#44 Killer's Trap

1.3K 33 1
                                        

Maia's POV

Sinasabi ko na nga ba! Tama ang hinala ko! May nangyaring masama sa kanila kaya ganun na lang ang sama ng pakiramdam ko. Parang ang bigat-bigat sa loob ko na makita yung mga upuan na iyon. Yung mga upuan na walang nakaupo. Naalala ko na naman tuloy ang classroom namin dati. Sa tuwing may namamatay na isa sa amin, paparami ng paparami ang blangkong upuan sa amin noon. Hanggang sa nagsitakas na lang ang karamihan sa amin.

"Pinagbantaan kami ni Gretel!" Ubod-lakas na sigaw ni Irish. Pakiramdam ko tuloy ay nabubuhay na naman kami sa isang bangungot. Isang bangungot na hindi na kami maaari pang magising. Pero sino nga ba si Gretel?

"S-sinong Gretel?" Napatingin kaming lahat kay Miley na nakaupo lamang sa kanyang upuan at walang emosyon ang mukha.

"Si Gretel Styrlen Cinco, ang nakatatandang kapatid ni Hansel. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to! Siya ang babae sa likod ng pagkakadukot natin nung unang araw ng pasukan!" Agad na nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok sa sinabing iyon ni Arron. Ewan ko ba, pero, naalala ko na naman ang lahat. Ang lahat ng karumal-dumal na nangyari sa klase namin. Siguro dala nga ng trauma.

"We're on our here nang bigla na lang kaming makaamoy ng kakaibang usok. Hindi na namin namalayan na nanghihina na pala kami. Pagkatapos nun, nawalan kami ng malay..."

Flashback

Arron's POV

Nagising na lang kami sa isang maaliwalas na kuwarto. Nakatali ang mga kamay namin sa likod at nakapabilog kami sa gitna ng kuwartong iyon. Walang tao kaya't mabilis akong kumilos. Sinubukan kong makawala, pero masyasong masikip ang pagkakatali sa kamay ko.

Ilang minuto lang ang lumipas nang may pumasok na babae sa kuwarto. May suot itong mahabang  kulay pulang gown at naka-pixie cut na gupit. Naka-make-up ito kaya naman hindi ko agad ito nakilala. Ngunit nang kalaunan ay napagtanto ko na ito pala ang babaeng kumidnap sa atin nung first day. Nakangiti ito sa amin habang naglalakad-lakad nang paikot-ikot.

"Na-miss niyo ba ako?" Tanong nito sa amin.

"Eh di wow! Dami mong alam! Ba't di ka na lang din mamatay tulad nina Jobbert at Hansel! Ano bang trip mo sa buhay, ha?" Lakas-loob na sigaw ni Irish sa misteryosong babae.

"Actually, balak ko na rin sanang sundan ang kapatid ko na yun kaya lang, baka magkita agad kami ni Satanas, maybe next time." Sabi nitong pagkatapos ay tumawa ng mahina.

"S-sinong kapatid?" Nalilito kong tanong sa babae.

"Ay, oo nga pala. Di niyo pa nga pala alam. I am Gretel Styrlen Cinco, Hansel's older sister." Sagot nito. Nagkatinginan kaming lima at dun na kami nagtanong nang sunud-sunod sa kanya.

"M-magkapatid kayo? Pero paano?" Tanong ni Chris.

"Bakit niyo ba 'to ginagawa sa amin?" Habol pa ni Alfi.

"You wanna know the real story? Sige, ikukuwento ko." Wika nito habang patuloy sa pag-ikot sa aming lima.

"Isa lang naman ang dahilan nang lahat ng ito, at iyon ay ang mga ginawang ka6@6uh@n sa amin ng mga magulang niyo.

Bata pa lamang kami ni Hansel ay nakukuha na namin ang mga gusto namin. Spoiled kami noon. Ang mga mommy at daddy namin ay nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya sa Makati.

Hanggang sa isang araw, nagising na lang kami na wala na ang lahat sa amin. Na ang dahilan pala ay ang ka-kumpitensyang kumpanya ng mga magulang namin. Nalugi sila, kaya wala silang ibang choice kundi ang ipasara ito at ibenta.

At ang may-ari ng kumpanyang nagpabagsak sa mga magulang namin ay sina Ronald San Juan at Maynard Pantino, ang mga ama nina Aiya at Jim San Juan at Kelly Pantino." Kuwento nito.

"Eh, yun naman pala eh! Eh, bakit mo pa kami idadamay?" Mataray na sabi ni Irish.

"Well, well, well, masyado ka yatang nagmamadali. Hindi pa ako tapos." Mataray din nitong sagot.

"Sina Leila Montemayor, Almira Cabañero at Cristine Alonzo ang mga nany nina Lhyca, Mirriam at Suzette ang naging dahilan nang mga kamalasan na iyon. Silang tatlo ay nagtatrabaho sa kumpanya ng daddy ko, pero mga espiya lang pala ang mga letseng 'yun. Sinasabi nila ang lahat ng impormasyon na nakukuha nila sa kumpanya namin kapalit nang malaking halaga.

Hindi ko na makukuwento ang lahat nang mga kabuwisitan na ginawa ng mga magulang niyo sa pamilya namin, pero lahat kayo, magbabayad sa ginawa ng mga magulang niyo sa pamilya namin!" Pagpapatuloy nito.

"Eh di wow!" Natatawang sigaw ni Irish.

"Napaka-pathetic niyo! Pareho kayo ng kapatid mo, naka-weeds ba kayo?" Tanong ni Irish.

"Huwag kang epal, Irish. May ipapakita pa ako sa'yo." Bigla siyang may kinuhang remote sa lamesang nasa tabi niya. Saka ito pinindot.

Biglang lumabas sa TV na nasa harapan namin ang isang batang lalaki na nakakulong sa isang malaking aquarium na walang tubig.

"Ilabas mo diyan ang kapatid ko! H@y0p ka!" Sigaw ni Irish habang umiiyak.

"Tulong! Tulungan niyo ko! Mommy! Daddy!" Sigaw nito habang kinakatok ang salamin na nasa harapan niya.







Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon