Warning: She The Devil 21

19 0 0
                                    

*Continuation*



Naramdaman ko ang mainit nitong halik sa pisngi ko dahilan para wala ang atensyon ko kay Gavin at doon sa babae.
   
   

    "Leona." Yumakap ito sa braso ko at hinila pabalik sa may mga tao sa gitna ng hall.
   

  Kumawala na ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. Wala talaga siyang pakialam kung maidikit na niya sa akin ang malambot niyang hinaharap. Lalo lang akong nadismaya sa ikinikilos niya. Kahit kailan talaga wala sa matinong pag-iisip ang isang ito. Kung hindi ko lang kailangan noon ang isang bagay na pagmamay-ari niya, hindi ko gugustuhin na mapalapit sa kanya.
   
   

   "You know I don't care. Get away from me, Leona. I ended my relationship with you a long time ago. If you're asking who's giving me that thing now, wala kana ro'n!" Diretsong singhal ko sa kanya.
   
 

   Naghahari parin ang malakas na tugtog sa paligid kaya napilitan akong sigawan. Babae siya ay hindi ko dapat siya sigawan pero ginawa ko iyon para magising na siya sa katotohanan. Ayoko rin naman pagtinginan kami ng mga tao ngayon, gusto kong marinig niya ang dapat niyang marinig para tigilan na niya ako. Pero sa ginagawa niya ay napapalingon na ang iba sa kinakatayuan namin.

  
"Are you sure of that decision? " Nahagip ng lente ng mga mata ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

  
    "Are you really deaf? Do you want me to repeat what I told you before? Kung iniisip mong minahal kita, pasensiya na. Leona, ginamit lang kita." Tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang pinipigilan niya.
   


  
    Dumiretso na ako sa Vip room, iniwan ko na siya doon dahil ayokong masaksihan ang pagdadrama niya. Nasaksihan ko ma iyon dati, matagal na. Kung noon ay napagbigyan ko siya, hindi na ngayon.

Kailangan ko bang magpasalamat sa kanya?

Dahil may bagay akong natutunan sa tulad niya?

Ang bagay na kung saan binuksan niya ang kamalayan ko sa reyalidad. Akala ko noon mahal niya ako, sabi niya lang pala iyon. Wala akong ideya sa salitang lagi niyang binabanggit sa akin. Hanggang sa maging musika na iyon sa tainga at nang dumating ang panahon na nalaman ko lahat ng totoo sa likod ng salitang iyon. Pinaikot niya ako, niloko at inabuso. Kung pera lang naman kaso ang usapan maibibigay ko iyon sa kanya. Pero ang lokohin at pagmukhaing masama at tanga sa harap ng maraming tao, hindi ko siya mapapatawad. Inako ko ang maling ginagawa niya, at sa panahon din na iyon ay pinakawalan ko na siya. Ayoko ng makarinig pa ng mga kasinungalingan.



Kung hindi lang sa dugo niya matagal ko na siyang tinuluyan.



Tahimik na sa hallway nang balikan ko ito. Walang mga tao at halos mabingi maman ako dahil walang kahit anong ingay o tunog sa paligid. Tumakbo na ako at pinuntahan ang lugar kung saan alam kong sadya ng babae rito.
   

    Napasinghap ang ilang babae dah halos masira na ang pinto ma gawa sa makapal na kahoy. Buong pwersa ko iyong sinipa para lang mabuksan.
 

 
    "What the hell!" Malutong na mura ni Devon. Naging bastos man ang pagpasok ko sa kwarto ay wala akong pakialam.
   
   
    #
   
   

   
   

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon