapik pa ang balikat ni Hellix at dumiretso na sa pintuan para lumabas kasama yung babae. Base sa coat na suot nila at ang nakaburdang pangalan sa bandang dibdib nila, kasamahan sila ni Hellix sa student council.

   
     Kapansin-pansin ang mga iyon dahil kulay ginto pa at naka-cursive pa ang style. Samantalang sa aming ordinaryong estudyante ay simple lang kumbaga ang style, maliit pa nga at hindi masyadong visible ang pagkakasulat ng pangalan at section namin sa mga patches sa dibdib namin. Low budget yan?
   
   
    "Maupo ka." Dinig kong utos nito at nang lingunin ko siya ay nakaturo siya sa sofa kung saan nakaupo amg babae kanina.

   
    Nasa isang office desk siya ngayon, nakaupo sa isang swivel chair at abala sa pagtingin sa mga printouts na nasa mesa.

   
    "Huwag kang aalis hangga't hindi ko sinasabi. And that's an order." Muling dinig kong sabi nito.
   
   

Aba! Kailan ko pa naging amo? Kung makautos naman siya akala niya tauhan niya ako. Bumalik ang alaala kanina sa may baba. Ano namang ibig niyang sabihin na property niya ako?
   
 

  "Excuse me? May klase pa ako ngayong hapon." Kumento ko ngunit tanging malamig lang na tingin ang tugon niya sa akin.
   

    May pagkatok sa pinto na siyang ikinaligon ko. Gusto ko mang pagbuksan iyon pero naalala ko na bawal na hawakan basta-basta ang mga gamit dito. Baka sabihin pa niya na pakialamera ako.
   

   "Sir? Nandito na po yung lunch niyo." Isang matandang babae na mula sa cafeteria ang may bitbit na tray na puno ng pagkain at may inumin pa.

  
    "Salamat po, nay." Nagpasalamat nga siya pero labas naman sa ilong ang mga sinabi niya. For formality 'yan? Cold talaga ng Hellix na'to.
   

    Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. Tumingin naman siya, ipinakita ko sa kanya ang mga modules na hawak ko.
   
  

"May klase pa ako mister?! I need to go." Ang paraan ng pagtingin niya ang dahilan kung bakit hindi ko magawa na kumilos para tumayo. May kakaiba talaga rito.
   

   "Don't you understand what I said? I said stay here."
   

   "Ako pa hindi makaintindi? May klase pa nga po ako, ilang araw na po akong absent kaya ayoko ng dagdagan pa ang iyon ngayon. Malapit na ang examination day at nahuhuli na ako sa mga lessons—"
  

    Alam kong hindi ako kumurap, pero imposibleng makakakilos ito ng mabilis at maupo sa tabi ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na may lettuce sa bibig.

   
    "I will let you go, as long as you eat all this food."
   
 

  Nasa panaginip ba ako? Mula kanina ay hindi ko na naiintindihan ang nangyayari.
   
  

Nagkita muli kami nung lalaki na nagbayad ng hospital bill. Dumagdag pa ang pagiging weirdo nitong si Hellix.

Isa pa hindi ko inaasahan na hahawakan niya ako sa kamay at magkalapit kami ngayon para subuan ako?

   
    #

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon