Nagliligpit pa lamang ng mga gamit si Nikki nang bigla g tumunog nang malakas ang kanyang cellphone.
Whooaaa! sigaw ni Nikki. Buti na lamang at hindi nagising ang mga kasama niya sa dorm.
We're in the √*££!|3€€ na. Yunv malapit sa Supermarket! Wait namin kayo rito girls!
-Suzette
Napangiti si Nikki dahil sa nabasa. Hindi siya makapaniwala na makakaligtas na sila sa gulong dinaranas ng mga kaseksyon niya.
Pumasok siya sa cr at inayos ang buhok niya. Nakatapat siya sa salamin at panandalian niyang tinignan ang sarili niya.
Hmmmppp. sabi niya habang nakangiti.
Pero may napansin siyang kakaiba na nagpatindig ng balahibo niya. May lalaking nakatayo sa likuran niya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakayuko ang lalaki. Nagsalubong ang mga kilay niya. At nang lilingunin na niya ito ay bigla siya nitong tinulak papunta sa salamin. Unti-unting tumagas ang dugo mula sa mukha niya dahil sa mga bubog. Nanlumo siya sa mga nakita niya. Mangiyak-ngiyak siyang tumayo at hinarap ang lalaki. Nabigla siya sa kanyang nakita. Wala siyang ibang nasabi kundi:
Nikki: I-ikaw?
Bago pa man makasigaw si Nikki ay umaksyon na ang lalaki. Ipinasok niya ang kanyang isang kamay sa bulsa niya at kinuha ang isang kutsilyo. Itinapat niya ito sa mga mata ni Nikki at agad na ibinaon sa mukha ng dalaga.
Agad namang natumba si Nikki. Dahan-dahang kumalat ang dugo ni Nikki sa sahig. Palabas na ng banyo ang lalaki nang narinig niyang tumunog ang cellphone ni Nikki. Napalingon siya at nakitang umiilaw ang loob ng bag na dala ng dalaga. Ini-swipe niya ang "swipe to unlock" at binasa ang message na natanggap.
Sis, ikaw na lang ang hinihintay. San ka na ba?
-Suzette
Ngumiti naman ang lalaking pumatay kay Nikki at nagsimulang mag-type ng message.
Balik kayo rito. Huwag na nating ituloy. Mapapahamak pa tayo niyan.
Sa restaurant...
Kringringringring! Kringringringring! Paulet-ulet na tunog ng cellphone ni Suzette.
Lhyca: O baka siya na yan! Ang tagal niya kaseng mag-impake eh. Yan tuloy. Nahuli tuloy siya!
Suzette: Hala siya! Huwag na lang daw nateng ituloy, mapapahamak lang daw tayo! Sira din pala 'to si Nikki eh!
Mirriam: Eh di hayaan na lang natin yan si Nikki. Eh di ba dati rin naman, siya lagi yung kontra sa plano ng lahat?
Lhyca: Ha? Iiwan natin si Nikki sa school na yon? Eh ba't pa tayo tinawag na kaibigan, kung iiwan lang rin naman pala natin siya?
Mirriam: Duh! Eh di samahan mo siya dun mamatay! Ngayon pa ba tayo aatras, kung kelan nasa labas na tayo?
Lhyca: Ayy. Ganun ka palang klase ng kaibigan? Minsan, try mo magpasikat, baka masama ka sa Guiness Book Of World Records! Pinaka MABUTING KAIBIGAN!
Dinala naman ni Lhyca ang dalawang malalaking bag na dala niya at nang malapit na siya sa pintuan ng restaurant ay tinanong niya si Suzette.
Sasama ka ba o hinde? seryosong tanong ni Lhyca. Napatulala naman nang saglit si Suzette dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot. Pero hindi na naghintay pa si Lhyca at tuluyan nang lumabas ng pinto.
Hindi naman makapaniwala si Suzette sa mga nangyari. Hindi niya kase alam kung anong uunahin niya. Ang kaligtasan ba ng sarili niya o ang kaligtasan ng kaibigan niya?
Mirriam: You did the right decision. For sure, bukas lang, may mamamatay na naman na bago sa klase natin...
Sumakay naman ng tricycle si Lhyca na naiinis pa rin sa ikinilos ng kaibigan. Hindi niya alam na ganun pala ang ugali ng kaibigan.
Lhyca: Kuya, sa St. Rochinston lang po...
Mahinang sabi ni Lhyca. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na siya sa school. Tahimik, madilim at tanging ang mga kuliglig lamang ang lumilikha ng ingay. Napansin agad siya ng ikatlong guard na papasok ulit ng school.
Bat ka pa bumalik? mahinang sabi ng guwardiya na papalapit kay Lhyca.
Hindi na lang ako sasama. Masama ang pakiramdam ko eh. imbento ni Lhyca. Iniwan niya ang lalaki sa guard house at dumeretso sa dorm ni Nikki.
Nagtaka siya dahil hindi nakalock ang pintuan ng dorm. Kinutuban na siya na baka may nangyari nang masama sa kaibigan.
Nikki, are you there? mahinang sabi ni Lhyca habang naghahanap sa bawat sulok ng bahay. Wala siya sa kusina at sala. Wala rin siya sa kuwarto nila. Kaya napag-isip-isip niyang baka nasa cr ito.
Nikki? Nikki? tuloy pa rin sa pagtawag sa kaibigan si Lhyca habang dahan-dahang binubuksan ang pintuan ng cr.
Aaahhhhhh! sigaw ni Lhyca na nagpagising sa mga kasama nito sa dorm.
Ano ba yun?? sabi ni Steph habang kinukusot ang mga mata.
Aahhhh! sigaw din ni Steph. Bumungad sa kanila ang katawan ng wala nang buhay na si Nikki. Nakahandusay ito sa sahig na may saksak ng kutsilyo sa mukha at mga basag na salamin sa itaas na parte ng katawan. Nilalangaw na ang buong katawan nito at nangangamoy bangkay na rin sa paligid.
Pede na po ba? O medyo panget pa rin? Comment niyo lang >_< Basta kung may gusto kayong sabihin o ireklamo at itanong, i-comment niyo lang!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistero / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
