Nasaan ako? naalimpungatan na sabi ni Jhulyen. Sinagot naman siya ni Lhyca na nasa tabi niya nang pabalang.
Hala? Tumingin ka muna kaya sa paligid mo! Aanga-anga naman kase eh! naiiritang sabi ni Lhyca. Ipinagtanggol naman siya ni Kelly na nasa loob rin ng kuwarto.
Hoy Lhyca! Magtigil ka nga! Inis ka lang kase ikaw ang unang nahuli sa mga nakatakas! sabi ni Kelly habang tumatawa. Tinarayan naman siya ni Lhyca at lumabas na lamang ng kuwarto.
Nasan ako? tanong ulit ni Jhulyen. Agad naman siyang sinagot ni Kelly.
Nandito ka sa isang subdivision... matipid na sagot ni Kelly.
Ha? Subdivision? Anong subdivision? At saka bat tayo nandito? sunud-sunod na tanong ni Jhulyen.
Kailangan nating maglaro para mabuhay. Isa-isa niya tayong palalaruin sa isang laro na mahirap malampasan. Dalawa sa mga kaklase natin ang patay na. Sina Fritz, na miyembro ng Pop Up, at si Marissa. seryosong sagot nito.
Weh?!? Di nga? Namatay? hindi pa rin makapaniwala si Jhulyen sa mga naririnig.
Sa gitna ng usapan nila ay may isang malakas na nakabibinging tunog ang lumabas sa mga speaker sa loob ng mga bahay sa subdivision.
Ano yun? tanong ni Jhulyen habang nakatakip ang mga tenga. Nakatingin lamang si Kelly sa pintuan at biglang nagsalita.
Magsisimula na naman ang isang laro... matipid nitong sagot.
Hi sa inyo mga estudyante ng Class 666! Especially sayo, Jhulyen! Alam niyo na naman siguro ang ibig sabihin kapag narinig niyo yung favorite song ko sa speaker di ba? At ngayon, ang napili kong
manlalaro ay si...Tentenenen...
Si Jhulyen!! Lumabas ka na sa bahay na yan at sumakay ka sa elebvator diyan sa may blue na bahay...
Nagulat naman si Jhulyen narinig.
Eh pano kung ayaw ko? pilosopong sagot ni Jhulyen.
Eh di mamamatay ka mamayang gabe! Hahaha! sabi ng babae sa speaker.
Nagulat naman si Jhulyen at napalunok na lamang. Inilagay naman ni Kelly ang isa niyang kamay sa balikat ni Jhulyen.
Mag-iingat ka... matipid nitong sabi. Dahan dahan namang naglakad si Jhulyen papalapit sa elevator.
Nang makapasok siya sa elevator ay bigla itong umangat pataas at biglang may nagsalita sa loob.
Magmamala action star ka dito sa game na to! Kailangan mo silang patumbahin lahat or else, ikaw ang patutumbahin nila! Stay safe! Pumili ka na ng weapon na gagamitin mo! Choose wisely!
Isa-isang hinawakan ni Jhulyen ang mga sandata. May ibat-ibang klase ng mga kutsilyo at baril na nakapatong sa isang mahabang lamesa. Pero may isang sandata na nagpangiti sa kanya.
Ito kayang samurai... bulong ni Jhulyen sa sarili habang nakangiti.
Is that your final answer? sabi ng babae sa speaker.
Yes. Its my final answer...
Guys! Sorry kung ang panget ng chapter na to! May nabaligtad kase! Tsaka tinamad na ako magtype kaya yung mga importante na lang yung isinama ko! Sorry talaga!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...