Lunch Time! sigaw ng isang babae na may dalang isang malaking kaserola na papalapit sa lamesa ng Section 6. Nakaupo na nang maayos ang lahat ng mga estudyante. Magkakalapit lamang ang kanilang mga upuan.
Pagkalapag na pagkalapag ng babae ng kaserola ay nagpalakpakan ang lahat. Sabik na sabik na sila dahil sa bus pa lamang ay ubos na nila ang kanilang pagkain. Marahan na hinawakan ng babae ang takip na kaserola at tinignan muna nang isa-isa ang mga estudyanteng nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay napalunok na lang siya.
Cook: I present to you... My speacialty... Ginataang ipis!
Yuck! Eewww! Gross! ilan lang yan sa mga sigaw ng mga estudyante nang makita ang laman ng kaserola.
Palutang-lutang ang mga ipis sa gata habang may kasamang mga gulay. Gamit ang sandok ay hinalo-halo pa ng babae ang gata upang lumabas ang iba pang ingredients na nasa ilalim. Naglabasan ang mga putul-putol na paa ng ipis. Ang ibang estudyante ay hindi kinaya ang kanilang nakikita kaya umiwas na lamang sila sa pagtingin. Ang iba nama'y napasuka nang hindi oras.
Wala po bang ibang options? tanong ni Oliver habang nakatakip ang ilong at bibig.
Bakit? May nahanap ka bang food bags? Di ba wala naman? Tsaka wag ka ngang maarte, masarap kaya yan! Safe kainin yan, adik! mataray na sabi ng babae pagkatapos ay umalis na kasama ng iba pang tagaluto.
T@n6!n@ mo, ate! Palamon ko kaya sa'yo lahat 'to? bulong ni Oliver sa kanyang sarili. Pero narinig siya ni Kelly at natawa lang ito.
Kung walang ibang choice, eh di kainin na lang, wala namang mawawala eh! sabi ni Patrick sabay subo ng isang kutsara ng kanin na may kasamang sabaw ng ginataang ipis. Medyo nginuya-nguya niya muna ito bago magbigay ng kanyang komento.
Lasang ipis! Pweee! sabi niya sabay dura sa may plato ng isinubong kanin. Nakita ng kanyang mga katabi ang iniluwa niya na may pakpak pa ng ipis. Nandiri sila kaya hindi na lamang sila tumingin.
Samahan mo na lang ako! Hanap tayo ng food bags sa gubat. Hindi ko na 'to kaya! sabi ni Jim sabay hila sa kamay ni Kaye. Si Kaye naman ay hinila rin ang kamay ni Stephanie.
Sabay silang tatlo na naglibot sa gubat at naghalughog ng food bag. Pero sa kasamaang palad ay wala silang nakita. Pagbalik nila sa puwesto ng mga kaklase ay tapos na silang magsikain at nagliligpit na rin sila ng mga hugasin.
Stephanie: Shocks. Wala na tayong pagkain. Pano na yan?
Kaye: Baket, kung meron ba at ginataang ipis ang ihahain sa'yo, kakain mo ba?
Stephanie: Hinde. Balik na lang tayo sa gubat at baka makahanap na tayo. Please?
Jim: Tara na. Hindi rin naman sila kumain eh. Ano guys? Sama kayo?
Nagsilapit ang ilan sa kanila at ang iba'y dinaan na lamang na kuwentuhan ang gutom. Nagpaka-leader na si Jim para sa paghahanap ng food bag at nagplano na maghanap sa gubat.
Ayoko. Di bale nang magutom ako basta't hindi ako magkaroon ng mga kagat ng lamok. Merle, sabihin mo na di tayo sasama sa kanila. anyaya ni Kelly sa kanyang boyfriend na si Merle. Pumayag naman si Merle sa gusto ni Kelly at nagdesisyon na hindi na lamang sumama sa paghahanap. Marami rin sa mga kasama nila ang piniling manatili sa kanilang mga tent upang magpahinga at hindi na mag-aksaya pa ng kanilang enerhiya para bukas. Sa huli ay siyam lamang sila na naghanap sa gubat.
Masukal at mapanglaw ang gubat na iyon. Maraming mga baging sa paligid at puro tuyong dahon ang lupa. Marami rin silang narinig na mga huni ng iba't-ibang hayop.
My goodness! gulat na sigaw ni Yen sabay talon. Napatingin tuloy sa kanya ang mga nag-aalala niyang kaklase.
Isang maliit na kulay puting ahas ang nag-aabang sa binti ni Yen. Buti na lamang at napansin niya kaagad ang matingkad nitong balat. Nakaangat ang ulo nito at tila gustong manuka.
Shoo! Shoo! sigaw ni Hansel habang patuloy na itinataboy ang ahas sa pamamagitan ng pagbato ng maliliit na piraso ng grava. Pero imbis na lumayo ay mas lalo itong nagalit at naging agresibo. Hindi naman makatakbo ang mga estudyante sa takot na baka habulin sila nito.
Guys, bagalan niyo lang lakad niyo. Tuloy lang ang lakad. payo ni Jim sa kanyang mga kasama. Pero dahil marami sila ay hindi na nakapagpigil pa ang ahas at mabilis na tinuklaw ang binti ng naka-short na si Jerome. Natumba siya at agad na namilipit sa sakit. Nagsitakbo naman ang iba sa kanila at nag-kanya kanya ng takbo. Naiwan sina Jim, Jerome at Justin.
Pre, wag kang gagalaw. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa iyo. bulong ni Jim kay Jerome na pawis na pawis na.
Ahhh... Pare ang saket! Tulungan mo ko. wika ni Jerome sabay pindot sa parte na natuklaw ng ahas.
Hindi ko alam kung paano matatanggal yung lason. Basta wag ka munang gagalaw. Hintayin mo siyang lumayo. sabi ni Jim na diretsong nakatitig kay Jerome.
Dude, based on the book that I've just red, kailangan nating sipsipin yung venom nung snake. Tama yon promise. payo naman ni Justin.
Buti na lamang at biglaang gumapang palayo ang ahas. Agad nilang nilapitan si Jerome. Halos sumigaw na siya dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jim at agad na sinunod ang sinabi ni Justin kaya agad niyang sinunggaban ang binti ni Jerome. Mga limang segundo rin siya nakayuko at sinisipsip ang venom ng ahas.
Okay, okay, you're doin' good. Next, you have to spit it out. sabi ulit ni Justin sa kaibigang si Jim. Biglang huminto si Jim ng marinig ang sinabi ni Justin.
What? All this time, I've been swallowing the venom and now you're tellin' me this? natatakot na wika ni Jim.
Ha? Nilunok mo yung venom? Jim naman, utak mo nga, gamitin mo! Lason ng ahas lulunukin mo? San ka nakakita niyan? mayabang naman na sabi ni Justin kay Jim. Hindi na nakasagot pa si Jim at napahawak na lang siya sa kanyang tiyan. Napatulala siya at hindi na nakapagsalita pa.
I'm going to see my ate, soon... matipid na sabi ni Jim sa sarili. Napatingin na lang sa kanya si Justin na tila naguguluhan pa rin. Hindi na rin nagtagal ay hindi na kinaya pa ni Jim ang lason kaya agad bumagsak ang kanyang katawan. Ilang saglit pa ay nangisay ang kanyang katawan at naglabasan ang mga puting bula sa kanyang bibig.
I didn't do it. Wala akong kasalanan! It was his fault! Common sense naman! Lason yon pre, lason! naiiyak na si Justin pero pinigilin niya sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi rin nakapagsalita si Jerome at napatingin na lang sa kawalan.
Samantala...
Yen's POV
Na-shock ako. Hindi ko ine-expect na may ahas pala sa lugar na 'to. Ang dumb naman ng school namen para mag-organize ng camping sa gubat tapos di nila alam na may ahas dito? Shocks. They're insane.
By the way, nandito nga pala ako ngayon sa gitna ng gubat na patakbo-takbo pa rin kase nga nagkahiwa-hiwalay kami. Wala na kong pakialam kahit na nasira na yung takong ng sapatos ko, basta ang mahalaga ngayon ay makahanap ako daan pabalik. Hindi ko naman marecognize kung saan yung dinaanan ko kanina kase nagpaliko-liko ako.
Anyway, sa kakatakbo ko, may napansin akong isang kulay red na something sa taas ng isang puno. Naakit yung mata ko kase puro green yung paligid tapos makakakita ka ng red? No? Di ba? Kaya nilapitan ko yun. At in my amusement, nabasa ko kaagad ang mga words na nakasulat sa labas ng bag na 'yon.
Congratulations! You've just found a food bag. Enjoy the snacks inside and please, stay safe.
Yes, IKR! I'm so lucky na hindi na ko maghihirap pa. Nawala tuloy yung kaba ko! At syempre, syempre, syempre, suwapang yata 'to! Naghanap ako ng isang magandang lugar kung saan pwede kong kainin MAG-ISA, ang lahat ng laman ng bag na 'yon.
Binuksan ko muna yung bag para malaman ko kung bakit mabigat yung bag. Pero dahil nga diyosa ako, punung-puno ng chips at tinapay yung bag. At dahil sa gutom, una kong nilapang yung tinapay. Simple lang na tinapay. Gardenia siya kaya masarap kahit walang palaman! Sa sobrang gutom ko pa nga ay narinig ko yung sound ng tiyan ko na parang nag-gggrrrrhhh. Pero hindi galit yun ah. Yung 'pag sa nagugutom? Lam niyo yun?
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Mystery / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
