Mabilis ang ginawang pagkilos nila at matiwasay nilang naipasok sa loob ng classroom. Doon nila ito itinali gamit ang lubid na natagpuan nila sa loob ng silid tsaka binusalan.
"Lumabas na kaya tayo." Suwestiyon ni Patrick.
"Eeeh. Adib-adib." Sabi ni Miley habang nakataas ang isang kilay.
"Eeh, talaga ba?" Sagot naman ni Patrick.
"Alam niyo, mas mabuti pa kung tawagan niyo na sila para malaman natin kung okay na tayo." Suwestiyon ni Aisyah.
Kinuha ni Chris ang kanyang cellphone na nakaipit sa kanyang beywang saka kinontak ang mga kaklase nila.
"Sheyt. Nakalimutan kong magpaload kagabi!" Bulalas nito saka pinatay ang cellphone.
"Gagi. Eh di mangutang ka muna ng load."
"Kakautang ko lang din nung nakaraang araw eh." Katwiran pa nito.
Hindi na tuloy nakapagpigil pa sina Aisyah at Miley kaya't hinawakan na nila nang mahigpit ang buhok ni Chris saka pinaghihila. Nagpa-gewang-gewang ang ulo nito dahil sa ginawa ng dalawa.
"Aray! Aray! Aray!"
"6@6@ ka kase! Letse ka."
"Tama na! Aray! Aray!" Awat ni Chris na namula-mula na ang mukha sa sakit na nadarama.
Nang makuntento ay tumigil na ang dalawa saka nag-apir.
Aisyah's POV
Hahaha! Nagmukhang siyokoy si Chris dun sa ginawa namin sa kanya! Trip na lang talaga ni Miley yung sabunutan si Chris kase nga, nakakatawa raw tignan kapag umaalog yung ulo niya. Pero malakas ang gut feel ko na may something sa dalawang yun eh. Ako naman, nasunod lang kay Miley kesa naman sa ako yung masabunutan. Hehehe.
"Sorry na, okay? Bawal bang mangutang ng load?" Tanong ni Chris.
"Oo, bawal. Kapag ikaw, bawal!" Sagot ni Miley.
"Eeh. Punyeta! Kuwento mo sa dad mo."
"Kuwento mo kay Elizabeth (nanay ni Chris)!"
"Ba't hindi kay Eduardo (tatay ni Miley)?" At pagkatapos nun ay sinabunutan ulet ni Miley si Chris but this time, mas madiin. Malakas silang mag-asaran ng mga pangalan ng mga magulang nila. Mga may topak kase sila. Kasiyahan nila ang mga magulang ng isa't-isa.
"Nako, Miley. Tigil-tigilan mo ako baka hindi kita matantiya diyan."
"Gawin mooo! Hindi ako natatakot sa'y-" Hindi na nakatapos si Miley sa sinasabi niya nang makita niyang bumukas ang pintuan. Hindi na kami nakapaghanda pa dahil masyadong mabilis ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
