#59 Who's Missing?

1.5K 35 3
                                    

     "Itigil mo na ang mga kahibangan mong 'to!" Mahina ngunit galit na sabi ni Trayver kay Aling Amanda. Nasa isang classroom sila ngayon at tila nagtatalo.


     "Pasalamat ka't hindi ako nagsalita sa harap ng mga kaklase mo. Pumayag akong magpabugbog sa kanila. Hmp. Buwisit sila. Nagbaliw-baliwan na nga lang ako para hindi nila ako kulitin, e. Huwag mong sabihin na tinatalikuran mo na ako. Tandaan mo, isa itong kasunduan." Paalala ni Aling Amanda.


     "Oo, ako ang naglagay ng pampatulog sa mga baso ng mga kaklase ko noong nasa tambayan kami. Pumayag ako. Hindi dahil gusto ko ang mga ginagawa mo, kundi dahil ayokong mapahamak ang pamilya ko." Sagot naman niya.


     "E, ayun naman pala. Gusto mong mailigtas kita at ang pamilya mo. Pero bakit tinatalikuran mo na ako?" Sabi naman ni Aling Amanda na tila nakangiti pa.


     "Tama na! Hindi ka pa ba nakukuntento? Ang dami nang nawala, alam mo naman 'di ba ang pakiramdam ng mawalan ng anak?" Katwiran ng binata.


      "Oo, kaya nga. Gusto kong iparamdam sa mga magulang nila ang pakiramdam ng mawalan ng anak!" Ubod-lakas na sabi ng matanda na lapit ang mukha kay Trayver.


     "Tignan mo nga 'yang sarili mo, forty-seven years old ka pa lang pero mukha ka nang sixty plus! Tama na 'to! Hindi na tama ang mga ginagawa mo! Hindi pa ba huli ang lahat, pede ka pang magbagong-buhay. Kalimutan na lang nating lahat na nangyari 'to. At isa pa, kapag nalaman 'to ng asawa niyo, tiyak na magagalit 'yon." Pangangatwirang muli ni Trayver. Biglang siyang tinalikuran ni Aling Amanda. Bahagya itong naglakad papalayo hanggang sa makalapit sa bintana. Doon ay tumigil ito minasdan ang tanawin sa labas.


     "Alonzo..." Wika niya habang nakangiti. Muli niyang inalala ang mga napagdaanan nila noon, ang mga masasayang pangyayari sa buhay nilang dalawa at sa mga anak nila. Agad namang sumunod si Trayver at ipinatong ang kaliwang kamay sa balikat ng matanda.


     "Opo. Nandiyan pa po si Robert. At si Alonzo. Sigurado akong gustung-gusto ka na nilang makita." Wika ni Trayver habang nakatingin sa matandang nakatalikod.


     "Nami-miss ko na nga rin sila e." Sabi ng matanda na maluha-luha. Pero hindi rin nagtagal ay muling nagbalik ang mala-demonyong ngiti ni Aling Amanda ngunit hindi ito makita ni Trayver dahil nakatalikod ito. Hindi na niya napansin ang pagpasok ng kaliwang palad ng matanda sa bulsa nito. Hinugot nito ang hawak nitong baril saka ipinutok sa dibdib ni Trayver. Agad itong sumuka ng dugo at mabilis na natumba sa sahig.


     Baaang! Awtomatikong napalingon ang mga magkakaklase dahil sa kanilang narinig. Ang putok na iyon ay umalingawngaw sa buong school. Kasalukuyan silang nasa Building 2 noon at hinahanap na nila si Aling Amanda. Agad nilang sinundan ang lugar na pinagmulan ng putok na iyon. Habang tumatakbo paakyat ng hagdan ay may biglang pumasok sa isipan ni Mourse.


     "Guys. Gutom ako pero hindi ako nahihibang sa naiisip ko ha." Sabi ni Mourse habang nakahawak sa kanyang nangangalam na sikmura. Agad ring napatigil ang kanyang mga kasamahan at napatingin sa kanya.


     "Dalawa lang naman kase 'to guys, e... Pedeng nagpakamatay si Aling Amanda... Gamit ang baril na 'yon... At..." Hindi matapos ni Mourse ang kanyang sinasabi dahil bigla siyang kinabahan.


     "Ano?! Bilisan mo na at baka makatakas pa 'yon!" Galit na wika ni Jhulyen.


     "Baka may napatay siyang isa sa atin..." Bulong niya. Napaisip tuloy silang lahat.


     "Guys, pede count off muna tayo? Para malaman kung may nahiwalay man sa grupo." Hiling ni Patrick habang nakaakbay kay Aisyah.


     "One..." Sabi ni Mourse.


     "Two..." Sabi naman ni Patrick.


     "Three..." Sabi din ni Aisyah, hanggang sa makabilang na ang lahat.


     "Thir-thirteen..." Nauutal na wika naman ni Casey sabay lingon sa kaliwa niya upang malaman kung sino ang panghuling bibilang. Lumingon pa siya sa kanyang likuran upang tingnan kung may tao ba rito. Ngunit wala siyang nakita.


     "Guys, last time I checked, forteen tayo." Mariin niyang sabi.


     Bigla silang nakalikha ng bilog at isa-isang tiningnan ang kanilang mga kasama upang malaman kung sino ang nawawala.


     "Si Trayver. Nawawala si Trayver!" Bulalas ni Miley.


     "Kailangan, isisigaw?" Tanong ni Casey na nasa tabi ni Miley, habang nagtatakip ng kanyang tainga. Binigyan lamang siya nito ng matalim na tingin kaya't tumigil siya. Bumalik na sila sa paghahanap sa pinagmulan ng putok na iyon. Inisa-isa nila ang bawat classroom ng buiding hanggang sa makita nila ang silid na kinalalagyan ni Trayver.


     "Trayver!" Mahinang sabi ni Patrick habang nakatulala. Hindi siya makapaniwala ngayon sa kanyang mga nakikita. Nasa harapan na nila ngayon ang bangkay ng kaibigan nilang kanina pa nila hinahanap.


     Ang karamiha'y napiling hindi na lamang pumasok dahil pandidiri. Pero si Irish, walang pakialam. Dire-diretso siyang pumasok sa silid na iyon kahit na kalunos-lunos ang hitsura noon. Nilapitan niya ang bangkay nito saka binuhat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang hita. Wala siyang pakialam kahit pa mamantiyahan ng dugo ang kanyang balat.


     Nagkalat ang dugo sa buong silid. Ang mga pader, bintana at kisame. Lahat ay mayroon. Iginuhit ito gamit ang kamay ng isang tao. Ang tiyan ng binata ay wakwak kaya't nagkalat ang mga lamang-loob nito sa sahig. Ang isa namang mata nito ay wala na at tila dinukot. Naging kulay pula ang puting classroom dahil sa dugo ng binata.


     "Aaaaaah!" Ubod-lakas na sigaw ni Irish na halos ika-labas na ng kanyang mga ugat sa leeg. Halu-halong pawis, dugo, sipon at luha ang tumutulo mula sa kanyang mukha. Niyakap-yaka pa niya ang bangkay ng kaibigan saka tumayo na galit ang mukha.


     "Tara na. Umalis na tayo dito. Sigurado akong hindi pa 'yon nakakalayo." Matipid niyang sabi saka lumabas ng silid. Naiwan sa loob sina Arron, Patrick, Mourse, Casey at Mirriam. Nagkatinginan silang lima saka umalis na rin sa silid.


__________________________________


     "Aaaaaah!" Biglang napatigil sa pagtakbo si Aling Amanda. Lumingon siya sa kanyang likuran dahil kilala niya ang boses na iyon. Si Irish... Tama. Isang malaking ngiti ang kumurba sa kanyang bibig saka muling tumakbo papalayo sa building na iyon.


     Sorry, guys. Pero 1,000 words ulit 'to. 'Di ko sadya! Thank you nga pala sa mga sumoporta ng story na 'to. Sa mga nag-read, comment tsaka vote. Lahat! Pati na rin sa mga nag-a-add sa mga reading list nila. I love you. Kahit na silent reader lang ang iba. At least meron. Abangan niyo sana ang ending ng story ko, sarili kong version. Tsaka yung mga magiging pasabog sa dulo. Meron kaya! Hahabaan ko na 'to kase malapit na ang last. Next chapter na ang "Last Chapter" na ayaw ko sanang gawin kase ayaw ko 'tong tapusin. Pero dahil kailangan, gagawin ko. Sana pala basahin niyo ang iba ko pang stories na nasa "works" ko. Gusto ko sanang gawing mas gore yung chapter na 'to kaya lang, gusto ko 1,000 words lang. Thank you talaga. As in! Kung alam niyo lang ang nararamdaman ko.

Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon