#30 Escape Plan

1.6K 41 0
                                        

Nahati sa dalawang grupo ang mga estudyante. Ang isa'y para sa mga mananatili sa campsite at ang isa nama'y tatakas. Pero dahil natatakot sila sa posibleng mangyare ay mas maraming piniling tumakas.

Nasa ibaba ang listahan ng mga estudyanteng nanatili sa campsite at piniling mag-aral pa:

Jerome Larsen Calda

Oliver Thomas Oais

Tamashi Yanagawa

Lorena Buenaventura

Stephanie Michelle Canillo

Jhulyen Jell Chiyuto

Miley Yasmin Padilla

Shaymee San Miguel

Jhulyen's POV

Napagdaanan ko na ang mga laro niyang pokritang iyan. Kaya hindi ko na kailangang sayangin pa ang oras ko sa mga walang kuwentang bagay. At hindi ko isasaalang-alang ang aking pag-aaral para sa pagtakas ko diyan sa mga killers na iyan.

Tamashi's POV

I'm not scared of those psychos and I'll not sacrifice my studies for them. I know that I can protect myself. Do they know that I know kinds of martial arts?

Shaymee's POV

Alam ko sa sarili ko na mas matatag na ako ngayon, alam ko na kaya ko nang depensahan ang sarili ko laban sa mga taong nais manakit sa akin. Naging mas matapang ako. Mas matatag. At sa sumunod na beses kong makita ang babaeng iyon ay mas handa na ako at pede ko na syang mapatay nang tuluyan. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa kaligtasan naming lahat.

Oliver's POV

Hindi ko sasayangin ang mga perang pinaghirapan ng tatay ko na nasa abroad para lang sa ganitong problema. Napakalaking panghihinayang nun kung sakaling sumama ako sa kanila sa labas ng school kundi rin naman nila alam kung ano ang patutunguhan namin dun sa labas.

Stephanie's POV

Undecided. Hindi ko pa rin talaga alam ang dapat kong sundin. Ang sinasabi ba ng puso ko na sumama sa mga kaklase kong naghihintay sa tulong ko o ang sinasabi ng utak ko na kaya ako narito ay upang mag-aral at hindi makipagpatayan sa mga serial killers na yun. Pero kung ano man ang mangyari, bahala na si Batman.

Ms. Marabas: Sige na. Umalis na kayo at baka maabutan pa kayo ng gabi. Magdidilim na kaya magmadali na kayo. Tutulungan na namin kayo na ma-distract ang mga gwardiya sa gates.

Hay, salamat. May kabutihan pa pala sa puso 'tong si Ms. Marabas! Once in a lifetime opportunity ito! Go classmates, labas na kayo. Pero kung tutuusin, hindi naman dapat nila ito pagtuunan ng pansin.

End of Stephanie's POV

Hindi na nagsayang pa ng panahon ang mga estudyante at agaran na nilang isinagawa ang kanilang plano. Unang lumapit si Ms. Marabas sa mga guwardiyang tila gutom na sa matagal na pagbabantay sa malaking gate ng campsite na iyon. Tila isang model na naglakad papalapit sa mga guwardiya ang guro na may dalang isang malaking tray na may lamang dalawang plato ng spaghetti at isang picher ng iced tea. Nagkatinginan pa ang dalawang guwardiya pagkatapos ay nag-apir pa ng sabay. Nang makarating sa kinatatayuan ng dalawa ay inilapag na ng guro ang tray sa ibabaw ng lamesa.

Ms. Marabas: Mga kuya, meryenda daw po galing dun sa principal. Kain po muna kayo.

Napasabi pa ng "yes" ang dalawa bago umalis sa puwesto nila. Sa likurang bahagi naman ng mga guwardiya ay mabilis na umaksyon ang mga estudyante at agad na naglabasan sa gate. Madali nilang natapos ang plano dahil bukod sa hindi nakakandado ang gate ay distracted rin ang mga nagbabantay rito.

Sa labas, nakahinga na ang lahat nang masilayan nila ang ilaw mula sa palubog na araw.

Glenn: Di ko aakalaing ganito pala kasaya ang makita ang paglubog ng araw.

Kaye: Huwag ka nang mag-emote diyan. We need to go. Now.

Sa di kalayuan ay nakadungaw sa bintana ng isang kulay puting van ang  isang babaeng nasa bente anyos ang edad. Nakangiti nitong sinundan ng tingin ang mga estudyante. Maliit na ngiting may malaking ibig sabihin.

Hindi nila alam kung saan ang kanilang patutunguhan kaya nakaagapay sa kanila si Arron at ang mga kasama niyang babae. Sinundan lamang nila sa paglalakad si Arron papunta sa kinalalagyan ng van.

Rica: Are those the students you're talking about?

Arron: Yes, Rica. They're my classmates. Some of them have died already. But some of them are left there. But we need to go. We don't have much time.

Maia: Wow, Inglesera si ate! Sino siya Justin?

Arron: Guys, siya nga pala si Rica. Kaibigan ko mula Australia. Hindi siya marunong mag-Tagalog. Kaya pakisamahan niyo na lang. Siya nga pala ang tanging kamag-anak ko na may alam ng lahat ng mga nangyayari. Hindi ko na sinasabi sa mga parents ko dahil alam kong hindi nila ako paniniwalaan. Pinsan ko nga pala siya.

Pumuwesto na kayo. Huwag na kayong maarte at sumakay na lang kayo sa loob. Kapag hindi na kayo nagkasya, sumama na lang kayo dun sa isa pang sasakyan. Fourteen persons lang ang pede dito. Sina Aira ang magda-drive dito. Magtiwala kayo sa kanila. Matutulungan nila tayo. Yung nine na naiwan, dun kayo sa isa pang sasakyan. Maa-accomodate pa kayo dun. Mas mahaba yun. Double time guys. Panigurado, nagdududa na ang mga guro doon.

Sumakay na nga ang lahat ng mga estudyante at magkasunod na nilisan ang lugar na iyon. Nakasilip pa ang ilan sa kanila sa mga bintana ng sasakyan habang may ngiti sa kanilang mga labi. Kagalakan at pagtatagumpay na ngayon lamang nila muling mararanasan.

Mourse: Hashtag, safe na po kami. Hashtag, p@kyu kayo Hansel and Jobbert!

Kaye: Hahaha! Loko ka talaga no?

Dredda: God bless us all. Congrats, guys!

Ingrid: Sana nga, Dredda. Sana nga.

Matagumpay nilang natakasan ang mga bangungot na nasa loob ng lugar na iyon. Pero kahit na nakaalis na sila sa campsite ay mayroon pa ring delubyo na wawasak sa kanilang lahat.

Abangan ang susunod na kabanata...

Mga kabanatang magpapagimbal sa mga buhay ninyo...

Mga kabanatang pupukaw ng inyong mga damdamin...

Ano pa kaya ang mga susunod na magaganap sa..

Class 666







Short update muna guys! Sorry! Medyo nabitin nga rin ako dito eh. Pero magiging maganda ang mga susunod kong update promise!

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon