#31 The Comeback

1.5K 36 0
                                    

Habang nasa biyahe ay naisipan ng mga magkakaklase na magkantahan upang mawala ang pangamba na kinakaharap ng bawat isa.

Oh, I think that I've found myself a cheerleader
She is always right there when I need her
Oh, I think that I've found myself a cheerleader
She is always right there when I need her

Oh, shit! Sigaw ni Aira na halatang gulat na gulat sa nakikita. Nagtigilan naman ang mga estudyante sa kantahan at nagsitinginan kay Aira.

Isang truck ang papalapit na sa kanilang direksyon ngunit wala nang magawa si Aira dahil maliit lamang ang kalsadang kanilang tinatahak.

______________________________________

Aira: Ugghhhh! Ouch! Ang sakit... Dahan-dahang kinapa ni Aira ang kanyang noo nang maramdaman niyang mayroong tila tumatagas mula rito. Gayon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita niyang dugo ang kanyang hinahawakan.

Kasalukayang nakataob ang buong van at dahil mukhang puro damo ang kanilang nakikita, marahil ay nahulog na nga rin sila sa bangin.

Nagsimula na ring maamoy ni Aira ang masasangsang na amoy ng tumutulong gas mula sa van. Nanlilisik ang kanyang mga mata at mukhang hindi niya rin alam ang kanyang dapat gawin.

Aira! Aira! Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas. Muling nabuhayan ng loob si Aira kaya't dahan-dahan niyang iginalaw ang kanyang mga braso at pinukpok ito sa salamin ng kotse upang makalikha ng tunog. Masuwerteng narinig ito ng babae sa labas at mabilis na rumispunde.

Aira! Ilalabas kita rito! Iabot mo sa akin yang kamay mo! Sigaw ni Giselle na nasa labas. Inilabas naman ni Aira ang kanyang mga kamay sa bintana ng sasakyan at dahan-dahan na siyang hinila palabas ni Giselle. Pero bago pa siya makalabas nang tuluyan ay isang imahe ng lalake ang nabuo sa likuran ni Giselle na agad ikanabahala ng dalaga.

Aira: Giselle, sa likod mo!

Mabuti na lamang at alerto ang dalaga at agad na nakailag sa kutsilyo na hawak ng lalake.

Giselle's POV

Juskolord! Wala po akong alam sa martial arts! Tulungan niyo po ako! Ayy! Ayan na siya! Hayaahh!

Epic fail! Di pala ako marunong sumipa! Aira, help! Sigaw ko kay Aira. Pero hindi pa nga siya makatayo eh. Kaya nung makita kong palapit na saken yung killer ay tumakbo na lang ako papalayo. Dumeretso ako sa kakahuyan kung saan madilim na at puro huni na lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Bago tuluyang makaalis ay nilingon kong muli ang kinaroroonan ni Aira. Nakatayo na siya at mukhang tatakas din siya sa kinalalagyan niya. Pero ang ikinatakot ko ay nang makita kong hila-hila papalabas ng basag na bintana ang isa sa mga estudyante ng killer. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan dahil sa pandidiri. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang mabilis na pagtagas ng dugo sa kanyang tiyan dahil sa mga bubog na naiwan sa bintana ng van. Sa takot ko ay ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa pagtakas.

______________________________________

Nanggagalaiti si Aira habang pinagmamasdang mamatay si Glenn. Makikita na rin kase ang ilan sa mga lamang-loob ng binata dahil wakwak na ang kabuuan ng tiyan niya.

Ngunit kahit na pinanghihinaan na ng loob ay nagawa niya pa ring maalala ang pocket knife na inipit niya sa kanyang medyas bago pa man magsimula ang lahat.

Mamatay ka! Gigil na gigil na sigaw ni Aira habang tumatakbo papunta sa killer. Pero mabilis itong nakalayo at tumakbo na lamang papunta muli ng kakahuyan.

Giselle! Wait for me! Sigaw ni Aira pagkatapos ay ika-ikang tinahak ang daan papunta sa direksyong pinunta kanina ni Giselle.



Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon