Liane Point of View
May isang lalaki na pamilyar sa aking mata ang paparating sa kinakatayuan namin. Saglit na tinapunan ni Devon ng tingin ang lalaking palapit sa amin.
"Gavin Cadellion." Ang sabi niya ng makalapit na rin siya. Kilala ko na si Gavin, sa kanilang apat siya lang ang nakukihang ngumiti, ngiti na may kakaibang kahulugan na parang ayoko na ring makita o masulyapan man lang.
"Dancel Oswald, binibini." Bahagya pang yumuko si Dancel na tila nagbibigay galang sa isang prinsesa. Teka bakit ganu'n sila kumilos?
"Yuri Inagawa." Si Devon na ang nagsalita para ipakilala ang huli nilang kaibigan na parang walang balak magsalita.
Ang nagmamay-ari naman ng pangalang Dancel ay tulad ni Devon na seryoso ang mga itsura at si Yuri ang walang emosyong pagmumukha. Lahat sila ay may itsura, mukha silang nga Koryano sa mga napapanuod ko sa telebisyon. Matatangkad, makikinis ang balat, may kaputian nga rin ang mga iyon. Maninipis ang kanilang mga labi ngunit may pagkamapula ito ng kaunti. Daig pa ang akin na maputla at bahagya pang tuyo.
Ang isa pa sa pagkakatulad ng mga ito ay ang mga pares ng mata nila, maihahalintulad ko iyon kay Niall Hellix. Makahulugan ang mga pagtingin nila na tila may gustong sabihin ngunit tikom ang mga bibig. Ang ibig sabihin ay parang may mga bagay silang tinatago na ayaw makita ng mga nasa paligid nila. Malamig ang mga iyon at madalas walang saya sa mga mata nila. Gayunpaman sa pakikitungo ang pinagkakaiba ng apat, ngunit mas gugustuhin ko pang manatiling mag-isa kaysa makasalamuha sila.
"Now that you have had a connection with us, prepare yourself." Tinatamad na sabi ni Devon, sa tindig at paraan ng pagsasalita niya siguro siya ang leader ng grupo. Pakiramdam ko nga ay hindi pa siya interesado sa pakikipag-usap niya sa akin ngayon, kumbaga napipilitan lang siya. Kung ayaw niya mas lalong ayaw kong mapalapit sa kanila. Sino ba sila?
"Ano bang pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan?" Diresto kong tanong sa kanilang apat.
Napatingin silang tatlo kay Gavin, habang si Gavin ay nakatingin sa akin.
"May katarantaduhan ka bang ginagawa sa babaeng ito?" Mas gugustuhin ko nalang na maging tahimik itong si Yuri dahil mas malala pala siya kapag nagsalita.
"The truth of the matter is, we haven't had contact with each other yet. She's not like the others I've approached, but it's good if I take it slow, isn't it? She will also come to us voluntarily today. Why would I even force it?"
"Ano? At sinong may sabi na sasama ako sayo? Mga baliw!" Lahat sila ay tinapunan ako ng masamang tingin at nawala ang atensyon nila kay Gavin na walang kwenta ang pinagsasabi.
Humakbang paabante si Gavin hanggang sa nasa tapat ko na siya.
"All I need is a glass of your blood so you can pay me off your debt. Nakalimutan mo ba na I paid the bills for your grandfather's operation."
Nag-iinit na ang ulo ko sa mga ito. Limang minuto nalang bago magsimula ang klase ko at heto sila ngayon, kung ano-anong pinagsasabi.
"Ano bang meron sa dugo ko? Kung gusto niyo ng mga dugo sa hospital kayo maghanap."
"If you don't want to donate blood, pay me, triple what I first paid for your grandfather's operation." Bwelta agad ni Gavin at umayos ng tayo sabay cross arms pa.
"That's all? Your charge is very low." Sabat na naman ni Yuri na nakasandal na sa isang pillar. Sinamaan ko siya ng tingin pero gumanti siya sa pamamagitan ng pagtaas niya ng isang kilay sabay irap ng mata.
"Four hundred thousand pesos, Ms. Taxi girl." Sabad muli ni Gavin.
"Hindi ko sinabi sa'yo na bayaran mo ang bills sa hospital. Kailan ka pa naging desisyon ha? Hindi nga kita kilala!" Sigaw ko sa kanya. Hirap na hirap na ako ngayon sasabihin niya na kailangan ko siyang bayaran triple sa ibinayad niya sa operasyon ni Lolo?
"If I hadn't paid for that fucking operation, your grandfather is now in the morgue." Sasampalin ko sana siya pero may pwersa na pumigil sa kamay ko. Wala sa kanila ang nakahawak sa kamay ko pero pakiramdam ko may pumipigil doon na enerhiya na hindi ko nakikita. Nanatiling nakataas iyon hanggang ngayon sa ere.
Putangna ano bang ginawa nila?
Paano nangyari ang bagay na iyon?
"Stop this shit already. Give her time to think. Padalos-dalos ka rin naman kasi sa ginagawa mo, Gavin."
Malalim na paghinga ang naramdaman ko mula kay Gavin nang marinig niya ang sinabi ni Devon na ngayon ay nagsimula ng maglakad paalis ng lugar. Nakasunod naman si Yuri na bagot na bagot na, na parang nasayang ang ilang minuto niya sa walang kwentang bagay. Habang si Dancel ay nagsindi pa ng isang sigarilyo sabay hithit dito at tinapik ang balikat ni Gavin na seryosong nakatingin mula kanina pa sa akin.
"Come on, we have to get out of here."
Sa unang pagkakataon ay inalis ni Gavin ang tingin niya. Lumingon ito saglit sa kanang bahagi nito at tuluyang tinalikuran ako at sumabay sa kaibigan niya. Nang tingnan ko kung anong tiningnan niya nakita ko ang isang taong matalim ang tingin sa kinakatayuan namin. Umiihip ang lamig ng hangin at lalong lumakas ang pag-ulan sa labas. Tagumpay na nabalot ng kadiliman ang buong kapaligiran ngayon. Napaluhod ako sa sahig nang gumuhit ang nanggagalit na kidlat.
Ilang sandali pa ay may nararamdaman akong may nakatayo sa tapat ko. Nang tumingala ako ay nakita ko siya, diretsong nakatingin sa aking mga mata. Ngunit nakapagtataka ang kulay ng kanyang mga mata. Bakit kulay pula ang mga iyon?
"Hellix."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...