#22 It's Showtime

2.3K 61 3
                                    

Kinabukasan...

Maagang nagsipasok ang mga estudyante. Walang mga late, siguro marahil gusto nilang makilala pa ang mga bago pa nilang kaklase. Maganda ang naging simula ng araw nila at nakisabay rin ang magandang panahon sa labas. Maaraw at medyo mahangin. Isang perpektong panahon upang simulan ang mga gawain.

Masayang nagchichismisan ang mga magkakaklase, may mga grupo-grupo at dala-dalawa. Ang tropa nina Justin, mas piniling pag-usapan ang ginawang pagpatay kay Nikki.

Rham: Pre, parang totoo na talaga yung mga sinasabi nila tungkol sa may pumapatay sa aten. Iniisa-isa na tayo.

Justin: Baket? Natatakot ka ba? Takot ka na pa rin bang mamatay? Maraming nang namamatay sa aten, araw-araw,di ka pa rin nasanay?

Naging palaisipan sa tropa nilang apat ang sinabi ni Justin. Parang nakangiti pa nga ito habang sinasabi ang mga ito.

Sa isang sulok, nakikinig naman ang mag-isa at walang kausap na si Lhyca. Hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Nikki, pero lalo na sa ginawang pang-iiwan nina Mirriam at Suzette. Nakaupo lang siya ng tuwid at nakasuot ng isang pekeng ngiti. Isang ngiti na tumatakip sa labis na kalungkutan na nararamdaman. Kahit na mahangin ay naisipan na lamang niyang kunin ang pamaypay na nasa loob ng kanyang bag at nagsimulang magpaypay.

Natigil na lamang ang ingay sa loob ng Room 666 nang pumasok ang kanilang guro na si Ms. Marabas.

Okay... Ooookay. Uhmm. Kumusta ang mga bago niyong classmates? Binubully ba nila kayo dito? Hinde, biro lang! Good morning Section 6! sabi ng guro na may masayang tono.

Nagtayuan naman ang lahat at sabay-sabay na nagsabi ng

Good morning Ms. Marabas! bilang paggalang sa gurong kararating pa lamang.

Sinong absent? tanong ni Ms. Marabas na kauupo pa lamang sa kanyang upuan. Nagbulungan naman ang mga estudyante. Pero naging matunog sa bulung-bulungan nila ang mga pangalan nina Mirriam at Suzette.

Cabañero and Alonzo, sila lang ba? pahabol na tanong ng guro. Maya-maya ay nagtaas ng kamay si Patrick.

Maam, absent din po si Bataanin! malakas na sigaw ni Mourse. Nagtinginan ang kanyang mga kaklase niya sa kanya. Napayuko na lamang siya at nag-peace sign.

Wala na ba? pahabol na tanong ni Ms. Marabas. Sabay-sabay naman na nagsabi ng "wala na po" ang mga estudyante.

Let's proceed to our lesson, okay, uhmm, pero bago ang lahat, magkakaroon muna tayo ng debate, debate tungkol sa mga patayang nagaganap dito sa school. The other side is for the killer's side and the other is for the target's side. I need one student for each side! pagpapaliwanag ng teacher pagkatapos ay nakatingala na kunwari'y naghahanap. Dahil matatalino ang mga estudyante sa Section 6 ay karamihan sa kanila ang nagtaas ng kamay. Pero nangibabaw sa mata ni Ms. Marabas ang estudyanteng hindi nagtataas ng kamay na sina Miley at Aiya. Kaya mas pinili niya itong tawagin. Nakikinig si Miley pero sadyang hindi lang siya pala-recite, samantalang si Aiya naman ay nagme-make up.

Ms. Padilla and Ms. San Juan! Stand up! Ms. Padilla, dun ka sa side ng killer, at ikaw naman Ms. San Juan, dun ka naman sa target's side, okay? Ganto ah, ipaliwanag niyo sa akin kung sino ang may talagang kasalanan kung bakit nangyayari ang mga patayan na ito, bibigyan ko kayo ng thirty minutes to discuss that topic. sabi ni Ms. Marabas. Nagtayuan naman sina Aiya at Miley pagkatapos ay nagkatinginan sila nang masama. Nagpunta sila sa unahan at puwesto si Miley sa kanan at si Aiya naman ang sa kaliwa.

Huminga muna silang dalawa nang malalim bago nagsalita. Nauna si Aiya...

Killer will always be a killer, kung talagang may nagawa man tayong kasalanan sa kanya, dapat in-inform niya na lang tayo, para nakahingi pa tayo ng tawad sa kanya at wala sanang namatay sa aten.

Eh pano naman kung tayo talaga yung may kasalanan na kahit batas, hindi siya makukuntento! Alam ko, at nararamdaman ko na may nagawa tayong napakalaking kasalanan sa kanya. pangangatwiran naman ni Miley.

Naghihiyawan naman ang mga kaklase nila sa tuwing babanat sila ng linya. Mas malakas ang naging hiyawan nila nang si Miley na ang nagsalita, pero hindi nagpatalo si Aiya.

