Students of Class 666

29.8K 473 120
                                    

Credits nga pala kay Cold_gal para sa napakagandang book cover salamat po nang marami!
Boys:

Mourse Paradict Ali

-Si Mr.Annoying. Nilalayuan siya ng karamihan dahil sa mga biro niyang nakakabuwisit. Madalas mang-prank ng mga teachers at iba pa niyang kaklase. Mabuting binata naman pero wala nga lang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang bestfriend na si Arron.

Arron Kyle Bataanin

-Ang tinatakbuhan palagi ng iba niyang classmates dahil magaling magbigay ng payo. Marami na siyang masasamang pangyayari nakaharap sa buhay. Hiwalay ang parents niya kaya sa scholarship lang siya umaasa. Top 2 ng klase. Marami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa pagiging gentleman niya at pagiging totoo sa sarili.

Justin Paul Cabrera

-Basagulero at barumbado. Walang sinumang inuurungan bukod sa teachers. Siya rin ang latest boyfriend ni Ingrid. May namumuo silang alitan ng dating bestfriend ni Ingrid na si Kraven. Hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Miyembro din siya ng grupong Pop Up.

Jerome Larsen Calda

-Walang ibang hinihintay kundi ang recess at uwian. Isa siya sa may pinakamabababang grades sa classroom nila. Marunong din siyang makisama at miyembro ng grupong Pop Up na palaging sangkot sa mga rambol at gulo sa school. At kahit na mahina siya sa academics ay magaling naman siya sa computer. Siya rin ang pinakatahimik na miyembro ng Pop Up.

Glenn Daryl Dixon

-Fake. Yun lang ang pinakasimpleng bagay na magdedefine sa kanya. Anghel, gentleman at humble kapag nasa harap ng mga kababaihan at demonyong pilyo kapag lalaki ang mga kasama. Pa-impress kahit hindi naman kagwapuhan. Feeling niya kase ay sisikat siya kapag maraming babae ang magkagusto sa kanya. Kaya walang masyadong taong pumapansin sa kanya. Magaling din siyang mag-gitara at marunong kumanta.

Jensen Mel Fabian

-Ang escort ng Class 666. Simple at tahimik na binata. Siya ang may pinakamagandang penmanship sa kanilang lahat. Maraming babae sa ibang section ang nagkakagusto sa kanya.

Chris Tyler Flinn

-Si Mr. Nobody. Madalas siyang makita sa canteen na mag-isa. Simple lang siya kung pumorma pero maaasahan mo kahit anumang oras. Approachable at friendly kase siya.

Evan Shottes Francisco

-Gangster. Walang ibang kinasasangkutan kundi mga gulo at rambol. Pinakabastos sa lahat ng estudyante na ultimo tinitingnan na siya ng diretso ng teacher dahil sa sobrang galit ay wala pa rin siyang imik at ngingiti lamang na parang hindi alam ang nangyayari.

Jobbert Valladir Grosche

-Hindi man siya kasama sa Top 5 ay isa pa rin siya sa pinaka pinagmamalaking estudyante ni Ms.Marabas. Maaasahan siya sa paggawa ng mga rules and regulations ng classroom. Siya kase ang Vice President ng klase. Madali siyang lapitan sa kahit na anong problema mapa-financial o mapa-life problems man yun.

Merle Christian Herrera

-Ang pinakamagaling mag-basketball sa lahat ng boys. Meron siyang malaking pangangatawan na kinaiinggitan ng karamihan. Gwapo at friendly rin siya. Madalas siyang sumali sa mga extra curricular activities ng school. Siya ang Top 4 ng klase. Siya rin ang boyfriend ni Kelly.

Oliver Thomas Oais

-Kung titingnan ay isa siyang simpleng binata na may malaking pangarap, pero nagbago ang lahat nang simula siyang takutin nina Justin na papatayin daw siya nito kung hindi siya sasali sa grupo nila. May pagkaduwag kase siya at hindi niya rin kayang i-defend ang sarili laban sa apat. Buti na lamang at nandyan si Casey na handa siyang ipagtanggol laban sa mga taong balak siyang saktan.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon