Liane Point of View
Hindi ako nagkamali na makikita ko siya dito. Nagmadali na ako sa paglalakad at nakalimutan ko na kailangan palang maging tahimik sa pagkilos dahil kung hindi ay isang dosenang libro ang sasampal sa akin kapag nagkataon.
"Nico!" Mahina man ngunit may diing pagtawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi man lang niya ako nilingon. Kahit kailan talaga ay seryoso siya sa pag-aaral, halos magkapalitan na sila ng mukha kasama ang libro na hawak-hawak niya.
"Wala ka sa klase kanina. Hindi bale, pangalawa tayo sa may mataas na score sa reporting sabi ni Prof." Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin, nagpatuloy siya sa paglipat ng page ng librong binabasa niya.
"Nag-meryenda ka na ba?" Malalim na buntong hininga lang ang natanggap ko. Pakiramdam ko naiistorbo ko na siya.
"Iniiwasan mo ba ako?" dagdaga ko pa. Napapitlag ako dahil marahas niyang ibinaba ang makapal na libro sa mesa.
May narinig pa akong nag ''ehem" sa katapat naming table. Napansin ko ma napalingon din ang ibang estudyante sa kinauupuan namin ni Nico.
"Did you hear your self?" Itinuro ko ang sarili ko dahil sa pagtataka. Ako ba?
"Ako pa talaga ang tinanong mo kung 'iniiwasan' kita, Liane?" Napalunok ako ng sariling laway dahil sa sobrang seryoso niya. Ang kulit ko rin kasi, alam kong nag-aaral siya pero ginugulo ko siya.
"Sorry." Wala na akong alam sabihin kaya humingi nalang ako ng pasensya.
"You give me a reason to stay away from you, Liane." Hindi ko namalayan na nailigpit na niya ang mga gamit niya at nailagay na sa backpack niya.
"Teka lang wait!" Sumabit pa sa upuan ang bag ko kaya nahuli ako sa pagtayo para sundan siya sa paglabas ng library.
Kailangan ko pang mag-sorry sa mga estudyante na naabala ko sa ingay na nagawa ko sa loob. Bad trip!
Nang makalabas ako ng library ay kaliwa't kanan ang paglalakad ng mga estudyante, hindi ko tuloy mahagilap si Nico. Nakakainis din kasi, tulad ng suplado na si Hellix, wala ring cellphone si Nico, kahit na gusto ko siyang tawagan ay hindi ko naman magawa! Pambihira!
Nakarating na ako sa may quadrangle sa paghahanap kay Nico, nagbabasakali na makita ko siya. Hanggang sa mapagod ako sa paglalakad at naupo sa may ugat ng isang matandang puno.
"Do you think I'm heartless?"
May isang sandwich ang biglang nasa tapat ko. Napatayo ako at hinarap siya.
"We still have 10 minutes before our afternoon class start." Siya na mismo ang naglagay ng sandwich sa palad ko.
Iniwan niya akong nakatayo sa tabi ng puno habang siya ay lumapit sa isang bench na may kalayuan kung saan ako nakatayo. Kumilos na ako para maabutan ko siya.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...