#55 The Class Clown's Dead?

1.3K 37 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng pagkakatalo ni Casey sa laban nila ni Kraven ay agad na tinanggal ang kanilang mga tali sa kamay at paa. Dinala si Kraven ng dalawa pang mga maskuladong lalaki at naiwan naman siya rito. Silang tatlo lamang ng dalawa pang nurse na kanina'y nagpalaro sa kanila. Nakaharap siya ngayon sa isang roleta na pinangalanan nilang Roulette of Death. Mayroon itong walong iba't-ibang kulay. Lahat ay may kanya-kanyang mga pangalan ng pagpapahirap at kamatayan. Ngunit isang kulay ang pumukaw sa dalawa niyang mata...

Ang kulay puting bahagi ng roleta! Kung saan nakasulat ang mga katagang 'Chance to Live'. Maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isipan ngayon. Kung mamamatay na nga ba talaga siya. O kung nasa isang masamang bangungot lamang ba siya. Madami. At ang karamihan ay maaaring hindi nga talaga makatotohanan. Pero mas nangibabaw ang takot. Ang takot na baka ito na nga ang kanyang katapusan.

"Spin the wheel..." Tatlong salitang lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya. Napatayo na siya sa kanyang kinauupuan kaya naman mas lalong napansin ang panginginig ng kanyang tuhod. Nangingilid na rin sa kanyang mga mata ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.

"I c-can't!" Sa simula'y nauutal ngunit sa dulo'y ubod-lakas niya ring isinigaw. Napairap tuloy ang nurse na nasa kaliwa niya. Nakatayo ang dalawang nurse sa ibabaw ng munti nilang stage, samantalang si Casey nama'y nakaupo sa isang monoblock chair katabi ng roleta na nakalagay din sa ibabaw ng entablado. Sa harapan nila ay may isang video camera, na nakatapat sa stage.

Ganito ang sitwasyon niya ngayon, tila nasa isang game show na kadalasan ay sa telebisyon niya lamang napapanood. Ang pinagkaiba nga lang ay siya ang contestant... Na nasa bingit na ngayon ng kamatayan.

"But you have to... You lose, and that's how the game works. The loser, gets to spin this wheel... Go on. Or else we'll be forced to kill you our way." Misteryosong sabi ng nurse na nasa kanan niya. Sa takot ay inilapat niya ang kanyang dalawang kamay sa roletang mas matangkad pa sa kanya saka ito binigyan ng isang napakalakas na tulak paibaba.

Dahil sa malakas ang pagkakatulak niya rito ay matagal bago ito bumagal. Hindi na rin niya namalayan na magkapatong na pala ang kanyang hinlalato at ang hintuturo niya. Unti-unting bumagal ang takbo nang roleta...

Pumunta ito sa kulay asul na parte ng roleta kung saan nakasulat naman ang 'Drown to Death', ngunit nilagpasan lamang ito ng arrow at pumunta naman sa kulay pulang bahagi kung saan nakasulat naman ang 'Magic Burn', sobrang bagal na ng andar nito at nakarating naman ito sa kulay lilang parte na may nakasulat na 'Chemical Campaign'. Unti-unti nang nawala ang pag-asa niya dahil may isang kulay pa bago ang puting bahagi ng roleta. Pero laking gulat niya nang lagpasan muli ito ng arrow at pumunta naman sa kulay kayumanggi parte na may nakasulat na 'Pizza Slices'. Kasunod na nga nito ang kulay puting bahagi ng roleta pero paunti-unti na lamang ang andar nito ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Hanggang sa biglang tumigil ang pag-ikot ng roleta...

"You won! But... Not exactly." Nakangiting wika ng babae sa kanan.

"Teka. A-ano 'to? Lokohan? Kita niyong sa chance to live lumabas e. Wala namang dugaan! Sa karinderya lang meron nun e." Biro pa niya.

