Yuri Inagawa Pov
Kabilaan ang hiyawaan mula sa mga taong walang tigil sa pag-inom ng iba't-ibang klase ng alak. Ang iba ay nasa gitna ng hall kung saan sila ay nagsasayaw na tila wala ng pakialam sa kanilang paligid, halatang tinamaan na sila ng alcohol sa katawan. Saang mang sulok ng hall ay may mga taong nagpapapakalunod sa mga inumin na kanilang hawak at hindi nagpapaawat sa pag-inom sa mga ito. Marahil kakaiba ang naibibigay ng mga inumin ng mga iyon sa katawan nila.
Gaano pa kalakas ang tugtog ngayon sa bar, kahit na nakakabulag na ang usok na naiipon sa paligid mula sa mga sigarilyo na sinisindihan ng mga lalaki at babaeng naririto at ang mga nakakasilaw na pailaw na kahit hindi ka nakainom ng alak at makakaramdam ka ng pagkahilo. May isang bagay ang ipinunta ng mga naririto bukod sa magsaya at magpakalunod sa kakaibang enerhiyang naibibigay ng bagay na iyon sa kanilang katawan.
"Nasa Vip room na sila. Hindi ka ba sasama sa amin?" Tanong ni Gavin na todo ang porma ngayong gabi, mukhang pinaghahandaan niya ang gabing ito. Umiling ako, samantalang si Dancel naman ay seryosong nakatingin sa gitna ng hall kung saan may mga nagsasayaw na babae na halos maghubad na makuha lang ang atensyon ng mga nakapaligid sa kanilang mga lalaki.
"Kaya pa ba ng katawan mo? Nag-aalala lang namaan kami baka nanghihina ka na-"
"I have my ways, Gavin. Pumunta na kayo ro'n at baka hinahanap na kayo ni Devon. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya." Hindi na ako gumamit ng baso at diretso kong nilagok ang alak na nasa babasaging bote.Matapos kong malaman ang plano nila tungkol doon sa babae, nawalan na ako ng gana. Hindi ko inaasahan na ako ang uutusan nilang gawin ang misyon.
And speaking of that fucking shit mission. Kahit na nababalutan ng usok mula sa mga sigarilyo at vape na gamit ng mga tao ngayon sa hall, nahagip parin ng lente ng mata ko ang isang babaeng naka-uniform pa.
"Bakit nandito ang isang 'to?" Natanong ko sa sarili ko. Hinayaan kong mahulog sa sahig ang limang bote ng alak na natamaan ko nang tumayo ako sa sofa. Nag-iinit ang dugo ko sa katawan nang makita ko siya na nandito.Nagtago ako sa isang poste nang makita ko ang paglapit ni Gavin sa kanya, may kasama rin siyang tatlong babae. Anong ba talagang ginagawa niya rito?
Nang lingunin ko sila ay rumehistro sa isip ko ang kasamahan niya. Si Flare, matagal na namin siyang nakikita rito, at ang dalawang babaeng nasa gilid din nito. Ang ibig bang sabihin nito ay inaya nila ang babae sa lugar na ito?
"Talaga bang desperada na siyang mabayaran ang utang niya kay Gavin?" Natawa nalang ako sa nangyayari. Hindi ko na maalis ang atensyon ko sa kanya. Halata sa mga mata nito ang pagkagulat nang nasa harapan niya si Gavin. Napagtanto na niya siguro kung ano ang nangyayari.Noong unang beses naming ipaalam sa kanya ang tungkol sa kanyang dugo na magiging kapalit ng mahalagang pera ay hindi ko maintindihan ang timpla ng mukha niya. Hindi na nga niya napigilan ang sarili niya na tawagin at sigawan kaming mga baliw, ibang klase. Tapos ngayon pupunta rin pala siya, mukhang na-gets na rin niya ang ibig naming sabihin sa kanya.
Nagsimula na silang maglakad, palihim akong sumunod sa kanila. Tanging si Flare at Gavin ang kasa-kasama nito. Naging kaunti nalang ang tao sa paligid, nasa mahabang pasilyo na kami kung saan ang mga private room at karaoke na minsan nagiging tambayan rin ng mga taon nagpupunta rito sa bar.
"Nasabi na ba ni Flare ang gagawin sa iyo?" Tanong ni Gavin na may pag-alala sa tono ng kanyang pananalita. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Kakaiba rin ang ikinikilos nitong lalaki na ito mula nang magkita sila nung babae. Hindi ko siya magawang mabasa dahil sa tagal na naming magkakilala ay may pagka-misteryoso talaga siyang nilalang.
"Ang sabi niya ginagawa niya rin ang bagay na iyon dito, mukhang okay lang naman kasi buhay pa siya. Tutal ito narin ang huling pagpunta ko rito." Natigil sa paglalakad si Gavin at hinarap ang dalaga.
"Sigurado ka na ba? Ang akin lang naman baka hindi mo kayanin at malagay ka sa alanganin. Ayoko namang mag-alala ang lolo mo kapag may nangyari sa'yo." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Gavin. May nangyayari kakaiba sa lalaking ito.
Dumagdag pa ang kakaibang reaksyon ng babae na ikinagulat ni Gavin at ni Flare. Sino ba naman ang maguguluhan, kahit na ako ay nagtataka bakit siya tumatawa?Ito na ba ang kakaibang mayroon ang babae?
May tama ba siya sa utak?
"I've been looking for you, you're just here. Come on, we haven't seen each other for a long time." Naramdaman ko ang mainit nitong halik sa pisngi ko dahilan para wala ang atensyon ko kay Gavin at doon sa babae.
"Leona."#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...