Eh ano yun? T@n6@ lang? Alam ba naten yung kasalanan naten sa kanya? Tsaka kung may nawala man sa kanya, sobra-sobra naman yun kung lahat tayo papatayin niya.

Kaya nga eh. Sobrang laking kasalanan ang nagawa natin. Tsaka pede ka namang mag-ingat eh. Medyo tat@n6@-t@n6@ lang talaga yung iba sa aten kaya sila nachuge. sabi ni Miley.

Ano yon? Tayo na nga yung pinapatay, tayo pa yung may kasalanan? Tsaka ba't parang may pinaghuhugutan ka yata? sabi ni Aiya na nakapamewang. Sabay-sabay naman nagsigawan ang mga kaklase niya ng, Ooowwwsss!!!

Nainis naman ang guro sa inasta ng iba sa kanila kaya napili niya na lang na itigil ang debate dahil nagsisimula nang magka-initan ang dalawa. Nakikinig naman ang iba sa kanila lalo na ang mga bagong estudyante dahil hindi pa nila alam ang lahat ng nangyayari sa klase nila.

Tama na... Gusto ko lang malaman kung ano opinyon niyo sa mga nangyayari. Napatingin naman si Ms. Marabas sa bandang gitna ng klase dahil nagtaas ng kamay ang new student na si Yen.

Maam? Ano pong sinasabi n'yo? sabi ni Yen sa isang maarteng boses. Alam naman talaga ito ni Yen. Pero gusto niya lang na magmula ito sa guro. At kahit na totoo ito ay hindi naman siya natatakot.

Hindi niyo ba alam? Kami ang 6th section sa sixth building na nasa sixth floor. Samin nangyayari ang lahat ng patayan dito. Kung natatakot kayo, pede pa naman kayong magpalipat ng section, pero hindi ng school. At tsaka kahit na magpalipat kayo ng section, hindi na kayo titigilan non! Kasama na rin kayo sa amen. Sabi ng guro sa isang magalang na tono. Napangiti naman si Yen.

Thank you... sabi niya pagkatapos ay nag-bow at umupo. Hindi naman makapaniwala ang lima pa nilang bagong kaklase.

Magkakatabi silang anim kaya pansin pa rin ni Yen na kahit tapos na ang sinabi niya ay nakatitig pa rin ang lima sa kanya. Napakunot noo na lamang siya at hindi pinansin ang mga nangyari.

Pagkatapos nang klase ay naglabasan na ang mga magkakaklase. Pero bago pumunta sa dorm ay nag-cr muna ang mga ilan sa kanila. Sina Aiya, Trisha at Jasmin. Kahit na magkakaklase ay hindi sila nagpapansinan dahil hindi pa sila ganoon ka-close sa isa't-isa lalo pa't kakasimula pa lang ng klase at wala pa silang isang buwan. Kanya-kanya sila ng kilos, si Aiya ay nagreretouch, si Jasmin naman ay nag-aayos lang ng buhok at si Trisha naman ay nagpupulbo. Lahat sila ay nakaharap sa salamin kaya nakita nila ang pagbukas ng cubicle na malapit kay Jasmin. Napatigil silang tatlo sa ginagawa at hindi na lamang ito pinansin, sa halip ay nagligpit na lamang ng mga gamit at nagmadali lumabas ng cr. Pero nabigo sila. Nakalock ang pinto. Nagsimula tuloy silang tatlo na magpanik.

Medyo malaki ang loob ng cr. Pitong cubicle ang nasa loob. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Aiya kaya naglider-lideran na siya.

Aiya: Humanap kayo ng bintana... Matatapos na ang araw pero wala pang namamatay sa aten. Bilis!

Nagmadali naman silang tatlo na maghanap ng butas. Bubuksan pa lamang nila ang unang cubicle nang bumungad sa kanila ang isang babae. Ang babae na palaging lumalabas sa mga pagpatay sa kanila. Nakangiti ito at may hawak na syringe. Hindi na nakalaban pa si Trisha at nauna kaagad na masaksakan nito sa leeg. Nanghina siya at agad na natumba.

Sina Aiya at Jasmin naman ay lumuluhang tumakbo papunta sa pintuan. Pinukpok nila ito nang pinukpok pero walang nakakarinig. Sound proof din kasi ang loob ng cr at wala nang gaanong tao sa building na iyon.

Hindi na rin sila nakapalag at pareho na ring nawalan ng malay. Nang mapansin ng babae na wala nang malay ang tatlo ay agad siyang umaksyon. Bago niya sila ilabas ay tinignan niya muna ang tatlo at bumulong...

It's showtime...












Oh, di ba? After 833,739,362,991 years, nakapag-update din ako! Wuuuhhh. Sorry ah. Marami kase talaga akong ginagawang assignments kase student pa lang ako. Third year high school kaya medyo marami pa akong ginagawa. Pero susundan ko kaagad tong chapter na to!

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon