Kinabukasan...
Nagising nang maaga sina Maia, Chris, Sunshine, Samby at Jensen para maghanda ng agahan. Kahit na alas singko pa lamang at kahit na naaalimpungatan ay sinikap pa rin nilang bumangon para pagsilbihan ang mga kaklase.
Oh guys, ano sa tingin niyo dapat natin ihanda para sa agahan? tanong ng President na si Sunshine. Marami silang naging suggestions gawa ng maraming pagkain ang nakaimbak sa bawat bahay. Kumpleto ang mga rekados. Para bang isang tunay na bahay. Pati rin ang gamit sa pagluluto.
Try kaya natin mag-fried rice with matching egg and bacon? suggest ni Jensen. Wala namang umangal kaya yun na nga ang niluto nila.
Ako sa eggs... sabi ni Chris at agad pumunta sa lababo at hinugasan ang isang frying pan.
Ops! Ako sa bacon! sabi ni Samby habang nakangiti.
Okay ako sa fried rice tutal idea ko to! sabi ni Jensen.
O ano naman gagawin natin? tanong ni Maia sa katabi na si Sunshine.
Timpla ka na lang ng ten liters ng iced tea! Tapos ako na ang gigising sa kanila. sabi ni Sunshine at agad na lumabas sa kusina.
Anebeyen! Ang dali naman ng akin! Wala na bang iba? sabi ni Maia habang nakasimangot ang mukha.
Tulungan mo ko na lang ako. dito pagtapos mo magtimpla. Nakakangalay kayo to! sabi ni Jensen habang hinahalo ang kanin sa kawali.
Okay! sagot naman ni Maia na agad kumuha sa cabinet ng sampung pack ng iced tea.
Sa kabilang bahay...
Yow guys! Good morning! Gising na! sigaw ni Sunshine habang kumakatok sa pintuan. Pinagbuksan naman siya ni Jerome.
Uyy. Good morning President! sabi ni Jerome habang ginagaya ang boses ni Baby sa Dream Dad. Natawa naman si Sunshine pagkatapos ay pumasok na sa loob at umupo sa sofa.
Nahalata ni Sunshine na si Jerome ay kakagising pa lang dahil tayu-tayo pa ang buhok nito. Kaya naisipan niyang gumanti.
Goku nahanap niyo na ba yung dragon ball? tanong ni Sunshine na may seryosong mukha.
Adik! sigaw naman ni Jerome.
Umakyat ka na nga, nandun sila sa taas! pahabol ni Jerome pagkatapos ay pumasok na sa cr. Tumayo naman si Sunshine dahil sa sinabi ni Jerome.
Umakyat siya sa taas. Nakita niya ang dalawang kuwarto na sobrang kalat. Natawa naman siya pagkatapos ay tinapik-tapik ang mga braso ng tulog na mga kaklase.
Hoy gisenngg! sigaw ni Sunshine kina Justin at Rham habang hinihila ang mga buhok nito sa kili-kili. Napatayo naman ang dalawa sa sobrang gulat.
Hoy! Sinong nagbigay sayo ng permiso para hilain ang buhok ko sa kili-kili? sabi ni Rham na natatawa-tawa pa.
Ambot sa enyo! sagot ni Sunshine pagkatapos ay pumunta sa kabilang kuwarto. Ang kuwarto nina Jerome at Oliver. Pero gising na si Oliver at basa ang buhok. Kakaligo niya lang kase.
Oy, dun na kayo sa Mega House. Yung malapit dun sa bahay ng Spice Girls? Mag-aalmusal na kase. sabi ni Sunshine.
Okay President, sa tamang panahon! sabi ni Jerome na kakaakyat lang. Nag-boboses bata ito na ginagaya pa rin si Baby. Tinawanan naman siya ulit ng mga kaklase.
Dinedma niya na lang ang mga ito at pagkatapos ay bumaba ng hagdan at dumeretso palabas.
7:00 AM
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
