Irish's POV
MARAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Sa palagay ko, nasa ospital na nga ako.
"May malay na si Ate!" Isang boses na pamilyar ang aking narinig. Tama! Si Ian nga 'yon! Gusto ko sana siyang yakapin ngunit hindi ko magawa. Nanghihina pa ako at parang ang tagal-tagal ko nang natutulog.
Dahil hindi ko siya mayakap ay siya na lang ang yumakap sa akin. Hindi ko man siya sinabihan pero siguro, naramdaman niyang gusto ko na siyang yakapin. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko roon sina Tito at Tita. Mukhang pagod na pagod na sila dahil sa mabagal nilang paggalaw. Nakangiting tumayo si Tita na nakaupo pa sa tabi ni Tito.
"Mabuti naman at may malay-tao ka na, Irish." Sabi niya habang hinahawi ang buhok ko na napunta na sa mukha ko.
"Nasaan po sina Mom at Dad?" Tanong ko. Bigla na lang umiyak si Tita nang matapos akong magsalita. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may masamang nangyari sa matagal kong pagkakahimbing.
"Wala na sila, Irish." Pabulong niyang sabi habang nakatingin kay Ian. Naglalaro ito ng dalawang action figure sa sofa sa harap ng kama ko.
"H-ha? P-pero paano?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Para akong binagsakan ng langit sa sinabi niyang iyon. Ayaw kong maniwala pero mukhang hindi nagbibiro si Tita.
"Nung araw na nawala kayong lahat ay siya namang pagkamatay nina Ate at Kuya. Ilang armadong lalaki ang pumunta sa bahay niyo at pinaulanan iyon ng bala. Hindi na sila nasundan pa ng mga kapitbahay niyo dahil sa takot. Alam niyo namang mahina ang seguridad ng village niyo, kaya madali silang nakatakas. Naka-receive na lang kami ng text mula sa mga kapitbahay niyo at sa ospital na lang kami nagkakita-kita. Si Ian, luckily, wala siya sa bahay niyo nung time na nangyari 'yon. At pinili rin namin na hindi 'yun sabihin sa kanya. Lahat ng mga tao sa bahay niyo, namatay. Pati na rin sina Aling Ebang at Lilibeth." Pagsasalaysay niya sa mga nangyari. Hindi ko na kinaya ang lahat kaya umiyak na lang ako nang umiyak.
Patrick's POV
TODAY is the day. Ngayon ko na haharapin ang mga parents ni Aisyah. After all the damages those incidents had given us, we managed to struggle, and we survived. Sina Irish, Arron at Chris, nasa ospital pa rin. Ang iba naman sa amin ay kalalabas pa lang. At kami naman, 'eto nag-eenjoy. Biro lang. Hehehe. Siguro nga ito na ang tamang oras para makilala na ako ng mga magulang niya. Mas maaga, mas mabuti.
Naglalakad kami ngayon paakyat sa condominium nila. May dala kaming isang basket ng prutas, isang bilaong pansit canton at isang bouquet ng roses. Alam kong kinakabahan siya dahil ang sabi niya, terror daw ang tatay niya at wala pang lalaking nakakalusot sa kanya. But I don't feel anything at all. Parang wala lang. Parang normal lang. Pero siya ang first girlfriend ko, ha.
"Pat, sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang, terror si Dad." Sabi niya sa natatakot na tono. Kiniss ko lang siya sa noo para sabihin sa kanyang kaya namin 'to.
"Leave it to me, baby." Sabi ko sabay akbay sa kanya.
"Yuck! Baby talaga? Ang jeje kaya. Ew. Pede bang 'bhoxvczs' na lang?" Biro niya at kasunod na nito ang tawanan naming dalawa. Hinahawakan ko na lang nang mahigpit ang malamig niyang palad para hindi na siya kabahan.
Nasa tapat na kami ng pintuan nila nang muli siyang magsalita.
"For the last time, ready ka na ba talaga? Kase ako, hindi pa." Sabi niya. Nakaka-offend naman 'tong baby ko, walang tiwala sa'ken.
"'Yung section nga natin, nalagpasan ko, 'eto pa kaya?" Sabi ko para lang matigil siya. Hindi ko naman siya masisisi.
"Okay..." Matipid niyang sagot. Hindi na ako nagsalita at mabilis kong pinindot ang doorbell nila. Narinig ko pa ang pagbuntung-hininga niya.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
