#60 (Last Chapter)

2K 34 15
                                    

Arron's POV


Mariin akong napalunok nang marinig ko ang mga yabag ng paa na iyon. Nagmula iyon sa likuran namin. Dahil nga ako ang nasa dulo ay ako lang yata ang nakapansin noon. Mabilis kong inikot ang aking ulo upang malaman kung ano ang pinagmulan ng mga yabag na iyon.


Isang tao ang naroon. Alam kong may tao. Mabilis siyang sumandal sa poste na malapit sa kanya. Muli akong naglakad at nagkunwaring hindi siya nakita. Pero sa isip-isip ko, may balak itong masama. Palihim kong ipinasok ang isa kong kamay sa aking pantalon. Hinawakan ko nang mahigpit ang kutsilyong napulot ko kanina sa isang classroom na pinasok namin. Sigurado kase akong kakailanganin namin 'to ngayon, kaya kinuha ko ito nang palihim.


Naririnig ko pang nag-uusap ang ilan sa mga kaklase ko habang naglilibot kami sa buong school. Hindi kami titigil sa paghahanap sa kanya dito. Alam namin na hindi siya aalis nang basta-basta dito dahil alam niyang ire-report namin siya sa mga pulis. At wala na siyang ibang gagawin kundi ang magtago. Kaya nandito pa rin siya para patayin kaming lahat.


Saglit na panahon lang din ang naging pagsasama-sama naming lahat. Akala ko, pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao ang high school life, pero dito namin naranasan ang mga madugong patayan. Patayan na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan naming lahat. Pero alam ko at sisiguraduhin kong matatapos 'to ngayong gabi. 'Di bale nang magsakripisyo ako, basta masigurado kong ligtas ang mga kaibigan ko, okay na 'ko.


Ayan na naman ang mga mahihinang yabag ng paa pero hindi ko maiwasang hindi marinig. Hindi na ako lumingon dahil sigurado akong malalaman niyang alam kong nakasunod siya sa amin.


"Guys. May nakasunod sa'ten." Mahina kong sabi na narinig naman ng lahat. Lahat sila ay napatingin sa likuran at wala silang nadatnan doon.


Jhulyen's POV


"Guys. May nakasunod sa'ten." Awtomatiko akong napalingon dahil sa takot. Nako. Ako pa naman ang pangalawa sa pinakamadaming suntok na binigay sa matandang 'yun. Sana lang nakalimutan niya ang pagmumukha ko. Nadala lang naman ako, e. Pero I think she deserved it.


"Hellooo!" Isang nakakatakot na boses ang narinig naming lahat. Si Aling Amanda nga, hindi ako nagkamali. Tutok na tutok sa amin ang dala niyang dalawang baril. Ubod-lakas siyang tumawa habang dahan-dahang lumalapit sa aming lahat. Kami naman, umaatras at dahan-dahang umupo.


"You have to surrender. The game is already over. And you... Lose." Pang-aasar ni Tamashi sa kanya. Ngunit tinawanan lamang siya nito saka nag-focus sa kung sino ang uunahin niya sa aming labintatlo.


"Alam niyo, hindi naman tayo darating sa punto na 'to, e. Kung hindi niyo lang sana pinabayaan ang anak ko." Paliwanag niya.


"Minahal namin ang anak mo! Isa siya sa pinakamabubuting estudyante ng section namin kaya hindi namin kasalanan ang pagkamatay niya!" Sigaw ni Mirriam.


"Alam mo 'yan, Tita. Ka-close naming lahat si Alfi at hindi namin ginusto ang nangyari sa kanya!" Sabat din ni Irish. Tiningnan siya ni Aling Amanda saka nilapitan. Inikutan niya ito at saka inilayo sa grupo namin. Bale nasa harapan namin silang dalawa ni Irish at nakatutok sa kanya ang isang baril at ang isa naman ay nasa amin.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon