At gayon nga ang nangyari. Naipagpatuloy na nila ang slideshow ng mga katuwa-katuwa nilang mga larawan. Lahat sila ay nagtawanang muli na tila ba nakalimutan na nila ang imaheng nakita sa larawan ni Irish.
Pagkatapos ng "show" ay isa-isa silang naglagay ng wine na hinanda naman ni Kraven. Sabay-sabay nilang inangat ang kani-kanilang wineglass ng wine upang mag-toast. Bawat isa sa kanila ay may dala-dalang malaking ngiti sa mga labi.
"For our success!" Masayang wika ni Arron.
"For our success!" Masayang sigaw rin ng lahat saka ininom ang laman ng wineglass. Lahat sila ay nagbalikan sa kani-kanilang mga upuan. May mga nagkukuwentuhan, nag-aasaran at nagkukulitan. Meron din namang nananahimik lamang at nakikinig sa kuwentuhan ng iba. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ang bawat isa ng pagkahilo. May mga agad na nakatulog, meron din namang nakatakbo pa sa banyo at meron din namang nahihilo pa lamang.
Unang bumagsak ang mga kababaihan. Si Jhulyen, nagawa mang makatakbo sa banyo ay natumba rin sa loob. Rinig ng lahat ang mga pagbagsak ng kani-kanilang katawan. Ang ilan sa mga kalalakihan ay natumba na rin at nakatulog. Sina Arron, Patrick at Rham ay nanatiling nakaupo sa sofa dala na rin ng nadaramang hilo. Nakahawak ang bawat isa sa kanila sa kanilang mga ulo na tila ba nahihirapang gumalaw.
"What's going on?!" Galit na tanong ni Mirriam na nakahiga na sahig pero pinipilit pa ring bumangon.
"Something was on that wine! What did you put on that f*ckin' wine, Kraven! Wake up!" Sigaw ni Tamashi habang niyuyugyog ang walang malay na si Kraven, ngunit ilang saglit pa ay tuluyan na ring nakatulog si Tamashi. Hindi nila magawang labanan ang tindi ng gamot na nailagay rito.
Hindi na rin kinaya ni Arron at nakita na lamang nila itong nakapikit na at nahihimbing sa pagtulog. Sina Rham at Patrick na lamang ang nanatiling gising. Nagkatinginan silang dalawa ngunit pareho na rin silang napapapikit. Pabigat nang pabigat ang mga talukap ng kanilang mga mata. Isang mahinang "tulong" ang narinig mula sa bibig ni Patrick. Pero habang lumalabo ang mga mata nito ay nakita rin niya ang dahan-dahang pagpikit ni Rham.
__________________________________
Isang minuto na rin mula ng makatulog silang lahat. Pinapakiramdaman niya ang paligid. Dahan-dahan ang pagdilat na ginawa niya. Walang nakapansin sa ginawa niyang paglalagay ng pampapatulog sa kanilang inumin. Mabuti na lamang at busy ang lahat sa pagpapakasaya kaya't madali niyang naibuhos ang likidong iyon. Habang nakangiti ay nagpalinga-linga siya sa mga kaklaseng nakatulog na. Dahan-dahan rin siyang tumayo upang gawin ang kanyang masamang binabalak.
"Too bad you won't be able to see this, guys." Mahina nitong bulong sa sarili. Nagmadali siyang pumunta sa pintuan upang pagbuksan ang mga lalaking nakatakip ang mga mukha at pawang nakaitim. Isa-isa nilang isinakay sa mga van ang mga estudyante nang walang nakakapansin.
"Hell-come back!" Sigaw nito pagkatapos ay padabog na isinara ang pintuan ng tambayan. Wala nang taong naiwan sa loob, pati na rin si Jhulyen na naka-lock sa banyo ay nagawa nilang kunin.
__________________________________
Dahan-dahang iminulat ni Maia ang kanyang mga mata at doon niya na lang nalaman na wala na siya sa kanilang tambayan. May busal ang kanyang bibig at nakatali ang kanyang kamay at paa. Sa sobrang takot ay umiyak ito nang umiyak. Nasa loob siya ng isang kuwartong walang pintura at wala rin kahit anong laman kundi ang upuan sa gitna nito na kinalalagyan niya. Tahimik ang paligid.
Malalakas na yabag ng paa ang narinig ni Maia na papalapit nang papalapit sa kanya. Kinakabahan na siya at tila kumakawala na sa tali. Pero hindi niya ito nagawa at bumulaga sa kanya ang dalawang lalaki na may malalaking pangangatawan. Tinanggal nito ang busal sa kanyang bibig kaya't nagkaroon siya ng pagkakataon para makahingi ng tulong.
"Tulooonng-" Napatigil siya ng bigla siyang sikmuraan ng isa sa mga ito. Napaigik na lamang siya. Binuhat siya ng mga 'to saka dinala palabas ng silid.
"S-sa'n niyo ko dadalhin?! Bitawan niyo 'ko! Ano ba?!" Nagpupumiglas siya ngunit hindi na niya nagawang makagalaw dahil sa malalakas ang ito at nanghihina na rin siya. Inilabas lang siya nito ng kuwarto at sumalubong sa kanya sa labas ang isa pang lalaki. May dala itong syringe na may kulang berdeng likido. Agad nitong itinurok sa kanya ang hawak na syringe na naging dahilan upang mawalan siya ng malay.
__________________________________
Nagising na lamang siya na nakahiga sa isang makitid na kama. Para siyang nasa isang hospital. May nakatutok na maliwanag na ilaw sa itaas niya kaya't hindi niya makita nang mabuti ang mga nasa paligid niya. Bigla na lamang sumulpot ang isang babaeng nakakulay puting lab coat at face mask. May dala itong glue gun na nagpatili sa kanya. Dahan-dahan nitong inilapit sa mga mata niya ang glue gun ngunit hindi siya makalaban dahil sa mga bakal sa kanyang kamay. Nagtititili siya pero wala siyang nagawa nang kalabitin nito ang trigger ng glue gun na agad pumatak sa mata niya.
Kalunos-lunos ang mukha niya. Hindi man nagdurugo ang mga mata nito ay lumuluha naman ang mga ito. Nakapikit lamang siya dahil nag-lock ang talukap ng mata niya at ang pilikmata nito.
"Magbabayad ka! Hayop ka! Kung sino ka maaan!" Hindi maipaliwanag ang sakit na nadarama nito. Nakangiti naman ang babaeng naglagay ng glue stick sa kanyang dalawang mata. Tinanggal nito ang kadena sa kanyang kamay at tumayo si Maia upang maglakad papalabas. Patuloy pa rin sa pagngiti ang babae at hindi umiimik. Akala tuloy ni Maia ay nakaalis na ito kaya't naglakad-lakad siya habang nangangapa hanggang sa maabot nito ang pintuan. Binuksan niya ito at patuloy na naglakad. Hindi pa rin umiimik ang babae at hinahayaan ang dalaga sa ginagawa nito. Ang hindi alam ni Maia ay wala siyang madadatnan sa labas kundi ang isang mahabang hagdan na papuntang basement. Maya-maya ay isang malakas na tunog ang narinig mula sa labas.
"Aaahhh!" Isang malakas na sigaw na lamang mula kay Maia ang narinig. Alam ng babae na nahulog na ito pababa ng hagdan at nagkadurug-durog na ang mga buto nito sa sobrang haba ng hagdan na kinalaglagan nito.
"One down!" Mahinhing sabi nito saka naglakad palabas ng lugar. Pupunta naman ito sa isa pang estudyante rin ng sectiong kinabibilangan niya.
Zuup? Hahahaha! Ang tagal mag-update 'no? Busy eh. Tapos di pa ako inspired magsulat ngayon, kaya ayan lang. Sorry ah. Ge, bye.

BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistero / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...