Naging maganda ang umaga ng St. Rochinston kahit na first day at maraming enrollees ngayon. Maraming grupo-grupo, minsa'y lima-lima, minsa'y tatlo-tatlo, at ang iba naman ay nasa sulok lamang at magmumuni-muni.
Kagaya ni Miley. Nasa tabi siya ng room 104 at tila may malalim na iniisip. Naka-Indian sit siya habang nakahawak sa mga dalang libro.
Mukhang magiging mahabang school year 'to. Sinundan ito ng isang smirk.
Sa gawing kaliwa niya naman ay nakaupo sa isang table ang mga Spice Girls. Nagchichikahan ang mga ito at nagtatawanan.
Oh my g!! Grabe ka talaga girl, you're so rich na talaga. Iniinggit mo na talaga ko. sabi ni Mirriam habang pinapalo ang braso ng kaibigan na si Lhyca.
Sus, ano ka ba ? Kotse lang ehh. Gusto mo house and lot pa i-donate namin ehh. pagmamayabang ni Lhyca.
Nagtawanan ulit sila na parang sila lang ang tao sa school. Sa likod naman ng mga Spice Girls ay sina Ingrid, Kraven at Gray. Halos lumuhod na si Kraven sa pagmamakaawa.
Bess, hindi ka ba talaga naniniwala saken!?! Totoo yung mga narinig ko. Nagkataon lang na nasa loob rin ako ng cr nung mga o- hindi na pinatapos pa ni Ingrid ang sinasabi ni Kraven ng humirit siya.
Do you really expect me to believe na popularity lang ang habol sa akin ni Justin! Mahahalata ko naman yun eh pero hinde, kahit kelan hindi ko nakita sa dalawang mata niya na niloloko niya lang ako! At saka pwede ba, bitawan mo ko! pagkatapos ay nagpupumiglas din siya sa mga kamay ni Kraven hanggang sa matanggal ito mula sa mahigpit na pagkakahawak.
Talagang hindi naniniwala si Ingrid sa mga sinasabi ng mga dating kaibigan. Pinagtitinginan na sila ngayon ng mga estudyante sa hallway. Agad naman silang napansin ng Pop Up kaya agad itong naglapitan sa mga nagkukumpulang estudyante. NIlapitan kaagad ni Justin si Ingrid.
Ayos ka lang babe? tanong ni Justin habang nakahawak ang dalawang kamay sa mukha ng dalaga.Tumango naman si Ingrid habang nakayuko. Lumingon-lingon si Justin at nakita sa isang tabi sina Kraven at Gray. Akmang idadampi na niya ang kanyang mga galit na kamay sa mukha ni Kraven ng tumunog ang bell.
Humanda ka saken mamaya... bulong ni Justin habang tinitingnan ng deretso sa mata si Kraven.
Hinila naman ni Gray papalayo si Kraven at sinabihan ng, Hayaan mo na bro, may next time pa naman eh, maniniwala rin yan saten.
Isa-isa na nilang hinanap ang mga section na kinabibilangan nila. Sa labas ng room 666, ay nakatingala ang apat na di magkakakilalang estudyante...
So, dito pala ako. bulong ni Glenn sa sarili.
666, the devil's number... sabi naman ni Danica.
Oo nga no. Nanonood ka rin ba ng mga horror movies? curious na tanong ni Aisyah. Pero di ito sumagot at sa halip ay umiling na lamang.
Tinawag naman siya ni Patrick na nakaupo na at tila pinoprotektahan ang bakanteng upuan sa tabi niya. Sinesenyasan niya si Aisyah na lumapit sa kanya kaya agad na tumakbo si Aisyah at dali-daling umupo sa tabi ni Patrick.
Tinarayan naman ni Nikki si Aisyah pagkatapos nitong makaupo. Pinagsawalang-bahala na lamang ito ni Aisyah at napalunok na lamang bago uli magsalita.
C-classmates pa rin pala tayo noh? pautal-utal na sabi ni Aisyah kay Patrick.
Nginitian naman siya ni Patrick bago muling nagsalita, Siguro dahil meant to be talaga tayo. Sabay akbay sa dalaga. Napangiti lang si Aisyah pagkatapos ay yumuko.
Sa likuran naman nila ay si Mourse na biglang nanggulat.
Yooow! Hahahaha!! First day pa lang guys di pa ending,tama na muna yang harutan! pagkatapos ay tumawa uli ito kaya napatayo na lamang ang dalawa at lumabas.
Habang nagla-lunch ang mga studyante sa classroom ay bigla namang nag-on ang T.V. na malapit sa table ng adviser nila. Puro puti lamang ang nakikita nila sa background. Maya-maya pa'y may lumabas na dalawang lalaki at isang babae sa video.
Isang napakagandang umaga sa inyong lahat class 666! Oh? Bat wala kayong mga kibo? Siguro naguguluhan kayo ngayon kung bakit ako nandito sa harap niyo ngayon, pero wag kayong maguluhan, mas tama siguro kung matakot kayo! Magdasal-dasal na kayo na sana walang dumating na mga armadong tao diyan sa classroom niyo at isa-isa kayong dakpin! Hahaha!!!! nasundan ito ng nakapangingilabot na tawa ng babae.
Pero totoo nga ang sinabi ng babae. May mga dumating nga na mga armadong tao na nasa mga bente katao. May mga dala itong ibat-ibang klase ng sandata. Nagsimula nang magsisigaw ang karamihan sa kanila. Nangibabaw ang takot kaya hindi kaagad sila nakalaban.
Bitawan niyo ko! Nakakabuwisit na kayo ahh! Ahh! Ang sakit! Nasasaktan ako! Ano ba!?! sigaw ni Nikki habang pilit na kumakawala sa mga kamay ng mga taong nakapalibot sa kanya.
Agad namang kumuha ng sandata si Daryl. Wala siyang ibang nakitang panaksak kundi ang ballpen na nasa desk niya. Itinaas niya ito at iwinasiwas.
Subukan niyong lumapit sa akin at di ako magdadalawang-isip na isaksak to sa inyo! sigaw ni Daryl habang iwinawasiwas ang ballpen. Hindi naman makalapit ang mga ito. Nakita niya naman ang isa niya pang kaklase na si Kaye na nakaupo sa sahig habang nakakapit sa puwetan nito.
Anong nangyare? bulong ni Daryl.
Tinulak nila ako nung nagpapanik na sila. Ahh. dahan-dahan namang tumayo si Kaye habang inaalalayan ni Daryl.
Ayun ang naging pagkakataon ng isang armadong lalaki kaya agad siya nitong sinaksakan ng syringe sa binti.
Aahhhh! natumba si Daryl sa sobrang sakit. Namanhid ang binti niya kaya hindi na siya nakalaban.
Tumakbo k-ka na!!!!! Biliiissss!!! sigaw ni Daryl habang pilit na nagpupumiglas sa mga taong nakahawak sa kanya. Agad namang tumayo si Kaye at tumakbo papalabas.
Nakita niya rin ang iba niya pang mga kaklase na nakatakbo papalabas. Kahit papaano ay may naka-survive pa rin sa kanila.
Bigla na lang may nagtakip sa bibig niya at hinila siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41546093-288-k101242.jpg)
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...