"Ha. Ha. Ha. Pero dinuguan 'yun, ate. Hindi dugaan." Wika naman ng nurse sa kaliwa.

"Ano bang basa mo sa tinapatan ng roleta? Ha?" Iritang sabi ng babae sa kanan.

"Chance to live." Di niya siguradong sagot.

"O di ba? Sabi, chance, pero hindi sinabing ligtas ka na talaga! Gaga!" Natatawang wika ng nasa kaliwa sabay apir sa isa pang nurse.

"Huwag niyo kong tawaging gaga, gagang 'to!" Wika niya naman habang naka-halukipkip.

"You'll be playing another game..." Wika ng babaeng nasa kaliwa habang kagat-kagat ang kanyang hintuturo.

"A game?" Natatakot niyang sabi.

"Bakit? 'Di mo ba narinig?" Wika naman nung nasa kanan.

"Tama na nga ang lokohan!" Awat naman nung nasa kaliwa.

"Let's start this f*ckin' game! This will be fun! Hahaha!" Misteryosong wika naman ng nasa kanan. Muli silang nagtabi ng isa pang nurse pagkatapos ay naghawak ng kanilang mga kamay at walang tigil na naghalikan. Napapikit tuloy si Casey nang hindi inaasahan. Hindi rin mawari ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa gulat.

"Ew. Kaderder..." Bulong niya sa kanyang sarili. Habang nakapikit siya ay saka naman dumating ang apat na lalaki na mabilis na kumilos at hinawakan ang mga kamay at paa ni Casey.

"Ano'ng gagawin niyo sa akin? Teka! Ano ba? I'm hurt! Arawch. Stapet! Omagudnes!" Natatakot na tanong ni Casey habang kinakaladkad siya ng mga lalaki palabas ng silid. Tinakpan ng mga ito ang kanyang mga mata upang hindi niya makita ang kanilang pupuntahan.

"Relax, Casey. Si boss na ang bahala sa inyo." Wika ng isang lalaki na may buhat sa kanya.

"So where are you going me?" Naiinis niyang sabi.

"Tigilan mo kami sa mga joke joke mo na 'yan!" Sabi naman ng isa pang lalaki na may malaking boses. Natakot tuloy siya at napatahimik na lamang.

"So where are you taking me? Ayan na! Inaayos ko na english ko kaya sagutin niyo na ako nang tama! Or else..." Pananakot niya.

"Or else what? Ang dami mong alam!" Sabi naman ng isa.

"I'm going to call the cops!" Sagot niya.

"At paano naman?" Sabay-sabay na sabi ng mga lalaking bumuhat sa kanya.

"E di cops! Cops! Cops! Ganern!" Sabi niya.

"Manahimik ka nga muna!" Pagkatapos ay itinakip na sa kanyang ilong ang isang panyo na may nakahihilong amoy. Agad naman siyang nawalan ng malay at mabilis na siyang isinakay sa van na magdadala sa kanya sa lugar kung saan siya magkakaroon ng tiyansang mabuhay.

"Tignan na lang natin kung hanggang saan ang kaya mo, Casey." Wika ng nagda-drive ng van habang nakatingin sa natutulog na si Casey.

"Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak." Habol pa nito.

Magandang araw sa inyong lahat! May fact ako sa inyo! Itong chapter na ito ay 'di sinasadyang may 1,000 words! Hindi pa kasali 'tong message ko ha. Pero thank you nga pala sa'yo, sa'yo, tsaka nga pala sa pinakamasugod na fan ng story kong munti, walang iba kung ikaw. Ikaw na hanggang sa note na ito ay nagbabasa pa rin. Malapit na po ang ending kaya sana pakatutukan niyo pa rin! Aylabyu. Kahit na ang corny corny ko, tutok ka pa rin ng tutok. Hahaha. Thank you nga pala sa nag-i-sponsor ng mga cover ng story ko, pati na rin sa mga taong nagawa ng mga trailer ko! @iyuzukii thanks!

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon