Makalipas ang kinse minuto ay tumunog na ang bell, na senyales na tapos na ang break time.
Dredda: Guys, tara na. We're late.
Hansel: Ah. Sige. Sunod na lang ako.
Nauna nang magsipasok ang limang new students at naiwan sa table nila si Hansel. Nang mapansin niya na nakalayo na ang mga kaibigan ay dali-dali siyang tumayo at dumeretso sa kuwarto na nasa di kalayuan. Pagkasara niya ng pinto ay may isang estudyante pala na nagmamatiyag sa kanya. Nakayuko itong lumapit sa pintuan at ikinabit ang isang sign.
Authorized personel only.
Pagkatapos mailagay ang sign ay dahan-dahan niyang itong binuksan at nang makapasok na ay ini-lock niya ang pinto. Sa labas naman ng kuwarto ay maririnig mo ang isang malakas na kalabog. Makalipas ang ilang minuto ay isang sigaw naman ay umalingawngaw sa loob.
Sa loob ng classroom...
Nagtuturo na si Ms. Marabas ngunit wala pa rin sina Hansel at Mourse. Sa kabilang banda, maririnig ang bulungan ng dalawang estudyante na nakaupo sa last row.
Ano, nagawa niya na ba? sabi ng isa. Nang marinig ng kausap niya ang sinabi niya ay biglang kumurba sa mukha nito ang isang nakapangingilabot na ngiti.
Oo. Tapos na. Hihihi. pagkatapos ay mahina siyang tumawa. Nang marinig ito ni Ms. Marabas ay doon niya itinuon ang kanyang atensyon sa dalawa.
Flinn! Buenaventura! Pwede niyo bang i-share sa mga kaklase niyo ang pinag-uusapan niyo? sarkastikong sabi ni Ms. Marabas.
We're sorry ma'am... bulong nilang dalawa. Napunta naman sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat.
Okay. As I was saying, maraming mga OFW ang nagtatrabaho sa abroad para kumita ng malaking pera- naputol ang sinasabi ng guro nang biglang tumunog ang speaker nang kakaiba.
Make it stop! mahinang sigaw ni Maia. Halos magkagulo na ang mga estudyante dahil sa tunog na iyon. Parang static na parang dalawang metal na pinagkukukuskos. Ayan ang mga bulungan ng mga estudyante.
Maya-maya pa'y mas lalong lumakas ang tunog na naging dahilan upang magsilabasan ang mga estudyante. Nang makalabas ay agad na tinawag ni Jobbert ang technician.
Technician: Maam, hindi pu 'to koniktadu sa opis. Sa iba yata tu nakakunikta kaya kapag nagpapatawag ng mga istudyanti ang principal walang dumarating, ayon pala sera na 'tu. Itu po oh. (iniabot kay Ms. Marabas ang kable ng speaker) Hinde tu ditu dapat. Sa ibang classroom yata tu eh. Sige pu ma'am, papaayus na lang daw pu tu agad ni Principal.
Napakunot naman ang noo ng guro nang makita ang kable ng speaker. Sa likod niya naman ay si Sunshine na nakaisip ng isip ideya.
Ma'am, what if nakakonekta pala 'to sa hide-out ng killer? Eh di malalaman na namen kung sino talaga si "Cherry". medyo mataray na sabi ni Sunshine.
Eh di hanapin mo kung saan nakakonekta... maarte ring sabi ng guro sabay irap sa dalaga. Nabuwisit naman si Sunshine kaya siya na lamang nag gumawa.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad, medyo malayo-layo na rin ang narating niya. Nasa dead end na siya nang makita niyang papasok sa isang di na ginagamit na classroom ang kable nito. Na-curious siya kaya sa palihim niyang pinasok ang kuwarto. Maalikabok sa loob at puno ito ng mga antique na gamit. Bago pumasok ay tinakpan niya ang ilong niya ng panyo niyang dala.
Ambaho naman nito! Ambantot-bantot! sabi ni Sunshine habang patuloy pa rin sa pagsunod sa kable sa sahig. Inikot niya ang silid at napag-alamang hindi normal ang sukat nito. Mas malaki ito kaysa sa ibang mga classroom sa eskwelahan nila. Napatigil na lamang siya nang makarinig ng mga pagbagsak. Pagkatapos nito ay ang pagsigaw ng isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misterio / SuspensoKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
