Someone's Pov
Kinabukasan
Ilang taon narin ang lumipas at pakiramdam ni Liane na parang kailan lamang niya nakilala si Zanchi at ang kanyang pamilya. Sa katunayan ay nagulat rin ito nang malaman ang katotohanan mula sa pagkatao na mayroon ang asawa nito na si Lucien.
Minabuti ni Liane puntahan ito sa restaurant nito upang makausap si Zanchi tungkol kung sino nga ba talaga si Niall.
"Sa pagkakaalala ko ay nasa tatlo o apat na buwan din akong nakatira sa bahay kubo ni Lucien. Kung hindi lang niya ako pinilit na umalis doon ay hindi rin naman siya papayag. At sa mga sandaling panahon na iyon nakasama ko sila Niall at mga kaibigan nito na si Ruce at Frank. Gusto kong suklian ang ginawa nilang kabutihan sa akin noon kaya ko sila tinutulungan ngayon. Lalo na si Niall, gusto niyang makapag-aral at sinuportahan namin siya ng asawa kong si Lucien. At noong araw na rin na iyon nalaman namin na sobra na ang panghihina ng katawan niya. Pilitin man namin na siya na uminom ng sariwang dugo ng tao ay hindi ito pumayag."
Bumalik sa mga alaala ni Liane ang mga panahon na pilit itong pinoprotektahan ni Hellix kahit na halos sarili niya ay pwede na siyang mawalan ng buhay.
"Mas gusto niyang manghina, huwag lang siyang tumikim ng sariwang dugo ng tao. At noong panahon din na iyon ay nalaman ko na hindi gusto ni Niall ang pagiging hindi ordinaryong tao nito, ang pagiging bampira. Gusto na niyang sumuko, lalo na at sa nangyari sa nag-iisa niyang pamilya, halos isumpa na niya ang sarili niya. Ayoko mang sabihin pero ikaw ang tanging dahilan para magpatuloy siyang mabuhay sa kabila ng mga nangyari."
Nawalan na ng lakas si Liane para pigilan ang sarili nito na maiyak habang pinapakinggan ang kwento ni Zanchi sa kung ano ang nakaraan ni Hellix. Masakit sa parte nito na halos mamatay na ang lalaking gusto lamang siyang protektahan ngunit ngayon ay si Liane na mismo ang dahilan kung bakit ito nasasaktan.
"Devon tell you that he is looking for you in different places in exchange for a large amount of money? Naikwento ni Niall kay Lucien na may babae itong kailangan mahanap ayon sa litrato na bigay sa kanya ng director ng university niyo noon. Devon Sangreal ang pangalan na nabanggit nung direktor kay Lucien, nagbakasakali noon si Niall na ikaw ang babae sa litrato, wala naman akong ideya na nagkita na pala kayo ni Niall noon pa."
"Ginawa iyon ni Kuya Devon? At si Niall ang nakahanap sa akin?" Naguguluhang tanong ni Liane kay Zanchi.
"I know wala kang naalala of what happened before and after the incident in the forest that night. Marahil natakot rin ang Kuya Devon mo kaya lumayo din siya sa iyon dahil nasa isip niya ay hindi mo siya mapapatawad sa ginawa niya. However, he must have realized that it was not right for your sister Leona to leave you. Gamit ang kakayahan niya bilang naging hindi na rin ito isang ordinaryong nilalang ay may abilidad at kapangyarihan na ito, marahil naisipan niyang mahanap kayo," patuloy parin sa pagkukwento si Zanchi.
"Bakit sila nag-aaway ni Hellix? Napansin ko kasi na laging mainit ang ulo ng mga Sangreal noon sa kanya," tanong ni Liane.
"Inakala nila na si Niall ang na sa likod kung bakit namatay ang mga pamilya ng mga kaibigan ng kuya mo. Huwag kang mag-alala, inosente si Niall." Marahang hinawakan ni Zanchi ang pisngi ni Liane na basa parin ng mga luhang hindi matigil sa pag-agos mula sa mga mata ni Liane.
"Ibig sabihin sino ang mga taong nasa likod ng mga nangyari? Hindi ba nila naisip na nadamay si Niall sa ginawa nila? Napagbintangan siya ni Kuya Devon na halos magpatayan na sila para makaganti."
"Do not worry. We can no longer interfere with those things. Nakahanda si Lucien at mga kaibigan nito para protektahan tayo." Pakiramdam ni Zanchi ay hindi nakukumbinsi si Liane sa kanyang mga narinig.
"Magtiwala ka. Naniniwala ako na ngayon ay kasama mo na kami at ang kuya Devon po maging ang mga kaibigan ninyo. Hindi na mangyayari ang pagkalulong niyo sa ilusyon."
"Ilusyon?" maikling tanong ni Liane.
"Mahirap man na maipaliwanag, Liane. I don't want to say it but, there is something around us that has a strange power that can trap you in an illusion... manipulate you and the people around you."
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan ng dalawa. Naramdaman ni Zanchi na naghahalo na ang mga emosyon sa loob ng sistema ng kanyang kausap na si Liane.
"But then again, I told you earlier not to be afraid and worry about those things. That thing will never happen again and we proved it when Raytheon came." Nanatiling nakatikom ang bibig ni Liane sa mga narinig. Marahang hinaplos ni Zanchi ang palad nito upang pakalmahin ito.
"Do you know that the events seem like a curse. Haven't you noticed that the only cure for this is your love for each other."
"Ate Zanchi? Ano sa tingin mo ang kailangan kong gawin para makabawi kay Niall? Inaamin ko na iniwasan ko siya para hindi na siya masaktan pa. Hindi ko alam na halos ibuwis niya nag buhay niya para protektahan kami ng anak niya, si Raytheon. Hindi ko na kaya pa na makakakita ng mga sugat sa katawan niya at masaktan. Ayoko na lumayo ulit sa kanya,"
"Follow what is right, listen to what your heart tells you. I am not in the place to decide what you should do dahil ikaw mismo ang may kilala sa sarili mo."
***
Hapon na at nagmamadaling makarating si Liane sa school ni Raytheon. Nag-aalala ito na baka matagal nang naghihintay ang kanyang anak, dagdag pa na hindi maganda ang panahon ngayon halon na tila ano mang oras ay babagsak ang malakas na ulan. Naalala nito na hindi masusundo ng kanyang Kuya Devon si Raytheon dahil may lakad ito ngayong araw. Nawala sa isip niya ang bagay na ito dahil sa pag-uusap ni Liane kay Zanchi sa may restaurant.
"The class was dismissed early because of the bad weather this afternoon." Nadagdagan pa ang pag-alala ni Liane nang malaman nito na wala na sa school nito. Nang tanungin niya ang teacher nito ay may lalaking sumundo sa kanyang anak.
Dali-daling tinawagan ni Liane ang kanyang Kuya Devon ngunit maging ito ay walang ideya. Pinili na lamang nitong makauwi kaagad sa bahay upang makumpirma na nakauwi na ang anak nito.
Nasa labas na ito ng school upang makapag-abang ng taxi, ngunit inabot na ito ng kinse minutos ay wala parin itong nakitang taxi. Ilang sandali lang ay bumuhos na ang malakas na ulan kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Naghanap si Liane ng masisilungan subalit sumilong man ito ay nabasa parin ang kanyang buong katawan sa lakas ng pag-ulan.
Humanap ito ng maayos na masisilungan upang kahit papaano ay hindi ito makaramdam ng ginaw at maging ligtas. Lilipat na sana ito sa kabilang daan at hindi inaasahang may malaking sanga ang naputol gawa ng malakas na hangin dala ng pag-ulan. Huli na para makaiwas si Liane, napapikit na lamang ito at iniharang ang braso sa kanyang ulo.
"Liane!!!" Isang mainit na yakap ang kanyang naramdaman na kanyang ipinagtaka dahil inaasahan nito ay pagtama ng malaking kahoy na pabagsak sa kanyang kinakatayuan. Bago ito mawalan ng malay ay isang pangalan lamang ang kanyang nasambit.
"Hellix."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...