Si Danica.. Na-nakatali yung leeg sa kisame ng classroom! pasigaw na sabi ni Arron na tila hini-hingal pa rin.
Ha? Seryoso ka ba?!? gulat na sabi ni Jobbert. Nagmadali naman ang apat na magkakaklase sa pagpunta sa classroom. Hindi nila alintana ang dami ng mga estudyante na nagkukumpulan sa labas ng classroom nila. Nagkakagulo ang mga ito pero pinilit ng apat na makapasok kaagad sa classroom.
Maam, ano po bang nangyare? sabi ni Kelly, pagkatapos ay hinawi niya ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya papunta sa likod ng tenga niya. Hindi naman makapagsalita ang teacher na balisang-balisa pa rin. Paikot-ikot lamang siya at hindi mapakali.
Butas ang kisame ng classroom nila at nasa gitna nito ay ang kaklase nilang si Danica na nag-aagaw buhay. Marami nang dugo ang lumalabas sa bibig niya at pula na ang kulay ng mga mata niya.
Ano pang tinitingin-tingin niyo dyan? Tulungan niyo akong iangat ang katawan ni Danica! galit na sabi ni Chris habang inaangat ang mga paa ng kaklase. Nagkatinginan naman sina Gray at Tamashi. Pero agad namang tumayo ang dalawa.
Iniangat nila ito. Kitang-kita sa mga mata ni Danica ang labis na takot. Huminga siya ng malalim at nagsalita.
Huwaagg niyo kong iangaaaattt!!!! galit na sabi ni Danica. Nalito naman ang tatlo sa narinig.
A-ano? nagtatakang tanong ni Gray.
Basta.. Waaaagggg... sagot naman ni Danica. Nalilito naman ang tatlo. Hindi nila alam kung susunod ba sila sa sinasabi ni Danica o iaangat nila ang katawan nito para makahinga?
Sa gitna ng mga nangyayari ay biglang tumunog ang speaker sa magkabilang sulok ng blackboard. Isang napakalakas na halakhak ang narinig nila mula rito. Nagtakipan naman ng tenga ang mga estudyante na nakapalibot kay Danica.
Uwooopppsss!!! Sige, subukan niyong iangat pa nang mabuti yan, at nang sabay-sabay kong papuputukin ang mga tableta ng lason sa loob ng katawan ni Danica! Hahaha! Bago ko siya itali diyan, naglagay na kaagad ako ng limang remote controlled capsules sa katawan niya. Kung mapapansin niyo, may nakaumbok na peklat sa noo si Danica. That's one! Tapos yun namang nasa leeg niya na parang Adam's apple, Dalawa! Then, meron din sa magkabilang braso niya na nakabaon, Three and Four! Lastly, kung mapapansin niyo, sa bandang dibdib ni Danica may medyo malaking umbok. I'm not talking about the boobs ahh. Ayun ohh. Yung sa bandang nunal niya. Ang cute niya tuloy! Hahaha! Kase naman ikaw eh, ang dami mong kaek-ekan. Yan tuloy, sinunod tuloy kita. Pero don't worry. May escape pa naman... Mahirap nga lang. Masyadong... Alam niyo na yun... Masakeeetttt!!!! Hahahahahaha! May five minutes lang kayo para tanggalin ang mga capsules na yan or else... Boom! Pipindutin ko lang lahat ng hawak kong remote control at kakalat sa classroom na to ang mga lamang-loob mo! Good luck! sabi ng babaeng nasa speaker.
Agad namang nahimasmasan ang guro kaya napatayo siya at hinalbot ang relos ni Aiya. Nagulat naman ang dalaga sa ikinilos ng guro.
What the? galit na sabi ni Aiya habang nakataas ang dalawang kamay.
Pagkahalbot ng relos ay lumapit siya kay Danica at nag-isip kung ano kapsula ang unang tatanggalin. Nakita niya ang mababaw na pagkakabaon ng capsule sa noo ni Danica kaya sinubukan niya itong hilain.
Ahhh! sigaw ni Danica na naluluha-luha pa.
Huwag kang mag-alala. Mabilis lang to. Tatanggalin natin to ng isa-isa. Chris, Gray at Tamashi, hawakan niyo ng mabuti ang katawan ni Danica. Siguraduhin niyong tama lang ang taas ng lubid. seryosong sabi ng guro. Napa-oo naman anc lahat.
Tinignan muna ng guro ang relos. 2:13 na ang oras na itinuturo ng mga kamay. Tinignan naman ng guro ang capsule sa noo ni Danica. Makapal na balat ang naroon. Pero sinubukan niya itong hilain pero ayaw nitong matanggal.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mistério / SuspenseKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
