#42.1 In The End

1.4K 36 1
                                    

Guys, we need to come back for them. Sila na ngayon ang tina-target ng killer. Baka 'pag lumaon, maubos pa sila. Suggest ni Chris na nag-aalala na sa kalagayan ng mga kaklaseng naiwan sa school.



Tama si Chris, konsensiya din natin ang iiral kung sakaling may mangyaring masama sa kanila. Tayo ang nang-iwan sa kanila ro- Hindi na natapos pa ni Jensen ang kanyang nais sabihin nang biglang umubo-ubo ito, ilang saglit pa ay lumabas na ang dugo sa kanyang bunganga sa hindi malamang dahilan at agad rin na natumba.



Oh, shit! What was that? Sabay turo ni Irish sa butas na mula sa pinto. Nakatayo kasi sa tapat ng pintuan si Jensen nang bigla itong matumba.



Holy crap! Sa'n yun nanggaling? Tignan niyo nga kung buhay pa si Jensen! Utos ni Arron. Ngunit hindi pa yata ito nagtatapos at muling may mahinang putok na naman ang narinig nila at tumagos sa pinto. Mabuti na lamang at walang natamaan.



Get down! Utos ni Steph na sinunod din naman ng mga estudyante.



Arron, catch! Bulong ni Aira na mula sa second floor ng bahay na kinuha pala ang mga armas na nakatago sa bahay. Agad naman itong nasalo ni Arron. Nagtago siya sa gilid ng sliding window at doon sinilip nang dahan-dahan ang kung sinong nasa labas.



Nakayuko ang lahat sa sala atang iba naman sa kanila ay nasa likod ng mga pader ng bahay. Tahimik at nagpapakiramdaman.


Marami sila! Kasama si Hansel. Giselle, proceed to Plan B. Alam mo na ang gagawin mo... Misteryosong sabi ni Arron pagkatapos ay ibinato sa dalaga ang isang kumpol ng ilang mga susi.



Tara, sumama kayo sa akin. Pupunta tayo saisang lihim na kuwarto, kung saan ligtas! Hindi naman magkaugaga ang mga magkakaklase na magsisunod kay Giselle.



S'an po ba iyon ate? Umiral ang curiosity ni Aisyah.



Nasa ilalim ito ng bahay. Ipinatayo ito ng amo ni Arron na si Conrado Espiranza, naging mabuti at masipag na hardinero si Arron dito, na ikinatuwa ni Don Conrado at dahil nag-iisa lamang ito sa buhay at wala itong anak, imbes na gawing hardinero ay pinatira siya rito ni Don Conrado ngunit di rin nagtagal ay nagkasakit ito at namatay. Gulat na gulat si Arron nang malaman niyang sa kanya pala ipapamana ng matanda ang mansiyon at binahaginan din ng three million pesos ang bawat tagapagsilbi ni Don Conrado. At doon niya na lamang nadiskubre na mayroon palang lihim na silid sa bahay na ito. Kuwento ni Giselle.



Kaya pala nakakagulat ang biglang pagyaman ng simpleng si Arron. Sabi ni Mourse habang naka-halukipkip.



Bigla silang huminto sa banyo sa kusina. Isa lamang ito sa limang banyo ng mansiyon. Maliit lamang ito at kasya lamang ang limang katao.



Listen, lima lang ang taong pwedeng magkasya dito, so apat muna dahil kasama ako. Sino gustong mauna? Tanong ni Giselle.



Dito talaga yung daan? Tanong ni Kraven.



Oo, kaya nga secret room di ba? Pabirong sagot ni Mourse.



Tinignan niya ang lahat at nakitang nakataas ng kamay sina Rham, Chris, Casey, at Christofer. Tinawag niya ito at agad itong nagsilapit.



Hintayin niyo ko rito, babalikan ko kayo. Bilin ni Giselle sa mga naiwang estudyante sa labas ng banyo. Pumasok silang lima roon at ini-lock ang pinto.



Paano tayo pupunta sa baba? Tanong ni Casey. Nakangiti naman si Giselle at kasunod nito ang kanyang kasagutan.



Sa pamamagitan nito! Hinawakan niya ang flush ng toilet bowl at hinila ito ng bahagya dahilan para matanggal ito. Doon nila nakita ang isang malaking kulay pulang buton na pinondot din naman ni Giselle.



Gulat na gulat silang apat at napakapit pa sa kung anong mahahawakan nila nang bigla nilang maramdaman ang pagbaba ng kinatatayuan nila. Para itong isang elevator.



Tiinngg!



Tunog na marahil ay mula sa kisame ng cr. Pipihitin na sana ni Rham ang door knob ng pigilan siya ni Giselle.



No! That's not the entrance, this is the entrance! Napamangha silang muli nang may tile sa pader na pinindot si Giselle. Biglang lumitaw ang isang maaliwalas sa mata na kuwarto may sofa pa nga at mga paintings sa pader.



Tila nawala na ang takot na kanina lamang ay bumabagabag sa kanilang apat kanina ng saya at pagkamangha.



Ito ang nagsilbing pahingahan ni Don Conrado noong nabubuhay pa siya. Paliwanag ni Giselle habang may ngiti sa mga labi.



Buti na lang at ako ang nagdala sa inyo dito! Trip ko rin kaya lagi tumambay dito! Pagbibiro pa nito.



O, siya, mauna na muna ako at babalikan ko pa sila doon. Make youselves busy! Merong food diyan sa refrigerator, kayo na bahala pumili. Pagkatapos noon ay pumasok na ulit siya sa banyo slash elevator at umakyat muli papuntang mansiyon.



Sino naman? Bingad na tanong ni Giselle nang mabuksan niya ang pintuan. Naghihintay lamang ang mga ito sa harap ng pintuan.



Unahin niyo na yung mga babae. Deklara ni Patrick habang nakatingin kina Irish, Maia at Aisyah. Naglakad na ang tatlo papunta sa pinto at nakasunod dito si Mourse habang nakayuko. Tiningnan ito nang masama ni Patrick.



Tatlo pa lang naman sila eh. Katwiran nito.



Bilisan niyo na! Bulalas ni Giselle. Nagmadali ang apat at pumasok na rin sa banyo.



Ngunit hindi yata maganda ang kapalaran nilang apat at bigla na lamang nilang narinig ang malakas na kalabog ng pintuan mula sa sala. Parang puwersahang binuksan. Kinabahan sila kaya't nag-kanya-kanya sila ng tago.



Si Trayver, nagtago sa isang kuwarto, si Merle si Patrick naman ay kapwa nagtago sa ilalim ng magkabilang sofa at si Kraven naman ay nasa loob ng kabinet.



Kraven's POV



Mainit. Ito lang ang masasabi ko sa lugar na kinatititrikan ko ngayon. Dahil sa maliliit na butas ay nakikita ko ang mga nangyayari sa labas. Apat na lalaki ang bumungad sa harapan ko na lahat nakaitim. Tila may hinahanap sila at alam kong kami iyon. Kinakabahan ako. Baka matulad ako sa nangyari kina Ingrid at Gray.



Napitlag ako nang makita kong papalapit sa kabinet na pinagtataguan ko ang isa sa kanila. At-



End of Kraven's POV

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon