Warning: She the Devil 55

21 0 0
                                    

Liane Point of View

At University

Nagpapanggap ang lahat na normal lang ang mga araw sa tuwing papasok kami sa paaralan. Ang bawat estudyante na nakakasalubong namin ay tila walang nga ideya sa mga nangyayari ngunit ang totoo ay may palihim silang mga hawak na mga patalim.

Ang pagyakap sa kanila ng takot ang naging dahilan upang kumapit sila sa mga matatalim na punyal, na sa oras na may mangyaring hindi maganda sa paligid ay kaya nilang dipensahan ang kanilang mga sarili.

Walang nakakaalam kung kailan may dadakma sa kanilang mga leeg upang itong gilitan at kunin ang kanilang mga laman. Sa oras na hindi nakahanda ang sarili mo, magiging huli na ang lahat. At kapag ipinapakita mo na natatakot ka? Ikaw na rin mismo ang gagawa ng hukay na paglilibingan mo.

"For your safety." Makailang ulit naring umiling si Benj at kahit na nararamdaman kong nakukulitan na rin si Hellix. Ilang beses narin niyang iniabot ang isang kwadradong box na may lamang iba't-ibang mga patalim.

"Hindi kaba natatakot na baka ang mga kutsilyo na iyan ay gagamitin namin sa'yo?" Walang pagdadalawang isip na tanong ko kay Hellix.

"I don't give a damn care about that, Liane." Seryoso naman niyang tugon sa akin.

"At hindi rin ligtas na lumipat pa ng university para lang makatakas sa mga nangyayari, Benj." Napatingin si Benj sa akin, bakas na bakas ang pagtataka sa mga mata nito.

"Paano mo-" Nagpatuloy lang sa pagsasalita si Hellix na hindi man lang ipinaliwanag kung bakit kaya nitong basahin ang kung ano ang nsa isip ni Benj.

"Mas malala pa ang mga sitwasyon sa ibang bayan. Wala na tayong kawala,. kailangan nalang nating lumaban."

"Ano ang dahilan nila?" Malaking palaisipan parin sa akin kung ano ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga iyon sa bayan namin na inakala namin ay gawa-gawa lang na mga kwento.

"Sabihin nalang natin na nauubos na ang mga nilalang na tulad nila."

"Isa ka rin sa kanila. Papatayin mo kaming lahat." Sa tagal ko ng nakasama si Benj ay ngayon ko lang siya nakita na naging seryoso. Mabilis akong kumilos at nilapitan ko siya.

"Kumalma ka, ano bang iniisip mo. Nandito si Hellix para tulungan tayo." Naging matigas pa si Benj dahil hindi rin nagpaawat si Hellix at nagsalita pa na hindi kayang iproseso ng isip ko.

"Tama ka, tulad ako nila na hindi mga ordinaryong mga tao tulad ninyo. Na kaya ko kayong patayin kahit anong oras man o kahit ngayon din sa kinakatayuan ninyong dalawa ni Liane."

Hinawakan ni Benj ang braso ko para umalis na kami sa detention room. Hindi ko alam kung paano ang paliwanag na sasabihin ko sa kanya para makinig siya kay Hellix. Ngunit sa kabilang banda ay nakakaramdam din ako ng takot dahil sa mga ikinikilos ni Hellix ngayon, ni hindi man lang niya pinag-iisipan ang lumalabas sa bibig niya.

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon