Liane Point of View
Nahuli ko ang pagyukom palad niya. Nanatili akong tahimik at nakatingin lang sa kanya tila minememorya ang bawat sulok ng mukha niya.
"Gusto ko ring humingi ng tawad dahil ginamit ko pa si Leona para tuluyan kang magalit ka sa akin. I know that even after several years, you are still hurt by what I said. I cheated on you, used you and hurt you so much. Kahit na kasinungalingan lahat ng mga naririnig mo at isipin mong minanipula kita. Minahal naman kita, Liane. Hindi lang sa gusto mong paraan dahil nakita mo na parang pinaglalaruan lang kita. Kasalanan ko ang lahat."
Hanggang sa mapansin ko na may kakaiba sa pisngi nito. Pinigilan ko ang sarili ko na lapitan siya para burahin ang mga luha na lumandas sa pisngi niya. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak. Napansin siguro niya na nakatingin ako sa pisngi niyang basa na ng kanyang sariling luha.
"It's getting late and maybe they're looking for you." Inayos niya ang sarili nito at bahagyang ngumiti bago niya ako tinalikuran. Limang hakbang amg nagawa niya bago ako magkakaroon ng lakas para magsalita.
"I just want to confirm something. Those times when you kiss me... is it true that you do that just to get information from me? Is it true that you remember Leona when you kiss me?" Napahinto siya sa paglalakad ngunit nanatili itong nakatalikod sa akin.
"I saw you and Leona, you were together and you looked happy." Hindi ko alam kung dahil sa nainom ko wine kung bakit nag-iinit ang pisngi ko o dahil sa emosyon ko? Bakit ngayon ay ako naman ang naiiyak?
"Looks like someone else is waiting for you. Go back and she might be looking for you." Nilapitan ko siya at hinarap.
"Panyo mo pala. May kaunting mantsa lang, hindi ako makahanap ng sabon sa banyo kanina. By the way, thank you," dagdag ko. Hindi ito kumilos at nakatingin lang sa mata kong tuluyang binasa ng mga luha ko.
"Liane..." Tawag nito sa akin. Napakagandang pagmasdan ng mata niya. Ang mga mata na araw-araw kong hihilingin na makita sa bawat paggising ko sa umaga.
"Maybe it's time for us to forget everything...that happened. It's just painful and hard to accept at first but maybe we can forget each other."
Umiwas siya ng tingin at mabilis na pinunasan ang pisngi niya.
"Hirap talaga kapag nakainom. Should I be thankful for the wine I drank earlier? Pagpasensyahan mo na at kung ano-ano ang sinasabi ko." Humawak ako sa balikat niya dahilan para tumingin ito sa akin.
"We will get through this, Hellix." At sa huli pagakakataon ay binanggit ko ang pangalan niya.
"Just a moment, Liane." Natigilan si Hellix nang may batang lalaki ang nagmamadaling tumakbo sa kinakatayuan namin.
"Mom! I have been looking for you. Why don't you answer Devon's phone call? And who is he?"
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...