#13 30 Minutes Before We Leave

2.9K 72 2
                                    

From now on... Di na kayo dito maninirahan... Ibabalik ko na kayo sa school niyo... Sa St. Rochinston!!! naniwala naman kaagad ang mga estudyante at agad na nagsisitalon. Pero hindi pa pala tapos ang sinasabi ng babae...

Ang hirap niyo kase isa-isahin dito eh. Masyado kayong protektado ng isa't-isa...

Natahimik ang mga estudyante.

Oh sige, kumuha na kayo ng mga gamit na gusto niyo maging remembrance dito sa subdivision ko.Kung gusto niyo, isama niyo na rin ang mga bangkay ng mga mahal niyong kaklase! Ikaw Jhulyen, dalhin mo yung bangkay ng Papa Roy mo... Na ikaw mismo ang pumatay! Hahahaha! dagdag ulit ng babae sa speaker.

Makikita naman sa mukha ni Jhulyen ang pagkamuhi sa babae. Nakasarado na rin ang mga palad ni Jhulyen.

Eh may topak ka pala eh! Ba't ba lagi kapag makikipag-usap ka sa amin, tatawa ka lagi sa hule!?! Ha? sabi ni Mirriam na nakataas ang isang kilay. Mabilis namang nakasagot ang babae...

Eh kase nga nasa akin palagi ang huling halakhak! Nyak! Hahaha! sabi ng babae na tila nagbibiro.

Basta, may trenta minutos lang kayo para maghanda. Bilis, bilis, bilis!!

Natuwa ang karamihan sa kanila. Makakaalis na rin sila ngayon sa bangungot na iyon. Pero hindi lahat natutuwa. Kagaya nina Miley, Jhulyen, Kelly at Rham. Magkakalayo sila ng kinatatayuan pero nakikita nila sa isa't-isa ang lungkot, paghihiganti at panghihinayang.

Makalipas ang dalawampung minuto.

Oh? Ano mga nadala mo? tanong ni Ingrid sa kasamang si Shaymee habang nag-aayos ng mga gamit.

Wala. Ayoko nang magdala ng ala-ala rito. Masyado nang maraming masasamang pangyayari. Ayoko nang dagdagan pa. sagot naman ni Shaymee.

Ayy. Ganun? Grabe ahh. Pero ano ba nangyare? Mama mo pala yung isa sa kanila... Gaano mo ba kakilala ang mama mo? seryosong tanong ni Ingrid. Hindi naman kaagad nakasagot si Shaymee.

Ahhh.Magsi-cr lang ako ahh. Na-naiihi na kase ako ehh. palusot ni Shaymee habang tinuturo ang pintuan sa cr. Napa-pout na lang si Shaymee pagkatapos ay nagkibit-balikat.

Sa bahay naman nina Miley, Danica, Kraven at Aiya, abalang-abala sila sa pagdadala ng gamit sa loob ng bahay.

Hoy grabe ka! Ang dami na niyan ohh! Baka kailangan mo pa ng maleta, sabihin mo lang! Alam mo, kung pede lang siguro dalhin yung ref, siguro nakalagay na yan sa bag mo! Halos yung mga seasonings na lang yung hindi mo dinala ahh! San ba tayo pupunta, sa ibang planeta? galit at parang nagbibirong sabi ni Aiya kay Kraven.

Uuyy. Grabe ka ah. Hindi naman. Sayang naman kase lahat to! Haha! defensive na sabi ni Kraven.

Oy Kraves, tabi tayo mamaya ah. sabi ni Aiya kay Kraven na tila nagboboses bata.

Pabebe pa! Oo na! sagot naman ni Kraven.

Ba't ba kase naghahabol ka pa kay Ingrid, eh nandito naman ako? Mas maganda naman ako sa kanya ah? At tsaka, di ba ayaw niya na sayo? sabi ni Aiya habang inilalapit ang mukha niya sa mukha ni Kraven.

Iniiwas naman ni Kraven ang kanyang tingin sa mata ni Aiya.
Kase ano. Kaseee. M-mahal ko yun! Yung bestfriend ko na yun! sagot ni Kraven na biglang tumayo.

Tara na. Labas na tayo. anyaya ni Kraven. Agad namang tumayo si Aiya at ipinulupot ang mga braso sa bisig ni Kraven.

Iiiiee. Ang bango mo naman... sabi ni Aiya sa isang seducing voice.

Sakto naman na kalalabas lang din nina Justin at Ingrid sa bahay nila. Magkaakbay sila. Magkatapat lang kase ang mga bahay nina Kraven at Ingrid. Napahinto silang apat. Nagkatinginan sina Kraven at Ingrid. Pero bago pa man magkaroon ng awkwardness ay nagsalita si Aiya.

Ang bango-bango mo naman. Tara na bae! sabi ni Aiya habang inaamoy ang suot na white t-shirt ni Kraven.

Nanlaki naman ang mga mata ni Kraven sa narinig. Napatingin si Kraven kay Ingrid at umiling-iling. Napataas naman ang isang kilay ni Ingrid. Si Justin naman ay nakangiti at tila natutuwa sa mga nangyayare.

Tara na... matipid na anyaya ni Ingrid kay Justin.

Nagkatinginan naman si Justin at si Kraven. Nakasmirk si Justin kay Kraven. Nang makalayo na ang dalawa ay nagsalita si Kraven na galit na galit.

Ano yon? Ba't mo sinabi yon? galit na galit na tanong ni Kraven. Nakayuko lang naman si Aiya. Natatakpan ng mga buhok niya ang mukha niya. Kaya hindi nakita ni Kraven na may malaking ngiti sa mukha ni Aiya.

S-sorry. pautal-utal (kunwari) na sagot ni Aiya.

Tapos nagsimulang mag-iyak-iyakan si Aiya. May tunog rin siyang nililikha para mapaniwala si Kraven. Na-guilty naman si Kraven kaya niyakap niya si Aiya. Yumakap din naman si Aiya nang mas mahigpit. Ikinagulat ito ni Kraven. Sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya ay nararamdaman niya na ang dibdib ng dalaga.

May gusto kase si Aiya kay Kraven. Pero hindi siya nito pinapansin. Kaya ginawa niya ang lahat ng ito para kay Kraven.

Sa bahay naman nina Arron, Jobbert, Stephanie, Jhulyen at Trisha...

Nagkukumahog ang lahat sa pag-aagawan ng mga gamit sa loob ng bahay nang biglang dumating si Sunshine.

Oyy. Two minutes to go. Bilisan niyo na. Sumunod na kayo sa amin. Kumpulan na kami dun. Kayo na lang ang hinihintay. masayang sabi ni Sunshine.

Sumunod naman silang lahat kay Sunshine.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating na di nila inaasahan...

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon