Arron: Kailangan muna nating makalayo rito. Halina kayo. Kailangan na nating kumilos habang may oras pa.
Maia: Baket? Anong oras? Ano na ba talagang nangyayare?
Ishi: Ako nga pala si Ishi Escosura. Ako ang unang taong nilapitan ni Arron nung halos mamatay na siya sa La Union. Bago siya madala sa Pampanga nung mga mamang nagbebenta ng laman-loob ng tao. Halos hatakin na siya nung mga lalaking iyon papasok sa sasakyan nila. Buti na lang at agad akong sumaklolo at nagsisisigaw ako sa kalyeng iyon. Mag-isa lang ako sa buhay dahil ulila na ako. Wala rin akong kilalang mga kamag-anak namin kaya natuto na agad akong maglakad sa sarili kong mga paa. Actually, dati talaga ay kasama ko ang dalawa ko pang kapatid na palipat-lipat ng apartment. Pero isang gabi ay nagbago ang lahat. Naiwan akong mag-isang naglalakad sa kalye. Siguro ngayon ay nasa eighteen years old at seventeen years old na sila. Kaya lang nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa bagyo. Pero sa kabila ng lahat ay natuto pa rin akong mamuhay mag-isa. Kaya ngayon, heto ako at handang tumulong sa mga taong nangangailangan.
Giselle: Ako naman si Giselle Ebaya. Ang bestfriend ni Ishi. Madalas, tinatawag nila akong The Princess pero hindi naman talaga ako maarte eh. Actually, wala naman talaga akong relasyon with Arron, sumama lang ako sa kanila for an adventure! Hihihi!
Aira: At ako naman si Aira, ang undercover na detective na binayaran ni Arron para mag-imbestiga dito sa mga hiwaga sa klase niyo. Marunong akong humawak ng iba't-ibang baril. Pumatay ng tao, magmanman ng mga kahina-hinala at kung anu-ano pa. Ilan lang iyan sa mga ginagawa ko.
Maia: So ano 'to? Arron's Angels?
Arron: Samby, please pay attention. By the way, sila ang mga tutulong sa atin para magbayad na ang may sala sa lahat ng 'to.
Maia: Interesting. Pero pano niyo nalaman na si Jobbert ang isa sa kanila? Sa mga killers?
Giselle: Simple lang. Minanmanan namin siya. Ang bawat galaw at kilos na isinasakatuparan niya. At napag-alaman namin na kasabwat siya nina Hansel.
Maia: Tek- Hah?!? Kasama rin si Hansel? Eh sino pa yung isa? Di ba sabi nung girl sa speaker, tatlo raw?
Arron: Ayan ang bad news. Kilala namin ang dalawang iyon pero ang third killer, unknown pa rin siya.
Maia: Shocks! Hindi nga?
Arron: Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Pero tara na. We need to g-
Sa gitna ng kanilang usapan ay biglang bumungad sa harapan nila ang dalawa sa kanilang mga kaklase. Nakapulupot ang isang kamay ni Hansel sa leeg ni Kelly at ang isang kamay naman niya ay nakatutok sa leeg ng dalaga habang hawak-hawak ang isang maliit na baril. Makikita sa mga mata ni Kelly ang takot na baka siya na nga ang sunod na patayin ng killer.
Sige. Umalis kayo at malilintikan saken tong babaeng to. Siguro nga nalaman niyo ang tunay kong identity, pero hindi niyo alam ang mga nangyayare sa buhay ko. Isang maliit na galaw niyo lang, at papuputukan ko ang ulo nitong babaeng to. Panakot ni Hansel na tila hindi mapakali sa kanyang ginagawa.
Arron: Pede natin tong pag-usapan.
Hansel: Hinde. Hindi ako makapapayag diyan sa gusto mo. Tutal makukulong na rin lang ako, edi papatayin ko na lang rin kayo!
Maia: Huwag!
Hindi nag-atubili si Hansel at agad niyang pinakawalan ang isang putok ng baril na kanyang hawak. Mabilis na bumagsak sa lupa si Kelly.
Dahil sa lakas ng putok ng baril ay umalingawngaw ito sa buong lugar. Hindi nakapagpigil si Arron kaya't sinugod na niya si Hansel.
Hansel: H-hindi ko sinasadya. Akala ko eh. Ano.
Arron: Hindi ka makukulong! Mamamatay ka!
Poowww!
Sapak rito, sapak doon. Hindi tumigil si Arron sa pambubugbog sa kaklase. Samantalang si Hansel naman ay hindi lumalaban at hinahayaan lamang na mabugbog siya ni Arron. Pero sa likod ng mga sakit na kanyang nadarama ay mayroon pa ring ngiti sa kanyang mga labi.
Arron: Bakit niyo to ba ginagawa?!?
Hansel: It's none of your business!
Isang kakaibang tinig ang kanilang narinig na tila isang bata.
Tama na iyan.
Tama na iyan.
Tama na iyan.
Agad na naglingunan ang mga estudyante sa kanilang mga likuran. Ngunit wala naman palang tao roon kundi ang isang manikang awtomatikong nagsasalita na nakapuwesto sa isang maliit na upuan. Nakapangingilabot ang bawat salitang paulit-ulit na sinasabi ng manikang iyon.
Tama na iyan.
Tama na iyan.
Maia: Nakatakas si Hansel! Nasan na siya!
Sa sandaling panahon na iyon ay nakaalis nang hindi nalalaman si Hansel. Nanlumo silang lahat at nagsimulang bumalot sa katawan nila ang takot.
Maia: Kuya, pano na to? Pano kung may mga mata rito ang grupo nina Hansel na nagmamatiyag sa bawat galaw natin?
Arron: Hindi ko alam pero ang alam ko lang ay kailangan natin makaalis dito sa campsite. Tipunin niyo ang lahat ng mga classmates natin. Aalis tayo.
Hi guys! Woohooo! After 100000 years, grabe ang dami kong ginawa ngayon month na to! Wooo... Ano na bang nangyayari ngayon sa story ko? Hahaha! Ako pa nagtanong no! Next chapter na! Ayieee.

BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...