Sa sumunod na araw...
Maagang nagsigising ang mga excited na mga estudyante. Lahat ay nakangiti at tuwang-tuwa.
Samby: Uuuhhhaaa! Gising na girls! Camping na!
Kahit na naaalimpungatan na ay sinikapan pa rin ni Samby na maghanda ng agahan.
Miley: Ano almusal?
Maia: Masarap ba? Yiiieee! Nakaka-excite naman tong araw na 'to!
Casey: Oo nga eh! Parang ang sarap-sarap sa pakiramdam!
Samby: Oh, kain na, mga anak.
Maia: Huh? Nanay kita? Ba't di naman yata halata?
Samby: Ooohhh eehhh. Wag kang kakain ah... Ako pa tinakot mo!
Maia: Hinde! Biro lang nay!
Miley: Ay. Magse-seven na! Bilisan na natin. Male-late na tayo.
Nagkita-kita ang mga magkakaklase sa kanilang classroom. Naging maingay nang lahat. May mga nagsasabihan ng mga plano nilang gawin kapag nasa campsite. Meron din namang mga nag-aasaran at nagtatawanan.
Ms. Marabas: Kumpleto na ba ang Section 6?!?
Jobbert: Opo, maam. Pede na po tayong umalis. Thirty three po kaming lahat.
Ms. Marabas: Sige na. Pumila na kayo kasama ang mga gamit niyo.
Sumunod naman ang mga estudyante at pumunta na sa bus na naka-assign para sa kanila. Nag-unahan ang mga magkakaklase sa mga upuan. Isang air-conditioned bus ang natapat sa kanila dahil hindi tinipid ng principal ang budget para sa camping. Magkakatabi ang mga magbe-bestfriend at magsyo-syota.
Konduktor: Okay guys, here we go!
Yeaaahhhhh!!! nagtitilian ang mga babae at nagsisigawan naman ang mga lalaki. Kasunod nito ang pagpapatugtog ng bus driver ng isang rock song. Sobrang excited na sila sa camping. Two years na rin kase nang huling magpa-camping ang school nila.
Ma'am, gano po ba kalayo ang Trece Martirez, Cavite? tanong ni Jerome. Napalingon naman si Ms. Marabas sa kanyang estudyante at tiningnan muna ang kanyang orasan bago sumagot.
Jerome, siguro mga three hours pa. mahinang sagot ni Ms. Marabas.
Ang campsite na napili ng kanilang school ay isang gubat na malayo sa sibilisasyon. Maraming mga bangin sa paligid at punung-puno ng mga matataas na puno ang lugar. Puro berde at mga kabundukan.
Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay biglang nasiraan ang kanilang bus.
What the fu¢|<? bulong ni Justin sa kanyang sarili nang malamang huminto ang kanilang sinasakyang bus. Nagising naman ang kanyang girlfriend na si Ingrid na nasa kanyang tabi.
Yung words mo nga. Expext the unexpected nga si ba? mataray niyang sabi sa boyfriend niyang si Justin. Sinimangutan naman siya ng binata at humarap na lamang sa bintana. Medyo nainis si Ingrid kaya pinalo niya ito sa dibdib, na siya namang kinainis nito.
Ano ka ba? nabubuwisit na tanong ni Justin kay Ingrid. Nagulat naman si Ingrid sa ginawa ni Justin kaya tumayo na lamang siya at lumipat ng upuan. Di siya pinansin ni Justin at tinuloy niya na lamang ang kanyang pagtulog.
Naging madalas ang tampuhan ng magkasintahang sina Justin at Ingrid sa isa't-isa nang mga nakaraang araw. Nagiging malamig at nagkakaroon ng sawa sa isa't-isa.
Lumipat si Ingrid sa bandang likuran ng bus at doon niya inilabas ang kanyang matagal nang kinikimkim na sama ng loob. Umiyak siya ng umiyak. Pero kahit na walang tunog ay nilingon siya ni Kraven na nag-aalala sa kanya. Tumayo si Kraven at lumipat sa tabi ng dating bestfriend.
Ano nang nangyari sa bestfriend kong masayahin at palatawa? tanong ni Kraven na tumatawa-tawa pa. Inilapit niya ang kanyang kanang braso sa balikat ng kaibigan. Hindi naman umiimik si Ingrid at umiwas na lamang ng tingin kay Kraven. Bago magsalita ay pinunasan niya ng hawak na panyo ang kanyang mga luha.
Bess. Sorry ah. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa inyo. Napakat@n6@ ko! Ba't ba kase ako nahulog sa 6@60n6 yun? galit na sabi ni Ingrid. Si Kraven naman ay natawa dahil ito ang unang beses niyang marinig ang dating kaibigan na magmura.
Kraven: Sige. Iiyak mo lang yan ngayon. Pero bukas, ipangako mo saken na wala na yan ah. Kaya ilabas mo na yan lahat ngayon.
Hindi naman nakapagpigil si Ingrid at napayakap na lamang sa kaibigan. Si Gray naman ay lumapit na rin sa dalawa. Naging isang reunion ang pag-aaway nilang dalawa.
Sa isang hindi maintindihang dahilan ay pumasok ang driver ng bus sa loob na puno ng kulay itim na mantsa ang damit. Nakakapit siya sa pole at tila hinihingal.
Driver: Ayos na ang bus! Pede na tayong lumarga!
Nang marinig ang magandang balita ay biglang nagsisitili ang mga estudyante ng Section 6. Nagsimula ring magliparan ang mga piraso ng bilog na papel papunta sa driver. Pagkatapos ay nagtawanan ang lahat.
Mga ilang saglit pa ay umandar na ang kanilang sasakyan. Natuloy ang pagpapatugtog nila ng isang rock song, pero this time, mas malakas.
BINABASA MO ANG
Class 666 (COMPLETED) #Wattys2016
Misteri / ThrillerKaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat dahil sa isang lihim ng nakaraan. Patayan, aksidente at mga kakaibang laro. Ilan lamang iyan sa mga b...
