Kelly: 11:30 na nun. Gising pa kami pareho ni Merle. Di kase kami makatulog kaya napagdesisyunan namin na lumabas muna at magpahangin. Nagkukuwentuhan kaming dalawa nun sa table sa labas ng bahay nang biglang may narinig kaming bumagsak sa may likod ng bahay. Kakaibang pagbagsak yun. Puwersadong ibinagsak iyon para makuha ang atensyon namin. Pero hindi namin pinansin. Pero mga ilang minuto lang ay narinig na naman namin ang pagbagsak na iyon. This time, na-curious kami kaya pinuntahan na namin. Sabi ni Merle,dun lang daw ako sa likod niya. Kaya sumunod ako. Nung tinignan namin, daga lang pala. Napatakbo pa nga ako tapos siya, tinawanan niya ako. Tapos nung babalik na kami sa table, May bigla na lang nagtakip sa bibig naming dalawa. Binusalan nila ako tapos tinakpan nila ng sako yung mukha ko. Tinali rin nila ang kamay at paa ko. Tapos narinig ko na lang si Merle na sumisigaw na parang nakararamdam siya ng matinding sakit. Ayun pala... Ayan na! May binaon na pala na kutsilyo sa palad niya. I'm so pissed! Bad trip nga eh, muntikan na mamatay si Merle. Malay ko ba na hemophiliac pala yang bae ko!
Tahimik lang na nakikinig ang ilan sa mga kaklase niya.
Eh namukhaan niyo ba kung sino? Baka naman isa sa atin yung 6@60 na yun! KUNG SINO KA MAN, MAGTAGO-TAGO KA NA AT PAPATAYIN KA NAMIN. pagpaparinig naman ni Glenn.
Tiningnan naman siya nang masama ng mga kaklase.
Hoy! Kung alam lang namin na yan lang ang sasabihin mo sa amin, edi sana hindi na kami pumayag na magpa-distorbo sa inyo angal ni Aiya na nakataas ang isang kilay at nakapamewang. Makikita mo sa mga mata ni Aiya ang naghahalong antok at galit.
Ayy. Sorry po! Di naman po papalag. sabi ni Glenn na naka-peace sign sa malumanay na boses.
Oh sige na. Magsitulog na tayo. Siguraduhin niyong hindi kayo mahihiwalay sa mga kasama niyo sa bahay. paalala ni Jobbert.
Isa-isa naman nag-uwian ang mga magkakaklase.
Kinabukasan...
7:00 pa lamang ay tumunog na muli ang speaker. Napatayo ang mga magkakaklaseng kulang sa tulog. Pati na rin ang mga tulog pa ay ginising. Napakalakas ng tunog na maririnig sa speaker. Yung tipong rinig na rinig sa buong subdivision.
Woow! Ang aaga naman ng gising ng mga mahal kong classmates! Ready na ba kayo maglaro uli? Nakapag-agahan na ba kayo? Sigurado na ba kayong handa kayo sa mga pagsubok ko? To my dearest Merle, okay ka na ba? Hahaha! Ay sorry, di pa nga pala. Ay! Muntik ko nang makalimutan! May ia-announce nga pala ako. So here it is! Dahil nanonood na ako ng Nathaniel, mula ngayon araw na ito kayo, ay...
Oopppss! Sorry guys!!! Pabiten ako. Pero wag mag-alala may kasunod na chapter na agad! Enjoy! Votes and Comments ang gusto ko!
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...